Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Simple pero Masayang Pagdiriwang ng ika-14th Birthday ng Anak nila ni Manny Pacquiao na si Princess
Hindi nga naging hadlang ang pandemya upang magkaroon ng masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ang anak ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace Pacquiao o mas kilala sa palayaw niyang Princess.
Matatandaan na noong October 1, ay masayang nagdiwang si Princess ng kanyang 14th Birthday sa kanilang tahanan sa General Santos City, kung saan ay dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Dahil nga sa pandemya ay limitado lamang ang mga taong maaaring dumalo sa kanilang kasiyahan.
Ang proud mommy na si Jinkee, ay ibinahagi nito lamang ika-15 ng Oktubre, araw ng Huwebes sa vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ang masayang kaganapan sa pagdiriwang ng 14th Birthday ni Princess.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
Maliban naman sa mensahe ng pagbati ng mag-asawang Manny at Jinkee sa mismong kaarawan ng kanilang anak na si Princess, ay may nakakaantig ring mensahe ang mag-asawa sa kanilang anak na ipinaabot sa pamamagitan ng vlog ni Jinkee.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
Una ngang nagsalita ang Pambansang Kamao kung saan ay nagbigay ng isang paalala sa anak na ang pinakamahalagang bagay sa mundo, ay hindi ang materyal na bagay kundi ang pagtitiwala sa Diyos. Puno nga ng positibong bagay, at pangaral ang naging mensahe ni Manny sa anak. Hindi maikakaila na ang tanging hangad nito kay Princess ay pawang kabutihan lang.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
“To my baby Princess, happy birthday. We wish you all the best and more birthdays to come in your life. And may the Lord give you wisdom as you grow older. Thank you for being a good daughter for us. You always obey your parents. Thank you for the love also to your mom and of course, to your dad. I will be here to support you. We’re always praying for you guys — for your future. Don’t forget to put God in the center of your life.”

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
Samantala, si Jinkee naman ay labis ang kasiyahan dahil sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya, ay nagawa nilang magkaroon ng masayang selebrasyon sa kaarawan ni Princess.
“Kahit na may COVID-19 pandemic ngayon, nakukuha pa rin nating mag-celebrate kasi nga special na daughter si Princess sa amin. Pero mga friends and family lang naman na mga sino gusto pumunta. Okay lang. At least masaya tayo, nag-celebrate tayo kahit pandemic, ‘di ba?”

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
Tiniyak naman ni Jinkee, na talagang maeenjoy ng kanyang anak ang kaarawan nito. Ang venue nga ay may napakagandang dekorasyon kung saan ay naglaan kulay pink na upuan para kay Princess na napapaligiran ng kulay purple at pink na lobo. Isa ring masagana at masarap na pagkain ang nakahanda para sa mga bisita. Kapansin-pansin rin ang mga larawan ni Princess na ginawa namang dekorasyon sa venue.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel
Hindi naman maitatanggi ni Princess na talagang nagustuhan niya ang disenyo na ginawa sa kanyang kaarawan. Ayon nga rito, ay nasurpresa umano siya dahil sa ganda ng dekorasyon. Nagpasalamat rin si Princess sa mga taong bumati at dumalo sa kanyang kaarawan. Thankful rin umano siya dahil masaya ang naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan kahit pa may pandemya.
“Na-surprise ako actually sa birthday ko kasi ‘yung mga decorations. Thankful lang ako na nandito kayo lahat, na nakapag-birthday [party] ako kahit may COVID-19.”
Source: Ptama
0 comments: