KZ Tandingan at TJ Monterde Ikinasal Na, Silipin ang Kanilang Intimate Garden Wedding Ceremony na Ginanap sa Batangas
Ang mahuhusay na mang-aawit na sina KZ Tandingan at TJ Monterde, sa wakas ay ikinasal na. Matapos nga ang limang taong relasyon na nagsimula noong Enero 28, 2015 at na-engaged naman noong Disyembre 2019, ay may hatid na magandang balita ang long-time sweetheart sa kanilang mga tagahanga.
Ito nga ay matapos mabunyag sa kanilang latest music video na pinamagatang “Can’t Wait to Say I Do”, na sila pala’y ikinasal na. Ito naman ay ibinahagi ni KZ sa kanyang YouTube Channel nito lamang ika-8 ng Octubre, araw ng Huwebes. At base sa huling bahagi ng napakagandang music video, naganap ang kanilang pag-iisang dibdib noong Agosto 28, 2020.
View this post on Instagram
Sa nasabing music video naman makikita na ang naging seremonya ay isang intimate garden wedding na ginanap naman sa napakagandang lugar ng “The Farm” sa San Benito sa Lipa, Batangas.
Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni KZ ang ilang larawang kuha sa masayang yugto ng kanilang buhay. Ang espesyal na araw na ito sa buhay ng dalawang singer, ay nasaksihan ng 300-taong gulang na puno ng mangga na nilagyan naman ng mga bulaklak bilang disenyo.
Pagsisimula nga ni KZ, “God finally made our “Puhon” a reality. With only a handful of people and our families attending through Zoom, we held our symbolic wedding under a 300 hundred-year-old Mango tree.”
View this post on Instagram
Dahil nga, nasa malayo ang mga kapamilya ni KZ at TJ, ay nasaksihan lamang ng mga ito ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng Zoom. Wala man ang ibang kaanak ng dalawa, ay naroon naman ang ilan nilang malalapit na kaibigan at ilang mahal sa buhay upang saksihan ang kanilang pagmamahalan. Naroon nga ang beteranong singer na si Martin Nievera, na nagsisilbing “other dad” umano ni KZ.
“We didn’t think we could get married this year because our families are in Mindanao and couldn’t fly in. But our folks being the selfless, understanding, and amazing parents they are, encouraged us to get wed. Bittersweet getting married without my parents walking me down the aisle, but I’m thankful that my other dad, @martinnievera, stepped in to give me away.”
View this post on Instagram
Pinasalamatan rin ni KZ ang mga taong nagpakita ng pagsuporta sa kanila sa kabila ng safety measures na kailangang sundin. Maging ang mga taong naghanda at nag-asikaso ng kanilang kasal upang maisakatuparan ang kanilang dream wedding ay pinasalamatan rin ng singer.
“Thankful for friends who went out of their way to do multiple testings, isolation, and travel to be with us on our special day.Thankful for all these hard-working people who made sure our intimate dream wedding went smooth and, most importantly, safe.”
View this post on Instagram
Samantala, sa kanilang latest video, nilinaw naman ng mag-asawa na tiniyak nila ang kaligtasan ng lahat na dumalo sa kanilang kasal. Ang lahat nga ay sumailalim sa COVID-19 testing na kung saan ay pawang negatibo ang resulta. Kaya naman, siguradong COVID-free ang bawat isa sa kanila. Ang kikitain naman ng mag-asawa sa kanilang music video ay idodonate nila sa Inspire Church Metro.
Source: Ptama
0 comments: