Magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez, Binalikan ang Pagsisimula ng Matamis nilang Pag-iibigan; Mas Nababalanse narin ang Kanilang Relasyon Ngayon
Sabi nga nila, “love is sweeter the second time around” dahil nga, sa pangalawang pagkakataon na pinagbuklod ang dalawang pusong nagmamahalan, ay lalo na nilang ipaparamdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal, kasabay ng buong pusong pag-iingat na huwag maulit ang sakit ng kahapon.
Ganito nga katamis ang pagmamahalan ngayon ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez, matapos ang siyam na taong paghihiwalay. At ngayon nga, ay natuto na ang dalawa sa kanilang pinagdaanan nang magkahiwalay noon. Tila nga, bumalik ang lahat ng masayang alaala sa pagsisimula ng kanilang pag-iibigan sa muling pagkakasundo ng kanilang puso.
At kamakailan nga, sa panayam ni Robi Domingo para sa Star Magic Lounge, ikwinento ng magkasintahan ang pagsisimula ng kanilang matamis na pag-iibigan.
Unang nagsalita ang aktres na si Maja kung paano sila nagkakilala ng nobyo. Ayon nga sa aktres, ay una niyang nakilala si Rambo matapos niyang manood ng concert ni Sarah Geronimo. At matapos umano niyang makadaupang palad si Rambo sa isang restaurant ay tinext umano siya nito.
“Ang version ko kung paano nag-start ang love story namin, galing ako sa concert ni Sarah G and then after nun, kumakain kami sa isang restaurant tapos silang dalawa ni Marco magkasama noon. Doon kami unang nag-meet. Dun nag-start ang lahat. Tinext niya ako,”saad ni Maja.
Ang kanilang pagkakakita naman ay nasundan ng magkaroon sila isang group date. Sa kwento naman ni Rambo, ay hindi umano niya inaasahan ang magaganap ng gabing iyon dahil nga hindi planado ang kanilang lakad. Siya umano ang nagpresenta na ihatid si Maja pauwi sa bahay ng aktres.
“Nung may pinuntahan kami, ang nangyari it was like a normal night out. Hindi naman siya planado talaga. Nagkayayaan lang. Ang nangyari, ihahatid siya, ako na nag-offer kasi malayo. Nasa Makati kami tapos sa Marcos Highway. It’s a drive so ako na ang nag-offer,” kwento ni Rambo.
Samantala, naibahagi rin ng magkasintahan ang kanilang naranasang sakit at lungkot nang magkahiwalay noon. Pag-amin nga ni Rambo, ay nasaktan siya ng husto ng magkahiwalay sila ni Maja noon. Hindi naman nito itinanggi na umiyak siya dahil sa biglaang pangyayari.
Samantala, ayon naman kay Maja, magmula ng maghiwalay sila, ay tuluyan naring nawala ang kanilang komunikasyon. Ngunit, sa kani-kanilang pamilya umano ay hindi naman sila nawalan ng komunikasyon at patuloy ang pagkakamustahan.
Naitanong rin sa magkasintahan kung may pagsisisi ba ang isa sa kanila sa nangyaring hiwalayan. At ayon nga sa magkasintahan, ay walang anumang dapat pagsisihan sa kanilang nakaraan. Ito nga ay dahil dinala parin sila ng tadhana sa isa’t isa. Ngayon nga, ay talagang masasabi na pinagtibay na sila ng kanilang naging karanasan.
“Wala naman kasi everything happens for a reason. ‘Yung sa kanya rin, ‘yung career niya din baka it didn’t pan out the way it did. Nandito naman kami ngayon so I guess it was for the right reason.”
At ngayon nga, ay malaki na ang nabago sa estado ng kanilang relasyon dahil sa kanilang pinagdaanan noon. Pagbabahagi nga ni Rambo ay nagagawa na umano nilang ibalanse ang bawat bagay, mapatrabaho man o ibang gawain. Naglalaaan na rin sila ng oras para sa isa’t isa kahit pa abala sa trabaho. Malaking tulong nga naman ito upang maging masaya at makulay ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
“Right now, mas naba-balance na namin. If before, it was always work, work, work, ngayon we can already afford in terms of responsibilities nga to even go off work for a week para maka-travel. Yun naman ang nagpapasaya sa relationship, you can do stuff together.”
Matatandaan na noong Marso ng nakaraang taon nang ianunsiyo ni Maja ang pakikipagbalikan niya sa kanyang nobyong si Rambo Nuñez. At kamakailan lang din ng magbakasyon ang magkasintahan sa Amanpulo, Palawan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maja.
Source: Ptama
0 comments: