Silipin ang Kahanga-hangang Pagbabago sa Buhay Ngayon ng Dating PBB Housemate na si Tricia Santos
Kung isa ka sa mga tagahanga reality talent competition ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother ay tiyak na nasaksihan mo ang mga kaganapan ng Teen Clash Edition noong 2010, kung saan ay isa sa pinakakontrobersyal na Teen Edition ng PBB.
At isa sa mga housemate ng naturang season sa Bahay ni Kuya na talagang pinag-usapan ay si Tricia Santos. Ito nga ay dahil, isa si Tricia sa pinakaaayawan at pinakaiiwasang housemate sa Bahay ni Kuya dahil sa kanyang malakas na personalidad. Sa kabilang banda, ay nagawa namang ipakita ni Tricia ang kanyang kakayahan at hindi nagpatinag sa sinasabi ng iba sa kanyang pagiging totoo. Pinatunayan rin ni Tricia na may potensyal siya bilang artista. Ngunit, sa kasamaang palad matapos ang 63 na araw ay na-evict siya sa Bahay ni Kuya.
Sa paglabas naman ng Bahay ni Kuya, ay nabigyan naman siya ng pagkakataong maging host ng PBB Teen Edition afternoon show kasama ang aktres na si Mariel Rodriguez. Ngunit, hindi naman nagtagal ay tuluyan na nga siyang nawala sa harap ng camera.
View this post on Instagram
Ngunit, nasaan na kaya ngayon si Tricia matapos lisanin ang industriya ng showbiz?
Ayon nga sa ilang ulat, nang maramdaman ni Tricia na hindi para sa kanya ang buhay sa showbiz, ay nagpasya siyang tahakin ang ibang larangan. Ito nga ay ang ipagpatuloy ang kanyang hilig sa paglalaro ng volleyball at maging isang sikat na atleta. Naging varsity player si Tricia ng Ateneo de Davao University noong Highschool.
View this post on Instagram
Nakapaglaro rin siya sa UAAP kung saan ay naging bahagi siya ng Golden Tigresses sa University of Santo Tomas noong 2013. At ang huli naman niyang nilahokan ay ang Lady Blazers varsity volleyball team sa De La Salle–College of Saint Benilde noong 2015.
View this post on Instagram
At ngayong taong 2020 ay marami naman ang ginulat ng PPB Teen Class 2010 housemate sa larangang kanyang tinatahak. Hindi lamang pagiging isang mahusay na atleta ang maipagmamalaki ni Tricia, dahil ngayon nga, ay proud na proud siya sa kanyang sexy and fit na katawan bilang isang modelo.
Napabilang nga ang 25-taong dalaga sa FHM model na talagang kahanga-hanga ang kanyang napakaganda at napakaseksing katawan.
View this post on Instagram
Matatandaan na taong 2015, sa isang panayam ng PEP.Ph, ay inamin ni Tricia na nakaranas siya ng depression. At naging usapin ring ang pagkalat ng balita na may anorexia umano siya. Ngunit, mariin itong itinanggi ni Tricia. Ang depression namang naranasan ay kanya nang napagtagumpayan. Ayon nga sa dalaga, ay nakarecover na siya mula rito.
“I’m trying to focus more on my sports now that I’m out of showbiz.” “And I want to improve more on volleyball.” “Kasi couple of years ago, I suffered in depression and everybody knows na I got really thin and there were anorexia humors about me.”
“I think it’s a time to show people that I already recovered from it.”
“And to show other girls who were suffering from depression that they can recover from it.”
Source: Ptama
0 comments: