Monday, April 24, 2023

Luis Manzano At Jessy Mendiola, Pinabinyagan Na Ang Kanilang Napaka Cute Na Anak na Babae Na Si Baby Isabella Rose Tawile Manzano

Kamakailan lang ang pinabinyagan na ng celebrity couple na si Luis Manzano at Jessy Mendiola Manzano ang kanilang napaka cute na anak na babae na si baby Rosie.

Sa instagram account ni Jessy ay ibinahagi niya ang ilan sa mga mahalagang kaganapan ng kanilang ginanap na event kung saan dumalo dito ang ilan sa kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram 

Ilan sa mga bigtime showbiz celebrity na dumalo ay si Alex Gonzaga at Nikki Gil kung saan parehas na matalik na kaibigan ng mag-asawa. Sila ay kinuhang mga ninang ng mag-asawa maging gabay ng kanilang anak na si baby rosie sa pag laki nito.

Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram
Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram

Bininyagan si baby Rosie sa isang catholic church noon nakaraang linggo Abril 23, si baby rosie ay 4 na buwan na ngayon at patuloy pang mas lumalabas ang kanyang ka-cutetan at kagandahan habang ito ay lumalaki.

Narito ang ilan sa mga larawan ng naging masayang kaganapan ng binyag ni baby rosie.

Matagal din na pinagdarasal ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang baby rosie, kung matatandaan na taong 2021 ng ikasal si Jessy at Luis at halos ilang buwan din nilang sinubukan na mabuntis si Jessy dahil ito ay ang matagal na nilang hiling, ang magkaroon ng sariling pamilya bago pa man sila ikasal.

“We’ve been trying for months. Every time na siyempre hindi kami papalarin, malulungkot kami. So, dumating sa point na hindi na ako nagtetest o umaasa o pag magkakaroon ako, naiiyak ako,” – pagbabahagi ni Jessy.

 

“So, dumating sa point na hindi na rin kami masyadong pressured. Kumbaga, nag-usap kami na ‘Let’s have fun na lang, let’s enjoy. And antayin natin kung kailan ibibigay sa atin,’” dagdag pa ni Jessy.

Ginanap ang party ni baby rosie sa Shanri-la the fort manila kung saan makikita ang naging simple ngunit makulay na venue.

Narito ang ilan sa mga adorable pictures ni baby rosie na talagang pangigigilan nyo:

Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram
Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram
Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram
Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram

Isang blessing talaga na hindi matutumbasan ang hatid na kasiyahan ni baby rosie sa buhay ng mag-asawang si Luis at Jessy, mas lalo pang pinagtibay nito ang kanilang pag-sasama at mas lalong nagkaroon ng kulay ang kanilang buhay sa pagdating ng kanilang anak na babae.

 

 


Source: Ptama

0 comments: