Napakacute na Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia, Kinagiliwan ng mga Netizens Dahil sa Kanyang Kasipagan
Sino nga ba ang hindi maaaliw sa kabibuhan at kacutan ng anak nina celebrity couple Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia? Talaga nga namang kahanga-hanga ang maamo at napakaganda nitong mukha na namana sa kanyang mga magulang.
Isa ring bibo at talentadong bata si Zia na talaga namang makikita ang talento sa murang edad nito. Proud na proud nga ang celebrity parents na DongYan sa kanilang panganay na anak. Ngunit, hindi lamang magandang mukha at talento ang maipagmamalaki nila bilang mga magulang ni Zia. Dahil nga, nakaparesponsable at napakasipag ring bata si Zia sa edad na apat na taong gulang.
Matatandaan na minsan nang nag-viral si Zia, matapos ibahagi ni Marian ang isang video kung saan makikitang masipag na ang ma-mop ng sahig si Zia.
At kamakailan, ay kinagiliwan at muling pinahanga ni Zia ang mga netizens dahil sa kanyang kasipagan. Proud na ibinahagi ni Mommy Marian ang isang video sa Instagram kung saan ay makikitang naghuhugas ng pinggan si Zia. Dahil nga, sa maliit pa ang cute na bata kung saan ay hindi gaanong maabot ang lababo ay tumuntong pa ito sa isang upuan.
View this post on Instagram
Kompleto naman ang outfit ni Zia habang naghuhugas dahil nakasuot pa ang munting bata ng apron na pinagawa naman ng kanyang mga magulang. Makikita namang masaya si Zia sa kanyang ginagawa, na bukod sa nakakatulong sa gawaing bahay ay nag-eenjoy pa siya.
View this post on Instagram
Masasabi nga na sa murang edad ni Zia, ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang ng mga gawaing bahay upang maging isang mabuting bata. Patunay lamang nito na maayos ang ginawang pagpapalaki ng mag-asawang Dingdong at Marian sa kanilang anak.
Samantala, maliban sa mga gawaing bahay ay napakasipag ring mag-aral ni Zia. Minsan na ring ibinahagi ni Marian sa social media ang larawan at video ni Zia na seryosong nakakatuktok sa harap ng laptop habang nag-oonline class.
Talaga namang dapat ipagmalaki ng mag-asawang Marian at Dingdong ang kanilang anak, dahil lahat ng magandang katangian ng isang bata ay makikita na kay Zia. Tunay nga na napakapalad na magulang nina Marian sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Zia. At ang lahat ng ito, ay dahil narin sa tamang pagpapalaki nila sa kanilang anak.
Ang mga netizens nga ay talagang humanga sa kasipagan ni Zia at sa pagiging mabuting magulang nina Marian at Dingdong kung kaya’t nagbigay pa ang mga ito ng komento.
“ang galing naman n zia”
“nakakaproud at an early age Zia is being taught on household chores. naka tungtong pala si Zia. ingat baby girl”
“Cute na cute naka apron pa”
“Good job ate Zia Dantes. Helping hand to your Mama & Daddy”
Source: Ptama
0 comments: