Sunday, October 11, 2020

Business Minded na Misis na si Neri Naig, Nakabili ng 6000 sqm. na Lupa Mula sa Pagbebenta nito Online, Asawang si Chito Miranda Pinabilib

Marami sa atin ang kinabibiliban at hinahangaan ang pagiging madiskarte sa buhay ng aktres at negosyanteng si Neri Naig. Ilang ulit na ngang pinatunayan ni Neri, na kahit ang isang misis na tulad niya ay kayang kumita at makapagpundar ng mga hinahangad na bagay gamit ang sariling kakayahan at pagsisikap.

Kaya naman, ang asawa ni Neri na si Chito Miranda ay talagang proud na proud sa kanyang kabiyak sa bawat achievement na nakakamit nito.

Kamakailan nga, ay muli na namang ipinagmalaki ng “Parokya ni Edgar” frontman na si Chito ang panibagong tagumpay na nakamit ng kanyang madiskarteng misis matapos nitong makabili ng lote na may sukat na 6000 sqm.




Nito lamang ika-7 ng Octubre, nang ibahagi ni Chito sa kanyang Instagram account kung gaano siya ka-proud kay Neri. Ayon nga sa singer-song writer, ay talagang kahanga-hanga ang kanyang asawa sa tagumpay na nakakamit nito, dahil ang mga bagay na ito, ay hindi niya kayang makamit gamit ang kanyang talent fee. Na bagama’t, kumikita siya sa pagbabanda at nabibili naman ang mga nais niya, ay hindi niya umano kayang bumili ng 6000 sqm na lupa.

“Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Pagbabahagi naman ni Chito, ay nabili ng kanyang asawa ang naturang lupa matapos makabili ng lupa sa village, at condo niya Pico de Loro. Talaga ngang ipinagmamalaki ni Chito si Neri, dahil ang mga ito ay nabili ni Neri gamit ang sariling pera na mula sa kanyang pag-oonline selling. At sa halip nga na mainggit, ay mas naiinspire pa umano si Chito dahil sa pagsisikap at diskarte ng kanyang asawa pagdating sa pagnenegosyo.

Photo credits: Neri Naig | Instagram

Samantala, binigyang diin naman ni Chito, na walang kinalaman ang pagiging aktres ni Neri, kung bakit matagumpay ito sa negosyo. At ang dahilan umano ng lahat ay ang kasipagan at determinasyon nitong maging matagumpay. Katulad rin ni Neri, ang mga resellers umano ng kanyang asawa ay nakapagpundar rin ng mga sasakyan at ang isa naman ay town house dahil sa kasipagan ng mga ito.




“At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse.”

Ayon pa nga kay Chito, ay dapat hindi ikahiya ang pagiging isang online seller at huwag iisipin ang sasabihin ng iba, bagkus ay pagtuunan ng pansin ang pagtutok sa negosyo upang maabot ang hinahangad na pangarap.

Photo credits: Neri Naig | Instagram

“Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila.”


Source: Ptama

0 comments: