Singer at Komedyanteng si Ethel Booba, Isa na ring Certified Plantita! Nagmistulang Vegetable Garden ang Loob ng Kanilang Tahanan
Magpipitong buwan na nga tayong sumasailalim sa quarantine, at sa haba ng panahong pananatili natin sa loob ng ating tahanan ay nagkaroon tayo ng mga bagong interes at bagay na pinagkakaabalahan. Isa na nga rito ang pag-aalaga ng mga halaman at pananim sa ating tahanan. Ang ilan nga ay nagkaroon ng vegetable garden sa kanilang bakuran, samantalang ang iba naman ay nag-alaga ng mga indoor plants sa loob ng kanilang tahanan.
Talaga nga namang patok na patok ngayon ang mga plantita at plantito na walang sawang nangongolekta at nag-aalaga ng mga halaman sa kani-kanilang tahanan. Pabonggahan at pamahalan nga ng kanilang mga alagang halaman ang mga kilalang certified plantita sa showbiz. Halos mapuno na nga ang social media ng post ng mga certified plantita, kung saan ipinagmamalaki nila ang kanilang mga naggagandahan at mga mamahaling indoors plants.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
At kung plantita lang din naman ang pag-uusapan, ay kabilang na riyan ang singer at komedyanteng si Ethel Booba. Ngunit, kakaiba ang nakahiligang mga halaman ni Ethel na nagawa niyang alagaan at idisplay sa loob ng kanyang tahanan.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
Kamakailan nga, ay agaw-pansin ang koleksiyon ng mga halaman ni Ethel. Ang kanyang vlog na ibinahagi noong Oktubre 7, sa kanyang YouTube Channel ay kinagiliwan ng mga netizens kung saan tampok ang kanyang mga alagang halaman na tinawag niyang “rare plants”.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
Kung ang ibang celebrities, ay bongga sa ganda at mahal ng kanilang indoor plants, mas pinabongga naman ang kay Ethel dahil nagmistulang vegetable garden ang loob ng kanilang tahanan dahil sa mga makikitang pananim rito.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
Makikita nga sa loob ng tahanan ni Ethel ang mga pananim na gulay na nakalagay sa paso tulad na lamang ng talong, malunggay, papaya, gabi at may puno rin ng saging na may kasama pang puso.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
At ang nakakatuwa pa, ay nilagyan naman ni Ethel ng tag ang bawat pananim kung saan ay ginawan niya ng scientific name. Upang mas maging sosyal naman ang dating ng kanyang mga “rare plants collection”, ay sinabi rin ng komedyante na nagmula ang mga ito sa ibang bansa tulad ng China at Africa.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
Na ayon nga rito, ay pina-cargo pa niya upang makarating sa kanilang tahanan.
Hindi naman maiwasan ng partner nitong si Jessie Salazar na matawa sa pinaggagawa ng komedyante. Ngunit, sa kabila nito ay todo suporta naman sa kanya ang nobyo.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube
Talaga nga namang good vibes ang hatid ng vlog na ito ni Ethel sa kanyang mga tagahanga at manonood. Hindi naman maitatanggi na kahit mga pananim na gulay ang natagpuan sa loob ng bahay nina Ethel, ay nakadagdag naman ang mga luntiang halaman sa ganda ng kanilang tahanan.
Source: Ptama
0 comments: