Saturday, October 17, 2020

Sikat na Youtuber na si Niana Guerrero, Ipinasilip ang Kanilang Napakalawak na Farm na Matatagpuan sa Zambales

Si Niana Guerrero ay 14 taong gulang na YouTuber kung saan ay nakilala ng publiko dahil sa pagpapakita ng kanyang talento at husay sa pagsayaw. Sa edad na 3 taong gulang ay nakitaan na ng talento si Niana sa pagsayaw. Kaya naman, ang talentong ito ay pinaunlad pa sa tulong ng kanyang kapatid na si Ranz Kyle na isa ring YouTuber.

Ang talentong taglay ni Niana ay ibinabahagi niya sa kanyang YouTube Channel upang magbigay aliw at kasiyahan sa kanyang mga followers. Kadalasan namang magkasama sina Ranz Kyle at Niana sa mga dance cover na kanilang ginagawa. Hindi nga nakapagtataka na marami ang humahanga sa taglay na talento ni Niana kung kaya’t ang kanyang mga subscribers sa Youtube ay umabot na ng 12 Million.




Hindi lamang mga dance cover, ang laman ng mga vlog ni Niana kundi maging ang mga masasayang kaganapan sa buhay niya, na kinagigiliwan rin ng kanyang mga tagahanga.
At kamakailan nga, ay tampok sa latest vlog ni Niana ang masayang pagbisita ng kanyang pamilya sa kanilang napakalawak na farm na matatagpuan sa Zambales. Habang nasa farm ay ipinasyal ni Niana ang kanyang mga tagahanga at ipinasilip rin ang masayang bonding ng kanilang pamilya.

Sa pagsisimula nga ng vlog, ay makikita na talagang excited na ang young Youtuber sa masayang magaganap sa kanilang pananatili sa farm. Nagkaroon muna ng boodle fight ang kanyang pamilya bilang paghahanda sa mahabang araw ng kanilang kasiyahan.

Sa paglilibot nga sa farm ay ipinakita ni Niana ang lawak ng kanilang farm, na ayon sa kanya ay taong 1950 naipundar. Makikita ang ilang alagang hayop sa kanilang farm tulad na lamang ng kambing. May mga nakatanim ring iba’t ibang klase ng puno tulad ng mangga.




Napakaganda naman ng tanawing masisilayan sa napakalawak na farm nina Niana. Bukod nga sa mga puno na naghahatid ng sariwang hangin, ay makikita rin dito ang ilog kung saan nanghuhuli ng isda sina Niana noon. Makikita rin na nagkaroon ng masayang kantahan sina Niana na talagang enjoy na enjoy.

Samantala, sa pagtatapos naman video, ay hindi maitatago sa young Youtuber ang tuwa sa kanyang mukha at kung gaano siyang nag-enjoy sa kanilang pagbisita sa farm. Kaya naman, talagang mamimiss niya ang kanilang farm pati na rin ang mga taong naroon.


Source: Ptama

0 comments: