Kim Chiu, Aminadong Malaki ang Utang na Loob sa ABS-CBN Kaya Hindi Niya Magawang Lisanin ang Network
Ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu ay nagsimula ang karera sa industriya ng showbiz nang maging housemate sa Bahay ni Kuya sa reality talent competition na Pinoy Big Brother: Teen Edition. Sa loob pa lang ng Bahay ni Kuya, nakita na agad ang kabutihan ng aktres. Bukod nga sa pagiging masayahin, nakita rin kay Kim ang kanyang pagiging totoong tao.
Nakilala rin si Kim sa tawag na Chinita Princess, at ang pangalan niyang ito ang nagpapatunay na malaki ang papel na ginagampanan niya sa showbiz. Hindi lang basta sikat na aktres kundi isa ring mahusay na artista na talaga namang hahangaan ng lahat. Bagay na nagdala sa kanya sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
At nang magsara nga ang minahal at naging kanlungan niyang network na ABS-CBN matapos hindi makapag-renew ng prangkisa, ay isa si Kim sa mga nagpakita ng pagsuporta at nanindigan na hindi niya iiwan ang network na naging dahilan ng kanyang tagumpay. Hindi nga tumanggap ang aktres ng mga offer mula sa ibang TV Network, bagkus ay patuloy na ipinakita ang kanyang pagmamahal sa ABS-CBN.
Sa isang virtual presscon, nang makapanayam ang aktres kasama ang leading man niya sa horror film na “U-Turn” na si Toni Labrusca, naitanong sa dalawa kung may plano ba silang lisanin ang network.
Walang pag-aalinlangan naman itong sinagot ni Kim, at sinabi na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN. Ayon nga sa aktres, ang network ang naging dahilan upang may maipakain siya sa kanyang pamilya, at magkaroon ng maayos na bahay.
“Siguro, utang na loob ko na may bahay akong maayos, napapakain yung pamilya ko, all because of ABS-CBN.”
Hindi naman maikakaila na naging loyal nga si Kim sa ABS-CBN mula simula hanggang sa dulo, hindi niya ito iniwan sa kabila ng naranasang pagsubok ng network. Kaya naman, isa rin si Kim sa mga artista na patuloy na inaalagan ng Kapamilya network kung saan ay hindi nawawalan ng proyekto. Maliban nga sa bago niyang pelikula na “U-Turn” mula sa Star Cinema ay may dalawang regular TV show pa siya, ang “Its Showtime” bilang isa sa host at ang “ASAP” na pareho nang mapapanood na sa free TV A2Z Channel 11 ng Zoe TV.
Kaya naman, naging proud si Kim nang muling makabalik ang pag-ere ng mga programa ng Kapamilya network sa telebisyon.
“It just goes to show na hindi susuko ang mga Kapamilya to give entertainment, to give mga palabas, mapadrama man o variety o movies.”
Samantala, maliban sa mga proyektong ito ng Chinita Princess, usap-usapan rin ngayon ang pagbabalik tambalan nila sa telebisyon ng kanyang real-life boyfriend na si Xian Lim.
Source: Ptama
0 comments: