Tuesday, October 27, 2020

Idol Raffy Tulfo, Binawi ang mga Pangkong Pagtulong sa Dating Karelasyon ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag Matapos Mabisto ang Totoo

Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang dating kinakasama ng komedyanteng si Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag. Ito nga ay matapos bawiin ni Idol Raffy Tulfo, ang pagtulong nito dahil kumbinsido na ang broadcaster na gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.

Ngayong araw, ika-27 ng Oktubre, ay muling nakapanayam sa programa ni Idol Raffy si Michelle. Ngunit, sa pagkakataong ito ay halos humagulhol ito ng iyak dahil sa hindi inaasahang pangyayari.




Matatandaan na kahapon, Oktubre 26, ay malakas ang loob ni Michelle at naghamon pa na ituloy ang dr’u’g test upang patunayan sa publiko ang kanyang sarili na siya’y inosente at nagsasabi ng totoo. Malaki ang pagkabilib ni Idol Raffy sa ipinakitang tapang na ito ni Michelle.

Photo credits: google.com

Ngunit, kinaumagahan, ay ganun na lamang ang galit at pagkadismaya ni Idol Raffy kay Michelle. Ito nga ay dahil umatras si Michelle sa isasagawang dr’u’g test upang patunayan sa publiko ang kanyang pagiging inosente. At ang dahilan umano ni Michelle, ay pinagalitan siya ng kanyang Tita at pinayuhan na huwag ipagalaw ang kanyang buhok. Ayon nga rito, ay may binat umano siya dahil apat na buwan pa lamang ang nakakalipas nang siya ay manganak kung kaya’t hindi maaaring gupitin o putulin ang kanyang buhok.

Ang bagay na ito ay hindi pinaniwalaan ni Idol Raffy, at tila naging susi upang buksan ang pinakatatago ni Michelle. Sa pagtanggi ni Michelle sa dr’u’g test na isasagawa sa pamamagitan ng hair follicle na nadedetect kahit pa 90 days na ang nakalipas, napatunayan ng broadcaster na gumagamit pa nga ito ng ipinagbabawal na gamot.

“Meron ka talagang itinatago, you’re lying,” saad ng broadcaster.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Matapos nga marinig ang dahilan ng pagtanggi, at kahit ipinilit pa ni Michelle na isagawa na lang ang dr’u’g test, ay hindi na nagpatinag pa sa kanyang desisyon si Idol Raffy. Tuluyan na ngang binawi ang pagtulong kay Michelle, magmula sa bayad sa upa, munting kabuhayan, groceries at maging pagpapaayos ng ngipin nito ay hindi na rin mangyayari.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Ang masaklap pa nga rito, ay lalapit na si Idol Raffy sa DSWD upang makuha ang custody ng mga pamangkin ni Michelle. Maging sa anak nila Tekla, ay maaalisan rin ng kustodiya si Michelle kapag na assess ng DSWD. Kaya naman, ang anak ni Michelle ay paniguradong mapupunta sa poder ni Tekla, dahil walang kakayahang buhayin at maging ina si Michelle sa anak nito.




Ayon nga kay Idol Raffy, ay hindi makakakuha ng kahit anumang tulong si Michelle mula sa kanya. Dahil si Michelle mismo ang naggisa ng kanyang sarili sa sarili nitong mantika. Bagama’t nagpumilit pa ang kapatid ni Michelle na makipag-usap, ay hindi na nga ito pinatulan pa ni Idol Raffy.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Tiniyak naman ni Idol Raffy, na sarado na ang kaso kaugnay kay Michelle at ito na rin ang huling beses na makakapanayam ito sa kanyang programa.

Tila nga sa huli ay nangibabaw pa rin ang katotohanan para kay Tekla. Sa dami nga ng nagpatunay kung gaano kabuting tao at ama si Tekla, ay masasabi na kahit hindi siya nagsalita ay gumawa pa rin ng paraan ang tadhana upang lumabas ang katotohanan. Samantalang si Michelle naman na nag-aakalang magagawa niyang manlamang ng kapwa, ay hindi nagtagumpay at mismong sarili pa niya ang naglagay sa kanyang kapahamakan.

 


Source: Ptama

0 comments: