Tuesday, January 19, 2021

Silipin ang Masayang Bakasyon ng Mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico Kasama ang Kanilang Anak na si Thylane sa Napakagandang Isla ng Boracay

Papalapit na nga ang summer kung saan ay malalasap na natin ang sariwang hangin, at makikita ang magandang tanawin sa nais nating destinasyon. At kung ang pag-uusapan ay lugar na ang hatid ay magandang tanawin, at nakakarelax na kapaligiran, ay nangunguna riyan ang napakagandang isla ng Boracay.

Marami sa mga sikat na celebrities sa showbiz, ang humahanga sa angking ganda ng Boracay. Sa kulay puti nitong buhangin, malinaw na tubig at magandang tanawin, ay tiyak na mag-eenjoy sa bakasyon.




Ngunit, higit namang magiging masaya at maeenjoy ang bakasyon kapag kasama ang mga mahal sa buhay. At ngayong nalalapit na summer nga, ay kanya-kanya ng plano ang bawat pamilya para sa masaya nilang bakasyon.

Katulad na lamang nga ng pamilya ng aktres na si Solenn Huessaff at asawa nitong si Nico Bolzico na maagang nagbakasyon sa napakagandang isla ng Boracay kasama ang kanilang isang taong gulang na anak na si Baby Thylane.

Ang masaya at unforgetable moments ng kanilang pamilya, ay ibinahagi ng celebrity couple sa kanilang Instagram account. Sa Instagram account ni Solenn, ay sunod-sunod ang naging post ng aktres upang ipasilip ang kanilang masayang bakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

May larawan nga kung saan makikita na magkasamang naglalakad sa dalampasigan ang mag-inang Solenn at Baby Thylane. Nilakipan naman ito ng caption ni Solenn ng:

“Morning walks are best on the beach.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Sa isa namang Instagram post, ay makikita na may “happy hour” ang mag-ina habang nakaupo sa beach. Si Solenn ay umiinom ng wine habang kalong si Baby Thylane na sumisipsip naman ng juice. Makikita rin sa hiwalay na post, na nakasuot ng twinning swimsuit si Solenn at Baby Thylane na talaga namang napakagandang tingnan.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Samantala, kahit na nasa bakasyon, ay kilig overload pa rin ang kasweetan ng mag-asawang Solenn at Nico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Sa mga larawan ay masisilayan ang nag-uumapaw na kasweetan at pagmamahal sa isa’t isa ng mag-asawa. Sa isang larawan makikita ang matamis na halik ng mag-asawa na nilakipan ng caption na”PDA and owning it”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Talaga namang napakasarap magbakasyon kasama ang pamilya dahil ang bawat sandali ay naeenjoy. Samantala, bago pa man magtungo ang pamilya ni Solenn sa Boracay ay ipinagdiwang muna nila ang 1st birthday ni Baby Thylane noong ika-1 ng Enero.


Source: Ptama

0 comments: