Huling Handwritten Love Letter ni Rico Yan Para sa Dating Nobya na si Claudine Barretto, Naghatid ng Kilig sa mga Netizens
Dekada 90 nang makilala sa industriya ng showbiz ang matinee idol na si Rico Yan. Pinahanga ni Rico ang publiko hindi lamang sa kanyang angking kagwapuhan, kundi pati na rin sa kanyang husay sa pag-arte.
Noong dekada 90 nga, ay talagang sikat na sikat ang aktor sa industriya. Mas lalo namang nakilala si Rico Yan, dahil sa nakakakilig na tambalan nila ng aktres na si Claudine Barreto. Napakaganda nga ng chemistry ng dalawa na naghatid ng kilig sa mga manonood na talagang nakasubaybay sa kanilang mga pelikula. At ang pagtitinginan nila on-screen, ay tuluyang nauwi nga sa totoong buhay.
Puno nga ng saya ang pag-iibigan noon nina Rico at Claudine, kung saan ay talagang napakasweet sa isa’t isa. At madalas ngang ipahayag ni Rico Yan ang pag-ibig niya sa nobya sa pamamagitan ng mga love letter.
Ngunit, ang matamis na pag-iibigan ng magkasintahan ay nagwakas, matapos ang biglaang pagpanaw ni Rico Yan. Halos dalawang dekada na nga ang lumipas magmula ng pumanaw ang aktor, ngunit nananatili pa rin ang mga masasayang alaala na naiwan nito.
Isa nga sa talagang nakatanggap ng masayang alaala mula kay Rico Yan, ay ang dati nitong kasintahan na si Claudine. At ang mga love letter nga nito, na nagsisilbing masayang alaala at simbolo ng pagmamahal ay iniingatan pa rin ng aktres. Tila nga muling nanumbalik ang hatid na kilig ni Rico Yan sa kanyang mga tagahanga matapos masilayan ang huling handwritten love letter na ibinigay nito kay Claudine.
Ang nasabing love letter ay nakasulat lamang sa isang simpleng yellow pad paper. Bagama’t nakasulat ito sa maliit na papel, ay mababakas naman sa bawat kataga ang labis na pagmanahal ni Rico Yan kay Claudine. Talaga namang napakatamis ng bawat salitang mababasa sa liham dahilan upang kiliging muli ang kanilang mga tagahanga.
“To my hunny, By the time you read this, I must be in CDO already. Just want to thank you for last night. You were wonderful! And because of that, I’m sure I’m gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight. But nevertheless, I still love you very much! MWAH!!-Rico.”
Talaga namang nakakakilig ang mensahe ni Rico Yan sa dating nobya. Kaya naman hindi maikakaila na minahal rin ito ng lubusan ni Claudine.
Source: Ptama
0 comments: