Monday, January 18, 2021

“Ang talent fee ko P1,200” Anne Curtis, Ibinunyag ang Halaga ng Kanyang Kinikita sa Kanyang Trabaho Bilang Artista Noong Nagsisimula pa Lamang Siya sa Showbiz

Ang aktres na si Anne Curtis ay isa sa hinahangaang artista sa industriya ng showbiz. Isa rin si Anne sa top-earning celebrities sa bansa at kabilang rin sa top tax payers. Hindi naman ito maikakaila sa tinatamasang kasikatan ng aktres sa industriya. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, bago pa man mapabilang si Anne sa top earning celebrities, ay nagsimula lamang siya sa maliit sa sahod.




Sa naganap na panayam kay Anne ng Manulife Philippines sa usang webinar na “Ready, Set, #Goals, ay ibinunyag ni Anne ang halagang kanyang kinikita sa pag-aartista noong bago pa lamang siya sa showbiz.

“I was fairly young. Ang talent fee ko P1,200,”pagbubunyag ni Anne.

Photo credits: google.com

Nang pasukin ni Anne ang showbiz, ay 12 anyos pa lamang siya, kaya naman ang humahawak ng perang pinagtrabahuan niya, ay ang kanyang magulang upang makapag-ipon at mapaghandaan ang kanyang future.

“When I was 12, of course, I did not handle my finances at the time. My parents were the ones who were setting aside all of my savings.”

Samantala, unti-unti namang tinuturuan ng kanyang magulang si Anne na ihandle ang kanyang sariling pera. At nang sumapit na ang aktres sa hustong edad ay ipinagkatiwala na sa kanya ng lubusan ang hawakan at imanage ang perang kanyang pinaghirapan. Dahil dito, naging handa na rin ang aktres kung pano hawakan ng tama ang perang kinikita sa trabaho.

Photo credits: google.com

“It was only when they turned it over to me at the age of 18 that I really got to be hands-on with my own money and savings. But before they turned it over to me, they did teach me about the way of life and how to save…so that when they turned over my savings, I was prepared.”

Ibinahagi naman ni Anne, na kahit isa siyang sikat na artista, at malaki na ang kinikita, ay maliit lamang ang kanyang allowance kung saan ay kailangan niyang magtipid. Ito nga ay sa pagpili kung ang perang natira sa kanyang bulsa, ay gagamitin niya upang kumain ng masarap na pagkain o kaya naman ay sa isang masayang night out. Mabuti na lamang nga at tinuruan siya ng kanyang road manager na gumawa ng qouta para sa kanyang sarili upang huwag tipirin ang sarili.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

“Siyempre when you have a quota, hindi mo dapat tinitipid yung sarili mo. You set a reasonable and attainable quota for yourself and once you reach that, that extra money that you have, that’s when you can spoil yourself a little bit more.”




Dahil dito, ay nagawa nang ienjoy ni Anne ang perang kanyang paghirapan at mabili ang mga bagay na nais niya. Ang ibang pera naman, ay inilalaan ni Anne sa mga charity works.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Talaga nga namang matagumpay ang karera ni Anne sa showbiz bilang isang mahusay na aktres. Maliban dito, ay pinasok na rin ni Anne ang pagnenegosyo, at pinili niya ang beauty business kung saan ay kilala na rin ang kanyang mga produkto.

“When I first came up with BLK, everyone knows how much I love lipstick, how much I love cosmetics. I really wanted to come up with my own brand that would reach out to my fellow Filipinas and something that was attainable for them, so that’s why I started that business.”

Maliban sa kanyang beauty business, ay co-founder rin si Anne ng activewear line na Recess.

Hindi lamang isang mahusay na aktres at negosyante si Anne, kundi isa ring hands-on mom sa kanyang napakacute na anak na si Baby Dahlia. At bilang isang ina, ay maingat rin si Anne pagdating sa mga gastusin ng kanyang anak.


Source: Ptama

0 comments: