Tuesday, October 13, 2020

Kilalanin ang Baby Rosie ni Regine Tolentino, na Sobrang Nakakagigil Dahil sa Ka-Cute-Tan

Noong nakaraang Marso 17 ng taong kasalukuyan nang isilang ng aktres at dancer na si Regine Tolentino ang kanyang pangatlong anak na si Baby Rosie. Dahil nga, hindi maikakaila ang ka-cutang taglay ni Baby Rosie, ay proud na proud si Mommy Regine sa kanyang baby.




Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

At bilang isang proud Mommy sa kanyang napakacute na anak na si Baby Rosie, ay ginawan pa ito ng 39-gulang na ng aktres ng sariling Instagram page upang maibahagi ang mga cute na larawan at mga adorable moments nito. Marami nga ang aliw na aliw sa ka-cutan ni Baby Rosie.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Hindi lamang ang mga netizens na talagang humahanga sa maamo at cute nitong mukha, kundi pati na rin ang kanyang pamilya na hindi maitago ang kagalakan sa kanyang pagdating.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram     

Dahil nga, nauuso rin ngayon ang mga magagandang baby dress, ay hindi naman nagpahuli si Baby Rosie na isuot at iawra ang kanyang pang-Outfit of the day kahit nasa loob ng kanilang tahanan. Makikita nga sa mga larawang ibinabahagi ni Mommy Regine sa Instagram ang mga naggagandang larawan ni Baby Rosie habang suot ang kanyang OOTD na mas lalong nagpalutang ng ka-cutan nito.




Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Maliban naman sa mga cute and adorable photos ni Baby Rosie, makikita rin sa sariling Instagram page nito ang bonding moments nila ng kanyang Mommy Regine. At ngayong panahon nga ng quarantine, ay mas naenjoy ng mag-ina ang kanilang bonding moments lalo na’t mas mahaba ang oras na sila’y magkasama. Kakaibang saya nga ang hatid ni Baby Rosie sa kanilang pamilya, kung saan ay napupuno ng tawanan ang loob ng kanilang tahanan. Ang bawat ngiti rin ni Baby Rosie, ay sadyang nakakahawa na talagang mapapangiti rin ang sinuman.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Ang napakacute na si Baby Rosie ay anak ni Regine sa kanyang non-showbiz boyfriend. Matatandaan na marami ang nagulat nang ianunsiyo ni Regine ang kanyang pagsilang sa kanyang pangatlong baby noong nakaraang Abril.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Ito nga ay dahil 18 na taon na ang nakakalipas noong huli siyang magsilang. Kaya naman, maging ang mga kaibigan niya sa showbiz, ay nagulat sa kanyang naging rebelasyon.




Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Matatandaan naman na ikinasal si Regine sa dati nitong asawa na si Lander Vera Perez noong taong 1997 kung saan nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak na sina Azucena Reigne at Alyssandra Reigen. Ngunit, noong taong 2016 ay winakasan na ng dalawa ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Source: Ptama

0 comments: