Sunday, April 9, 2023

Kris Aquino Nag Gain na Ulit ng Timbang, Bimby Aquino Yap Hinarap si Ogie Diaz Upang Magbigay ng Update sa Health Condition ng kanyang Ina

Nitong nakaraang linggo nga ay nagtungo ang comedian, actor, entertainment reporter, and talent manager na si Ogie Diaz sa Amerika at gusto sana nitong dalawin at kamustahin ang kaibigan niyang si Kris Aquino, ngunit bigo ito.

Ayon sa kay Ogie naka set na sana ang schedule ng kanilang pagkikita kaso nangaling si Kris Aquino sa sa napakaraming test at napagod daw ito kaya hindi daw natuloy ang kanilang pagkikita ngunit nakausap niya naman ang bunsong anak ni Kris na si Bimby kung saan nakakuha siya dito ng update ukol sa health condition ni Kris.

“Sabi ni Bimby sa akin na very sorry ang kanyang Mama kasi ang alam n’ya kami ay magkikita pero sana ay maintindihan ko raw na si Mama n’ya ay sobrang pagod sa mga test,” ibinahagi ni Ogie Diaz sa Showbiz Update sa Youtube nitong April 4.

Kwento pa ni Ogie na talagang hands on ang bunsong anak ni Kris sakanya dahil palagi itong nakaalalay kay Kris at lagit itong kasakasama sa halos lahat ng lakad ng kanyang ina.

“Siya ang priority ko, eh. Of course, yon ang choice ko talaga. Wherever mom is, I’ll be there,” sabi nito kay Ogie.

“I told nga my Mama, my [future] wife will be the love of my world, si Mama, love of my universe naman,” dagdag pa ni Bimby.

 

Sa naging paguusap ni Ogie at Bimby, kinamusta ni Ogie ang kalagayan ni Kris at kung ano na ang update sa laban ni Kris sa kanyang Autoimmune Diseases.

Ani Bimby, “Okay naman. You know…stable. Yan, that’s the good word for it. Stable lang. And of course, still beautiful, forever beautiful.”

Nakakarecover nadin ang katawan ni Kris kung saan dumagdag na ang timbang nito kung saan dati ay bumagsak ang timbang ni Kris sa 80lbs ngunit ngayon ay nasa 103 lbs na ito.

“She is now 103 lbs. …stable. For me, kahit 80 pounds si Mama, even if she was 80 pounds, she’ll still be the most beautiful Mama ever para sa akin,” pagmamalaki pa ni Bimby.

Ayon pa kay Bimby na dalawa ang kanilang hi-nire na nars para kay Kris, ngunit kahit dalawa na ito ay laging nasa tabi padin ni Kris si Bimby kung saan siya tinatabihan niya ang kanyang ina tuwing gabi at siya ang nagbabantay dito.

“Oo, yeah. It’s my duty, eh…duty ko as her son to take care of her, eh. We also have two nurses pero… I sleep with her, eh. So, ako yung sa night duty, basically. Hahaha!” natatawang sabi niya.

Pagdating naman sa mga importanteng bagay kagaya ng mga pangangailangan ng kanyang ina pagdating sa medisina o gamot ay hindi nakikiaalam dito si Bimby at pinapaubaya nalang niya ang mga ito sa mga nars ng kanyang ina dahil takot siya na magkamali.

“Hindi. I don’t touch it, eh. Kasi if I touch it baka magkamali ako. It’s better to leave it to a more responsible nurse,” sambit niya.

Hindi rin daw nakakalimot ang kanyang ina na lagi siyang paalalahanan,

“Be good and take care of yourself. And take care of Mama. ‘Take care of me when you’re older and take care of your brother.’ ’Yon talaga yung duty ko,” aniya pa.

Hindi naman nakalimot si Bimby na magpasalamat kay Ogie at sa mga supporters ng kanyang ina na isinasama ang kanyang ina sa kanilang mga dasal.

“Maraming salamat po. Thank you. Thank you for praying for Mama’s good health,”.


Source: Ptama

0 comments: