Lyca Gainarod, Binisita ang Dati Nilang Tirahan, Lola Niyang Nakatira rito Plano Niyang Ilipat sa Mas Ligtas na Lugar
Likas na sa young singer na si Lyca Gairanod ang pagiging mabuting anak at mapagmahal sa kanyang pamilya. Kaya naman, nang dumaan ang magkakasunod na bagyo ay ganun na lamang ang kanyang pag-aalala sa kanyang Lola.
Kung inyong matatandaan, naiwan ang Lola ni Lyca sa dati nilang tirahan na sa mismong tabi ng dagat nakatayo. Ito nga ay sa kadahilanang ayaw umano nitong lisanin ang naturang lugar.
Ngunit, dahil nga sa sunod-sunod na pagsalanta ng mga bagyo kamakailan, ay nabahala ang young singer sa kalagayan ng kanyang lola lalo na’t barong-barong ang dati nilang bahay at wala pang kasama ang kanyang lola.
Kamakailan nga, ay tampok sa vlog ni Lyca ang pagbisita niya sa dati nilang bahay kung saan ay ipinakita ang sitwasyon nito matapos ang bagyong dumaan. Bagama’t, makikita na nakatayo pa ang pundasyon ng bahay, ay may ilang pinsalang natamo ang bahay na dulot ng malakas na hangin at malakas na alon.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
Ayon naman kay Lyca, sa tuwing may bagyo ay ang kanyang ama at kuya ang agad na rumeresponde sa paglikas at nag-aayos ng mga napinsala sa kanilang bahay. Dahil nga masamang lagay ng panahon ay agad nilang pinalikas ang kanyang lola sa nasabing bahay at huwag munang patirahin rito, dahil bukod sa sadyang napakamapanganib, ay wala rin itong kasama.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
Ayon nga kay Lyca, pag may bagyo o masama ang panahon, ang kanyang lola agad ang pumapasok sa kanyang isipan. Saad nga ni Lyca, ay ayaw niyang nahihirapan ang kanyang Lola. At bilang isang apo, ay iniisip umano ni Lyca ang kapakanan nito kung sakaling patitirahin niya ito sa mapanganib na sitwasyon.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
Dahil nga hindi na rin maganda ang lagay ng bahay na kung aayusin nila, ay baka masira ulit ito. Iniisip nga ni Lyca na kapag may parating pang bagyo, ay hindi na ito kayanin ng pundasyon ng bahay at tuluyan na itong masira. Kaya naman, upang maging ligtas ang kanyang Lola sa anumang kapahamakan, ay kukumbinsihin niya umano itong lisanin na ang kanilang dating bahay, upang pagawan ng bahay sa mas ligtas ng lugar.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
At ang hiling nga ni Lyca ay sana pumayag at makumbinsi niya ang kanyang lola kapag nakausap niya ito. Napakadelikado naman talagang tumira sa nasabing bahay, dahil sa malakas ang alon at tumataas rin ang tubig.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
Sa huli nga, ay sinabi ni Lyca na kahit hindi pumayag ang Lola niyang umalis sa bahay ay papagawan parin niya ito ng bahay kung saan magiging ligtas at komportable ito, na malayo sa anumang kapahamakan.

Photo credits: Lyca Gairanod | Instagram
Tunay nga na napakabuti ni Lyca, dahil sa oras ng mahirap na sitwasyon ay iniisip pa rin niya ang kapakanan ng kanyang Lola. Hindi maikakaila na talagang mahal na mahal niya ang kanyang Lola at nais niyang mapabuti ang lagay nito.
Source: Ptama
0 comments: