Saturday, October 17, 2020

Maja Salvador, Ipinasyal ang Kanyang mga Followers sa Napakagandang Family Penthouse ng Kanyang Non-Showbiz Boyfriend na si Rambo Nuñez

Matapos ipasilip ng aktres na si Maja Salvador sa kanyang vlog ang kanyang napakagandang bahay, ngayon naman ay sumugod ang aktres sa bahay ng kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez.
Sa latest vlog nga ni Maja na pinamagatang “Visiting the Nuñez Residence,” ay inilibot ni Maja at ng kanyang boyfriend ang kanyang mga followers sa napakagandang pent house ng mga Nuñez.




Sa labas ng tahanan ay may safety protocols na sinusunod, at nag-sanitized muna si Maja bago tuluyang pumasok sa loob ng tahanan. At dahil nga, madalas rin si Maja sa bahay ng nobyo ay recognized na rin ang kanyang fingerprint. Ngunit, mas pinili ng aktres na mismong si Rambo ang magbukas ng pinto para sa gagawing house tour.

Ayon naman sa nobyo ng aktres, ay bagong renovate lang ang bahay. Ito nga ay upang bagohin ang ilang detalye at bahagi ng bahay upang mas lalo itong gumanda.

Pagpasok nga sa tahanan ng mga Nuñez ay masisilayan na ang ganda at kaayusan nito. Lalo namang nagpalutang ng ganda at kaaliwalasan ang kulay puting pintura ng bahay.

  

Una ngang ipinakita ni Maja ang kitchen area, na binubuo ng kulay puting disenyo. Ito ay naging isang open kitchen matapos ang renovation. Ipinakita naman ni Maja ang mga glass collection ng ina ni Rambo na maayos na nakasalansan sa mga kabinet.

Ipinasilip rin ng magkasintahan ang powder room at living room. Sa living room naman makikita ang isang antigong rocking chair na kulay itim. May isang grand piano ring makikita sa living area.




Ibinahagi naman ni Maja na sabay silang namili ng mga kagamitan ng ina ni Rambo kung kaya’t mapapansin ang pagkakapareho nito sa mga gamit na makikita sa bahay niya. Ito nga ay nabili sa Kuysen furniture store. Kapansin-pansin rin ang ilang halaman na makikita sa bawat sulok ng tahanan na nagdagdag kagandahan bilang disenyo. May collection rin ng cow-parade ang ina ni Rambo na mula naman sa Switzerland.

Sa balcony naman masisilayan ang magandang tanawin at malalasap rin rito ang sariwang hangin.

Sa 2nd floor naman matatagpuan ang entertainment area at mini bar. May massage chair ring nakahanda kapag nais nilang magrelax.

Sa pagtatapos naman ng video, ibinahagi ni Rambo na sila lang ang nag-isip ng disenyo ng kanilang tahanan.

Matatandaan na dating nagkarelasyon sina Maja at Rambo, ngunit nagkahiwalay rin. At ngayong taon lamang, buwan ng Pebrero nang magkabalikan ang dalawa na kung saan ay talagang pinatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa sa pangalawang pagkakataon.


Source: Ptama

0 comments: