Friday, April 7, 2023

Real Life Couple Kim Chui At Xian Lim Ipinasilip Ang Kanilang Masayang Swiss Alps Experience At Ang Naging Pagsakay Nila Sa Tinaguriang The Slowest Fast Train Sa Buong Mundo

Sa mundo ng showbiz, isa sa mga celebrity couple na talagang hinahangaan, sinusubaybayan at iniidolo ng marami ay ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim. Hinahangaan ang magkasintahan dahil sa tibay ng kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t isa, ganun din ang ibinibigay nilang suporta sa bawat isa, lalo na pagdating sa kani-kaniya nilang karera.

Batid naman natin na sa kasalukyan ay may kanya-kanyang karera ang magkasintahan, si Kim Chui ay patuloy na namamayagpag bilang isang aktres at host sa ABC-CBN network, samantalang isa naman sa mga aktor ngayon sa GMA network si Xian Lim.

Kahit nga magkaiba ng network na pinagtatrabahuan ang magkasintahan, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanilang relasyon, para ito’y mas pagtibayin pa nila. Sa katunayan, kahit na parehong abala sa kani-kaniyang trabaho sina Kim at Xian, ay nagagawa pa rin nilang magkaroon ng panahon sa isa’t isa, tulad na lamang ng kamakailan laamang ay naging masaya nilang bonding at experience sa Swiss Alps.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Mapapanood sa ibinahaging vlog ni Xian sa kanyang YouTube channel ang naging masayang pamamasyal nila ng kasintahan niyang si Kim sa Swiss Alps at ang nagin experience nila sa pagsakay sa slowest fast train sa buong mundo na siyang nagdala sa kanila sa Muottas Muragl, isang yila restaurant sa taas ng bundok na kung saan ay puro yelo lamang o snow ang iyong makikita sa kapaligiran.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Dahil sa kamal ng yelo sa kapaligiran at sobrang lamig, ilang minuto lang ay pumasok na sa loob ng Muottas Muragl sina Kim at Xian, kung saan ayon sa aktor, ay magde-defrost muna umano sila dito.

Nang medyo umayos na ang panahon at hindi na masyadong umuulan ng yelo sa labas, ay minabuti ng magkasintahan na lumabas na at dito ay bumungad sa kanila ang napakagandang kapaligiran at tawanin kahit na puro yelo ang kapaligiran.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Maliban dito ay ipinasilip din ng magkasintahan ang iba’t ibang mga masasarap na pagkain na kanilang natikman sa naging pamamasyal nila sa Swiss Alps.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Tunay din na masisilayan kung gaano nila na-enjoy ang experience nila sa Glacier express.


Source: Ptama

0 comments: