Unkabogable Star Vice Ganda, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Ipinapagawang Bahay na may Lawak na 1,300 Sqm
Isa sa hinahangaan at tinitingalang artista sa industriya ng showbiz ay ang mahusay na host at komedyante si Vice Ganda. Hindi lamang nga pang ‘It’s Showtime’ ang galing ni Meme Vice sa pagpapatawa kundi maging sa mga pelikula na talagang blockbuster movies sa mga sinehan at pinipilahan ng mga manonood. Kaya naman, binansagan ang komedyante bilang Unkabogable Star sa industriya ng showbiz. Wala namang duda na talagang para sa kanya ang titulong ito dahil sa kanyang husay. Tunay na siya lamang ang nag-iisang Unkabogable Star sa showbiz.
Dahil nga sa tagumpay na tinatamasa ni Meme Vice, na isa sa highest paid artist sa showbiz, hindi naman nakapagtataka na makapagpundar siya ng mga ariarian. At sa latest vlog nga ng komedyante ay may pasilip siya sa bahay na kanyang ipinagawa na talaga namang hahangaan ng lahat ang laki at ganda nito na maihahalintulad sa isang mansiyon.
Ayon kay Meme Vice, ang katatapos lamang ang pagpapagawa ng bahay na nabili niya 6 years ago para sa kanyang lolo. Ngunit, hindi inaasahan ang biglaang pagpanaw nito kung kaya’t nahinto ang pagpapagawa ng ilang taon. Dahil nga, sadyang maganda ang nabiling property ni Meme Vice, at naghihinayang rin siyang ibenta ito, ay nagpasya siya na ituloy ang pagpapagawa ng bahay. At matapos nga ang halos tatlong taon ay makikita na ang ganda ng bahay at maaari na ring lipatan.
Ngunit, dahil naman sa pagdating ng pandemya ay nagkaroon ng aberya ang paglipat ng komedyante sa kanyang bagong bahay. At ngayon nga, ay ipinasilip na muna ito ng komedyante kahit wala pang makikitang kagamitan sa loob nito.
Sa house tour ni Meme Vice, ipinakilala niya ang mga taong tumulong at naging katuwang niya upang maisakatuparan ang ganda ng kanyang dream house. Ang naturang bahay ay may lawak na 1,300 sqm, sa sukat pa lang ay may nakakalulang lawak na ito. Makikita na nakahanda na ang ilang mga kagamitan na nakabalot at nakalagay sa mga kahon. Ito nga ang mga gamit na magiging dekorasyon at disenyo sa loob ng napakalaking bahay ni Meme Vice.
Kahanga-hanga naman ang bonggang bahay ni Meme Vice, dahil may elevator rin ito na ayon nga sa kanya, ay inilaan niya para sa kanyang nanay sa tuwing bibisita sa kanyang tahanan.
Ang “DEN” o family room naman na nagsisilbing entertainment area ay napakalawak rin.
Bagama’t wala pang makikitang kagamitan rito, ay masisilayan na ang ganda ng disenyo na may kombinasyon ng bato, metal at glass. Ang guest room na karugtong naman ng DEN area ay sadyang napakalawak rin. Maging ang ilan pang silid ay ipinasilip rin ng komedyante na halos lahat nga ay may malawak na espasyo.
Sa dining at kitchen area naman ay makikita na nakahanda na ang mga kagamitan. Makikita nga ang magandang disenyo nito na talagang pinag-isipang mabuti. Bukod nga sa storage room, ay may mga kabinet rin sa bawat bahagi ng kitchen area.
Sumunod naman ang paglilibot ni Meme Vice sa quarters area kung saan magsisilbing silid ng kanyang mga maids. At base sa dami ng higaan, ay makikita na napakarami rin ng magiging kasambahay ni Meme Vice sa kanyang napakalaki at napakagandang bahay.
Kung gaano naman kalaki ang bahay ni Meme Vice, ganun rin kalawak ang kanyang garage area kung saan inihanda para sa kanyang mga sasakyan. Tiniyak naman ng komedyante na magiging ligtas at protektado sila sa loob ng tahanan, dahil nagpalagay rin siya ng security room.
May groto rin ang napakalaking bahay ni Vice. Dahil nga, mahilig rin mag-alaga ng aso si Meme Vice, hindi siyempre mawawala ang sariling paliguan ng mga alaga niyang aso. Kamangha-mangha naman ang pool area ng bahay ni Meme Vice, dahil nga bukod sa napakalawak nito, ay napakaganda rin ng disenyo ng swimming pool dahil gawa ito sa salamin. Mala-hollywood nga ang dating ng swimming pool kapag natapos na ito.
Talagang yayamanin at bongga ang bahay ni Meme Vice at may sarili rin itong spa. Tiyak nga na maeenjoy niya ang sauna matapos ang mahabang araw ng trabaho. May recreational area naman sa 2nd floor ng bahay ni Meme Vice, na nais niyang gawing gym area ni Ion.
May pasilip naman sa Part 2 ng house tour si Meme Vice. At ang dapat ngang abangan ay ang walk-in closet, master’s bedroom at iba pang bahagi ng kanyang mala-mansiyong tahanan.
Sa part 1 pa lang ng house tour vlog ni Meme Vice, ay makikita na ang excitement sa mukha niya sa nalalapit na paglipat niya rito kasama ang nobyong si Ion.
Tiyak na mag-eenjoy ang dalawa sa kanilang paninirahan sa napakaganda at napakalaking bahay na ito. Tila nga, lahat ng kailangan at nais gawin ni Meme Vice sa labas ng bahay, ay matatagpuan na sa loob ng kanyang tahanan, makapag-relax man o magkaroon ng kasiyahan.
Tunay nga na napakapalad ni Vice dahil ang lahat ng sakripisyo at hirap niya pagtatrabaho bilang artista sa showbiz ay nagbunga na at masaya na niyang tinatamasa ngayon.
Source: Ptama
0 comments: