Sunday, October 11, 2020

“Ito na talaga ’yon”: Robi Domingo, Inamin Na Sigurado na sa Kanyang Non-showbiz Girlfriend at Nais Niya itong Pakasalan

Isang tiyak na kasagutan ang naging tugon ng TV Host na si Robi Domingo patungkol sa pagpapakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend nang makapayaman sa Magandang Buhay nito lamang ika-9 ng Oktubre, araw ng Biyernes.




Hindi na nga itinago pa ng Game KNB Host, ang kanyang pagnanais na pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda pagdating ng tamang panahon. Pag-amin nga ni Robi, ay nakikita na umano niya ang kanyang sariling kasama si Maiqui sa kanyang pagtanda.

“I feel it. I really feel na ito na talaga ‘yon.”

Pagbabahagi naman ni Robi, bagama’t mas bata sa kanya ang kanyang girlfriend ng isang taon, ay nakakatiyak naman siya na kasalan rin ang kahahantungan ng kanilang relasyon. Sa kabila naman nito, ibinunyag naman ni Robi na napagkasunduan nilang mag-pokus muna sa kanya-kanyang karera bago lumagay sa tahimik.

“Kapag narating ko na ‘yung status sa aking trabaho. Basta may pangarap ako para sa sarili ko rin na gusto kong maabot. At kapag siya ay may sarili ng space sa kanilang opisina—ibig sabihin kung may position na siya—at kung mayroon na akong certain achievement and credential sa buhay, I think that’s high time.”




Nagbigay naman ng nakakaantig na mensahe si Robi sa kanyang nobya. Pinasalamatan rin ng TV host si Maiqui dahil palagi itong nasa tabi niya, lalo na sa panahong kailangan niya ng taong magiging sandigan. Ayon nga kay Robi, ay si Maiqui ang nagbigay ng direksiyon sa buhay niya. At dahil rin kay Maiqui ay mas lalo pa niyang napagbuti ang kanyang sarili.

“Maiqs, I just want to say thank you for bringing me into this type of direction and for making me the best version of myself. I will be here for you and I hope and pray to be with you.”

Ang magkasintahan ay dalawang taon nang makarelasyon at noon lamang Agosto 6, nang ipagdiwang ng lovely couple ang kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan. Matatandaan naman na noong Pebrero ng nakaraang taon nang ianunsyo ni Robi sa publiko ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Robi sa isang panayam na ang kanyang non-showbiz girlfriend, ay naging schoolmate niya sa Ateneo de Manila University. Ngunit, hindi agad sila nagkaroon ng komunikasyon matapos lisanin ang kanilang paaralan. At noong ngang taong 2017 nang muli silang pagtagpuin ng tadhana. Sa pagkakataong ito, ay hindi na nga nila pinakawalan pa ang isa’t isa.


Source: Ptama

0 comments: