Tuesday, October 13, 2020

Proud Parents na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, Ibinahagi ang kanilang Family Photo Kasama si Baby Amari

Ika-13 ng Oktubre, araw ng Martes, nang ibahagi ng celebrity mom na si Coleen Garcia ang mga kuha ng larawan para sa kanilang family pictorial na ginawa ng Metrophoto. Isa ngang masayang pamilya ang masisilayan sa mga larawan.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

“Family is everything”, ito ang naging caption ng new mommy na si Coleen Garcia sa kanyang Instagram post matapos ibahagi ang family photo kasama ang kanilang napakacute na anak ng asawang si Billy Crawford na si Baby Amari.




Mababakas nga sa caption ni Coleen na tila naging isang perpekto ang kanilang pamilya. At ang pamilya ngang meron siya ngayon ay hindi matutumbasan ng anumang bagay.

Makikita na talagang proud na proud ang mag-asawang Billy at Coleen sa kanilang baby boy na si Baby Amari. Hindi nga maikakaila na sa pagdating ng kanilang munting anghel ay tila nagbago ang lahat, kung saan ay puro saya at positibong bagay na lamang ang kanilang nararamdaman.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

Samantala, sa post naman ni Billy sa kanyang Instagram, ay makikita na proud na proud siya sa kanyang maybahay at ina ni Baby Amari na si Coleen. At tinawag pa ni Billy na “super mom” ang kanyang asawa.

“Super mom! I love you!”,caption ni Billy sa kanyang post.

Taong 2018, nang magpasya ang celebrity couple na magpakasal kung saan ay nagkaroon sila ng isang grand wedding ceremony na ginanap sa Balesin Island. At noong Abril ay masayang nagdiwang ng kanilang 2nd anniversary ang mag-asawa.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

Hindi naman nagtagal ay agad nagbunga ang kanilang pagmamahalan. At noong Marso ng taong kasalukuyan ng ianunsyo ng dalawa na sila ay malapit ng maging ganap na mga magulang sa kanilang panganay na anak. Noong nakaraang buwan nga ng Setyembre, ay walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Amari.




Sa pagdating ni Baby Amari sa buhay ng mag-asawa, ay kompleto nito ang kanilang pamilya. At sa bawat araw nga na lumilipas, ay mas lalo pa nilang pinapasalamatan ang biyayang dumating sa kanila na hindi matutumbasan ng anumang halaga. Ngayon nga, ay masayang-masaya sina Billy at Coleen bilang mga magulang ni Baby Amari na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.


Source: Ptama

0 comments: