Sunday, March 19, 2023

Hashtag Member na si Zeus Collins Proud na Ibinahagi ang Tagumpay ng Kanyang Negosyo na Sinimulan Lang Niya Noon sa Php50K Niyang Ipon at Ngayon ay Mayroon na Itong 43-Branches

Proud na ibinahagi ng Hashtag member na si Zues Collins ang pagtatagumpay ng negosyo na kanilang sinimulan ng fiancée niyang si Pauline Redondo. Ibinahagi din niya, ang labis niyang pasasalamat sa kanyang fiancé, na ayon sa kanya, ito ang umengganyo sa kanya na magnegosyo noong taong 2021, mga panahon na halos maubos na ang savings niya dahil sa pandemic.

Ibinahagi ni Zeus na ang pandemic ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipan na sumugal sa isang food business. Saad niya, noong panahon ng pandemic ay muntik ng maubos ang kanyang savings, hanggang sa ang kanyang longtime partner na si Pauline ang naka-isip at nag-motivate sa kanya na pasukin ang mundo ng pagnenegosyo.

Magmula ng pasukin nina Zeus at fiancé niyang si Pauline ang pagnenegosyo, ay nagkaroon na sila ng dalawang Japanes food kiosk at ito ay in-open nila for franchising. Taong 2021 ng binuksan ng mag-fiancée ang kanilang Ta Ramen Na, at ilang buwan lang matapos nito, ay muli na naman silang nakapagbukas ng panibagong food business na tinawag naman nilang Le Katsu MNL.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by paułinè redondo (@mykapaulinee)

Ilang taon pa lamang ngang namamayagpag sa industriya ng food business ang negosyong ito ng magkasintahan ay talagang marami na ang tumangkilik dito, kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat nig Hashtag member na si Zues dahil sa tagumpay na kanilang food business.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by paułinè redondo (@mykapaulinee)

Samantala, sa naging panayam ng PEP.ph kay Zeus noong ika-13 ng Disyembre sa ginanap na Hey Pretty Skin year-end party sa Marriot Hotel sa Pasay City, ay ibinahagi niya na sa ngayon ay nakapokus silang mag-fiancee sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo. Ikinuwento din niya ang patuloy na pag-expand ng kanilang mga negosyo.

Ayon nga kay Zeus as of January 20, 2023 nadagdagan pa ng dalawang branch ang kanilang business, kaya naman ngayon ay mayroon na silang total na 43-branches.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by paułinè redondo (@mykapaulinee)

Kahit naman maganda ang takbo ng negosyo, ay hindi naman tuluyang tinatalikuran ni Zeus ang pag-arte. Ayon sa kanya, hindi niya basta-basta susukuan ang buhay niya sa showbiz, at tatanggap pa rin siya ng proyekto basta’t mayroong offer sa kanya.


Source: Ptama

0 comments: