Sunday, April 23, 2023

Ibinida ng Dating Child Aktres na si Sharlene San Pedro ang kanyang Nabiling Bagong Sasakyan na Katas ng kanyang Pagla-livestreaming bilang isang Online Gamer

Pinatunayan ng batang aktres na si Sharlene San Pedro na hindi lang sa larangan ng aktingan siya kikita at sisikat at mahahasa ang kanyang sarili, kundi sa ibang bagay din kagaya ng pagiging isang live streamer sa larangan ng video games.

Nakilala si Sharlene bilang isang Child Star at sumikat sa palabas na Goin Bulilit. Lumabas din siya sa ilang pelikula at naging isang recording artist, naging VJ din ito sa number one music ng bansa na Myx.

Photo credits: Sharleene San Pedro | Instagram

Ngayon unti-unti nanaman umuusbong ang kasikatan ni Sharlene ngunit hindi sa larangan ng pag-aartista, ito ay sa kanyang pag oonline streaming ng mga video games katulad nalang ng Call of Duty (CODM), sa kasalukuyan ay mayroon na itong 2.4 million followers sa kanyang facebook page.

Photo credits: Sharleene San Pedro | Instagram

Marami na ang naipundar si Sharlene sa halos loob ng dalawang dekada na pagtratrabaho sa showbiz at halos nabigyan niya narin ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit may isa siyang nabili ngayon para sakanyang sarili na hindi katas ng kanyang pag-aartista kundi ito ay katas ng kanyang paglilivestreaming.

Sa latest post ni Sharlene sa kanyang twitter account ibinahagi niya ang isang sasakyan na kanyang nabili para sakanyang sarili na katas diumano ng kanyang paglalaro online.

Ayon sa post ni sharlene na may kalakip na caption na,

“Sulit ang puyat at pagod sa paglilive . Thank you, Lord.”

Samantala bumuhos naman ang pagbati at paghanga ng kanyang mga fans sa kanyang bagong achievement.

Photo credits: Sharleene San Pedro | Instagram
Photo credits: Sharleene San Pedro | Instagram

Ayon sa kumento ng kanyang mga fans:

Congratulations! It looks so good. Bagay sayo! Happy for you ❤️

 

Congrats on your new car Shar, you deserved it 😊

 

Super Duper Proud ako sa lahat ng achievements mo ♥️♥️♥️
Just stay safe always 🤗

 

Congrats Shar deserve mo yan at sana nga tuloy tuloy na ang pagbabalik showbiz mo God bless

Matatandaan na huling napanood sa telebisyon si Sharlene sa prime video original na Ten Little Mistresses kung saan isa siya dito sa mga star-studded cast.


Source: Ptama

0 comments: