‘Kayod lang ng kayod’: Negosyanteng si Neri Naig-Miranda, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Hindi Siya Natatakot na Pasukin ang mga Bagong Negosyo
Dahil sa kanyamg pagpupursige at kasipagan ay nagawang maging matagumpay sa pagnenegosyo ng asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda. Matapos ngang maitayo at matupad ang pangarap niyang mga negosyo tulad na lamang ng sarili niyang cafe, bed-and-breakfast, at isang events place, ay tila balak na naman ni Neri na magtayo ng bagong negosyo ngayong taon.
At kamakailan lamang ay ibinahagi ng 35 anyos na negosyante, na may-ari ng Neri’s Not-So-Secret Garden sa Batangas na si Neri, na hindi siya natatakot na pasukin ang bagong negosyo kahit pa anumang sitwayon ang kinakaharap.
Nito lamang ika-13 ng Enero, ay ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram ang isang mensahe na puno ng inspirasyon upang matupad ang mga pangarap na inaasam. Kalakip ng isang larawan kung saan nakatayo sa harap ng isang container van house, ay nagbigay rin si Neri ng pahapyaw sa bagong business idea na kanyang papasukin.
Photo credits: Neri Naig | IG
Ayon nga kay Neri, ay hindi siya natatakot na sumubok sa mga business idea na kanyang naiisip, lalo na kapag may hatid na kilig, dahil isa umano itong magandang sign upang ituloy. Positibo rin ang pag-iisip ni Neri pagdating sa resulta ng kanyang magiging desisyon.
“Kapag may maisip akong business idea, yung kikiligin ako every time na maiisip ko yung idea na yun, para sa akin, magandang sign yun na ituloy ko. At talagang ginagawa ko, di ako natatakot na subukan. Siyempre di ko iniisip na magfail ang idea ko, pero kung di man magwork, at least alam ko na may lesson akong natutunan.”
Photo credits: Neri Naig | IG
Ibinahagi rin ni Neri kung paano siya nagsimula sa pagnenegosyo hanggang sa maabot niya ang tagumpay. Sa salaysay ni Neri, ay hindi madali ang lahat ngunit dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay nakamit niya ang kanyang mga pangarap.
“Hindi ako takot. Nagstart ako sa walang wala talaga. Kaya ano pa ba ang kakatakutan ko nung nagsisimula ako sa negosyo? Laki ako sa hirap, nangangarap ng malaki pero alam kong hindi imposibleng makamit. Realistic naman ang mga pangarap ko pero hindi lahat madaling gawin. Pero dahil sa sipag at tyaga, naitatawid din.”
Photo credits: Neri Naig | IG
Saad pa nga ng wais na Misis, ay mahalaga umano na may tiwala sa sarili, at huwag matakot sa sasabihin ng iba. Dahil ang mahalaga, ay mapatunayan sa sarili na kayang abutin ang pangarap sa sarili mong kakayahan.
“Fear ang unang tatalo sa atin. Kapag walang execution, hanggang pangarap lang yan. Sayang naman kung di mo susubukan. Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo. Importante yan. Kahit ano pa ang sabihin ng iba na di ka magiging successful, na babagsak ka lang, push yourself more. Patunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Wala kang kailangang patunayan sa kanila. Sa sarili mo lang.”
Photo credits: Neri Naig | IG
Sa huli, ay ipinahayag naman ni Neri, na kung talagang gustong umasenso sa buhay, ay walang anumang bagay na magiging hadlang. Saad nga nito, kung kaya ng iba, mas kaya mo.
“Ang tanong mo lang dyan, bakit hindi mo pa na uumpisahan ang pangarap at plano mo sa buhay? Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag aral! Takot? Parte yan! Mahirap? May madali ba sa buhay? Maghanap ng solusyon, bawal na ang excuses kung talagang gusto mong umasenso sa buhay. Kung kaya ng iba, mas kaya mo! ”
Photo credits: Neri Naig | IG
Sa nauna namang post, ibinahagi ni Neri ang kanyang mga goals na kanyang tutuparin para ngayong taon. Para nga kay Neri, mahalaga ang kalusugan upang maisakatuparan ang mga nais tuparing pangarap sa buhay para sa pamilya.
“Kayod lang ng kayod. Focus our energy na maging productive everyday. Kung tapos na ang mga orders at naipadeliver na, tingnan ang bahay, marami pang aayusin. Maraming pwedeng gawin. Masaya kaya na maraming tasks ang natatapos. Fulfilling! Pero wag din kalimutang magpahinga, magrecharge. Alagaan ang ating mga sarili para mas maalagaan natin ang ating pamilya. Tandaan, bawal tayong magkasakit!”
Source: Ptama
0 comments: