Kilalanin ang Gwapong Panganay na Anak ni Niño Muhlach na si Zandro na Sinurpresa ng Aktor ng Isang Mamahaling Sasakyan
Ang aktor na si Niño Muhlach ay nagsimulang pasukin ang showbiz bilang isang child star na talaga namang kinagiliwan ng publiko. Pinahanga nga ni Niño ang publiko sa kanyang sariling kakayahan pagdating sa pag-arte.
Photo credits: google.com
Samantala, may dalawang anak naman si Niño. Ang panganay niyang anak na si Zandro Muhlach ay 19 na taong gulang na anak niya sa dating asawang si Edith Millare. Ang pangalawa namang si Alonzo na sumunod sa yapak niya sa pag-aartista ay anak niya kay Diane Tupaz.
Photo credits: topgear
Ngunit, hindi tulad ni Alonzo na bata pa lamang ay iminulat na ang mata sa mundo ng showbiz, mas pinili naman ni Zandro na magkaroon ng simpleng buhay na malayo sa mundo ng showbiz. Bagama’t, nasilayan na telebisyon sa ilang TV commercial at guesting noong siya’y bata pa, mas pinili parin ni Zandro na ituon ang pansin sa pag-aaral at pumasok sa paaralan bilang isang normal na estudyante.
Photo credits: Sandro Mulach | IG
At kamakailan nga, ay naka-graduate na ng senior highschool ang panganay na anak ni Niño. Dahil nga, isang mabuti at mapagmahal na ama si Niño sa kanyang mga anak, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na mabigyan ito ng regalo bilang gantimpala sa kasipagan nito sa pag-aaral at regalo na rin sa kaarawan nito.
Photo credits: Sandro Mulach | IG
Sa vlog na ibinahagi ng CelebPinas, tampok ang surpresa ni Niño sa kanyang anak na si Zandro ng isang mamahaling sasakyan. Mapapanood sa video, na habang kumakain ng almusal si Zandro, ay iniabot ni Niño ang isang maliit na kahon na naglalaman ng keychain. Nagpasalamat naman si Zandro, sa regalo ng kanyang ama na akala niya ay ordinaryong keychain lamang.
Photo credits: Sandro Mulach | IG
Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman, ito pala’y susi ng isang magara at mamahaling sasakyan na regalo ng kanyang ama para sa kanyang birthday at graduation gift na rin. Agad ngang bumaba ang binata, upang tingnan ang regalo ng kanyang ama. Bumungad sa kanya ang isang napakagandang kulay puting sasakyan.
View this post on Instagram
Photo credits: Sandro Mulach | IG
Labis nga ang pasasalamat ng 19 taong gulang na binata sa ibinigay na regalo sa kanya dahil may magagamit na siyang sasakyan sa pagpasok niya sa kolehiyo. Dahil nga sa pagpapakita ng kasipagan sa pag-aaral, kung saan ay determinadong makapagtapos ng pag-aaral, ay talagang sinuportahan ni Niño ang nais na tahaking landas ng kanyang anak. Wala mang interes sa industriya ng showbiz, tiyak na magiging matagumpay naman si Zandro sa landas na kanyang tatahakin.
Source: Ptama
0 comments: