King Of Talk Boy Abunda Boy Abunda, Ipinasilip ang Koleksyon ng mga Sapatos na Naipon Magmula Noong Pinasok niya ang Showbiz
Sa tagal ng panahong pananatili ng tinaguriang King of Talk sa industriya ng showbiz na si Boy Abunda, ay marami na siyang pinahanga pagdating sa pag-hohost ng programa. Kasabay naman ng pananatili niya sa showbiz, ang pagdami ng kanyang mga sinusuot na sapatos na ginagamit niya sa trabaho.
Hindi nga nakapagtataka na sa dami nito, ay nagkaroon na ng koleksyon ng mga sapatos si Tito Boy. Sa kanyang latest vlog nga, ay masayang ibinahagi ni Tito Boy ang kanyang koleksyon ng mga sapatos.
Ayon nga kay Tito Boy, bilang isang TV host ay kailangan niyang magpalit ng sapatos dahil sa araw-araw siyang lumalabas sa telebisyon, kaya naman hindi niya namalayan ang pagdami ng kanyang mga sapatos.

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
“Ako naman maiintindihan mo na I have a lot of pairs because it’s part of my job,” kwento ni Boy. “You can imagine na I used to do daily shows. Hindi ako nagtitipid sa sapatos kasi nagagamit mo talaga ng tatlo, apat, lima,” saad niya.

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Pagbabahagi naman ni Tito Boy, nagsimula ang pagkahilig niya sa sapatos simula noong makapasok siya sa industriya ng showbiz at magkaroon ng kabila’t kanang mga shows.
“But I started my fascination with shoes when I started to do shows. I’ve been doing shows for many years and that is the reason why I have this huge collection of shoes na talaga namang gusto kong gamitin.”

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Samantala, bagama’t napakarami niyang sapatos, ay hindi umano niya ito ipinapamigay basta-basta. Pagbabahagi nga ni Tito Boy, bukod sa napakamahal ng halaga ng bawat sapatos, ay wala din umanong magkakainteres na isuot ang kanyang mga sapatos.

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Kahit pa nga raw hingin ng kanyang mga kaibigan, ay hindi niya parin ito ibinibigay. Ito nga ay dahil malaki talaga ang pagmamahal niya sa kanyang mga sapatos. Ayon pa nga kay Tito Boy, ang rason umano kung bakit iilan lamang ang kanyang mga damit, ay dahil mas naglalaan siya para sa mga sapatos.

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Binigyang-diin naman ni Tito Boy na taon na ang bilang ng kanyang mga sapatos sa loob ng ilang dekadang pagtatrabaho niya sa showbiz. At tulad nga ng tagal niya sa showbiz, ay hindi na rin mabilang ang dami ng mga ito. Dahil nga walang pagmamanahan, ay itinabi na lamang niya ang mga sapatos. Saad pa nga ni Tito Boy, ay talagang pinag-ipunan niya upang mabili ang bawat pares ng sapatos.

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Ibinahagi naman ni Tito Boy, ang isang karanasan na naganap sa Paris sa isang luxury shoe brand kung saan ay nakaranas siya ng diskriminasyon. Matapos nga ang pangyayaring ito, ay talagang nag-ipon siya upang ipakita na, hindi dapat siya hamakin. At sa muling pagbabalik nga ni Tito Boy sa store, ay bumili siya ng apat na pares ng Louboutin.
“Can I see your new collection’ tapos lumabas ang dala old collection. Siyempre alam ko kasi nabibigyan ako ng mga kaibigan ko ng ilang pairs ‘di ba? Dahil sa sama ng loob ko, pinag-ipunan ko po at bumili ho ako ng apat na pairs ng Louboutin.”

Photo credits: The Boy Abunda Talk Channel | Youtube
Sa huli, nagbigay naman ng payo si Tito Boy sa mga nagnanais na magkaroon ng koleksyon ng sapatos, at sinabi:
“Take it one pair of shoes at a time and never be afraid to dream.”
Source: Ptama
0 comments: