Wednesday, October 7, 2020

“A Day In The Life Of Liza” Aktres na si Liza Soberano, Ipinasilip sa Kanyang mga Tagahanga ang Kanyang Pinagkaabalahan sa Loob ng Isang Araw

Kung gandang mukha at talentong taglay ang pag-uusapan, hindi nawawala sa listahan ang sikat na aktres na si Liza Soberano. Sa katunayan nga nito, ay isa siya sa mga nangungunang aktres ng Kapamilya Network na biniyayaan ng natural na kagandahan at kahanga-hangang talento.

Hindi naman maitatanggi ang dami ng tagahanga ni Liza na todo ang suporta at pagmamahal sa kanya. Marami nga sa mga ito ang interesadong masaksihan ang buhay niya sa pang-araw-araw at masilayan kung ano ba ang pinagkakaabalan at ginagawa ng aktres sa buong maghapon.




Ang matagal na ngang kahilingan ng mga tagahanga ni Liza, ay binigyang katuparan niya sa kanyang latest vlog na “A Day in the Life of Liza”, na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Ayon naman kay Liza, ay matagal na umano niyang gustong gawin ang vlog na ito, sa katunayan pa nga ay tatlong beses na siyang nagtangkang gawin ito ngunit palaging nagkakaroon ng aberya. At sa pagkakataon ngang ito, ay naging matagumpay na ang paggawa niya sa naturang vlog.

Sa vlog na ito, mapapanood ang maghapong gawain ng aktres sa loob ng kanilang tahanan. Magmula sa paggising hanggang sa pagtulog ng aktres ay masaya niyang ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang kanyang mga ginawa.

Pagkagising ng aktres ay agad itong naghanda ng araw na iyon. Matapos ngang maligo ay humarap na ang aktres sa laptop para sa kanyang online class. Sa nasabing araw, ay naging abala si Liza sa kanyang mga meeting kung saan ay nagkaroon ang aktres ng limang meeting na ginawa online.

Samantala, bumisita rin ang nobyo ni Liza na si Enrique Gil sa tahanan ng aktres kung saan ay nakasama niya sa ilang meeting. Makikita na masaya at nag-eenjoy ang dalawa habang kausap ang kanilang mga ka-meeting online.




Habang naghihintay naman ng susunod na meeting, ipinakita rin ni Liza ang unboxing ng ilang gift na bigay sa kanya mula sa Instagram. Ayon nga sa aktres, ay sinusuportahan niya ang mga small business magmula nang magkaroon ng pandemya, kung kaya’t marami siyang mga bagay na naiipon mula sa pamimili online. Nakasama niya ang cute na batang si Rianne sa pagbukas ng mga nasabing gift sa aktres.

Nang matapos naman ang pang-limang meeting ng aktres, ay sakto naman na oras na ng hapunan. At sa araw na iyon, ay isang masarap na sinigang ang nakahain sa kanilang hapag kung saan nakasalo rin niya si Enrique sa pagkain.

Ang buong araw nga ng aktres naging busy, sa pagsapit naman ng gabi ay naghanda na ang aktres upang matulog. Ngunit, matapos ang kanyang skin care routine ay nagkaroon muna sila ng bonding moments ng napakacute na batang si Rianne.

Naging masaya naman ang araw ni Liza, dahil marami siyang nagawa at natapos nang araw na iyon. Nag-enjoy rin siya sa mga meeting at pakikipagbonding kay Rianne. At higit sa lahat, kahit simpleng araw ay nakasama rin niya ang nobyo.


Source: Ptama

0 comments: