Julia Montes, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda at Eleganteng Bahay na Matatagpuan sa Antipolo
Isa nga sa dahilan ng pagsisikap ng mga sikat na artista sa showbiz ay ang makapagpundar ng pinapangarap nilang bahay. Kaya naman, ang bawat salaping kinikita mula sa kanilang pagod at hirap sa kanilang trabaho ay inilalaan nila sa tama upang matupad ang kanilang pangarap.
Marami na sa mga artista ang ipinasilip ang bunga ng kanilang pagsisikap na nagbibigay sa atin ng inspirasyon. At ngayon nga, ay ipinasilip na rin ng aktres na si Julia Montes ang kanyang napakaganda at eleganteng bahay sa Antipolo. Taong 2012 nang magsimulang maghanap ng bahay si Julia, at ang bahay na ito sa Antipolo ang kanyang napusuan. Ang nasabing bahay ay semi-furnished na kung kaya’t hindi na sila mahihirapan pang maglagay ng nais na disenyo.
Sa labas ng palang ng tahanan ay makikita na ang ganda nito na may Mediterranean style kung saan ang bahay ay yari sa tiles, bricks at bakal. Napakaganda nga nitong tingnan sa kulay itim na gate na may gold na disenyo.

Photo credits: Google.com
Kahanga-hanga naman ang tanawing bubungad sa living area dahil sa malawak na espasyo at pagiging cozy nito. May kombinasyon naman ng kulay puti, itim at pula ang disenyong masisilayan sa living area. Bagama’t, napakasimple ng living area, ay lumutang naman ang ganda nito sa disenyong napili ni Julia. Ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ay gawa kahoy at ang railings naman nito ay gawa sa bakal.

Photo credits: Google.com

Photo credits: Google.com

Photo credits: Google.com
Sa dining at kitchen area naman, ay masisilayan ang kulay pulang disenyo. Ang bar stool at dining set nga ay kulay pula. Ang kanilang dining table naman ay may anim na upuan. May four-panel screen divider ring makikita rito kung saan ay nagsisilbing harang sa pagitan ng living area at dining area.

Photo credits: Google.com
May sitting nook naman na makikita sa pagitang ng living area at dining area. Ito naman ay isang bakanteng lugar kung saan maaaring umupo at magbasa ang sinuman, o kaya naman ay magkaroon ng kaunting snack sa area na ito.

Photo credits: Google.com
Isa namang bathroom ang matatagpuan sa ilalim ng hagdan. Ito naman ay inilaan para sa sinumang bibisita sa kanilang tahanan. Napakaganda ng disenyo sa loob ng bathroom, dahil bukod sa mga bato na tila nasa spa ay may kombinasyon rin ito ng tropocal at modern design.

Photo credits: Google.com

Photo credits: Google.com

Photo credits: Google.com
Sa bedroom naman ni Julia, masisilayan ang pulang disenyo, patunay lamang nito na malaki talaga ang pagkahilig ng aktres sa kulay pula. Ayon nga sa aktres, sa pagbabasa niya ng libro ay napag-alaman niya na ang kulay pula ay sumisimbolo ng ‘strength’.

Photo credits: Google.com
Sa paanan naman ng kanyang higaan ay may kulay pulang upuan, na siya namang bumagay sa kanyang kama at isa pang mahabang upuan sa gilid ng kama. Napakasimple rin ng vanity dresser ni Julia at sa gilid nito ay may coat rack na ginawa namang sabitan ng mga bag at ilang sumbrero ni Julia.

Photo credits: Google.com
Ang kanyang bathroom naman sa loob ng silid ay napakasimple rin. At tulad ng bathroom sa baba ng kanilang bahay, ay may disenyo rin itong pebbles sa ilalim ng sink.

Photo credits: Google.com
Tulad rin ng ilang artista ay may walk-in closet rin si Julia. Dito nga makikita ang kanyang mga kagamitan at kasuotan na kung saan ay maayos na nakasalansan depende sa bawat klase.
Tiyak naman na makakapag-relax ang sinuman sa veranda ng kanilang tahanan. Napakaganda ng tanawing masisilayan rito at preskong hangin rin ang malalasap sa area na ito. Masarap ngang umupo sa upuang nakahanda sa area na ito habang nakatanaw sa ganda ng tanawin.
Source: Ptama
0 comments: