Sunday, October 11, 2020

Vlogger na si Mimiyuuuh, May Pasilip sa Kanyang Naipundar na Bahay Para sa Kanyang Pamilya na Bunga ng Kanyang Pagsisikap

Tunay nga na napakalawak ng sakop ng online world. Ito nga ay dahil sa pamamagitan ng internet at social media ay nagkakaroon tayo ng pagkakataong ipamalas ang talento at kakayahan ng bawat isa.

Katulad na lamang nga ng online personality at vlogger na si Mimiyuuuh na nakilala matapos mag-viral ang kanyang sariling version ng “Dalagang Pilipina” challenge na kung saan ay talagang kinagiliwan ng mga netizens. Magmula nga nang makilala ng publiko at maging viral sa social media ay bumuhos ang mga biyaya sa buhay ni Mimiyuuuh. Nagkaroon siya ng kabila’t kanang mga endorsement, at mas lalo ring dumami ang kanyang mga followers at subscribers sa kanyang YouTube Channel. Dahil nga dito, ay naging matagumpay si Mimiyuuuh sa loob lamang ng maikling panahon.




Dahil nga, sa pagsusumikap ni Mimiyuuuh ay nabago ang kanyang buhay. At isa sa pinakamalaking achievement na nakamit niya ngayon ay ang naipundar na bahay para sa kanyang pamilya.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Kamakailan nga, ay ipinasilip na ni Mimiyuuuh sa kanyang mga tagahanga ang kanyang pinaghirapan at bunga ng kanyang pagsisikap. Sa latest vlog ni Mimiyuuuh kung saan tampok ang pagsagot niya sa 69 na katanungan, ay may pasilip ang vlogger sa kanyang naipundar na bahay.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube




Makikita sa video, na bago pa man simulan ang mga katanungan kay Mimiyuuuh ay abala ito sa paglilinis ng swimming pool. At habang tinatanong naman si Mimiyuuuh ng mga nakahandang katanungan ay unti-unti naman niyang inilibot ang kanyang mga tagahanga ang paligid ng kanyang bahay. Maliban nga sa swimming pool, ay nasilayan rin ang garahe ng naturang bahay.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Samantala, ilan nga sa mga naging katanungan sa vlogger ay kung paano niya nakikita ang sarili niya sa susunod na sampung taon.

Agad naman itong sinagot ni Mimiyuuuh at sinabi:

“Living the life. Sana ay okay na ang aking buhay and nag-gigive back na ako ten years from now.”

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Sa nasabing vlog ay napatunayan rin kung gaano niya kamahal ang kanyang mga magulang, ito nga ay matapos tanungin si Mimiyuuuh kung ano ang bagay na pinakakinatatakutan niya. At ang naging tugon naman niya ay:

“Siguro ang mawala ang parents ko.”

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Tiniyak naman ni Mimiyuuuh sa kanyang mga tagahanga, na kapag nasa ayos at handa na ang lahat, ay magkakaroon siya ng house tour vlog sa kanyang naipundar na bahay para sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh) on

Ang vlog ni Mimiyuuuh na 69 questions with Mimiyuuuh ay hanga sa 73 Questions ng isang sikat na American fashion at beauty magazine.

Matatandaan naman nang makapanayam ng Push si Mimimiyuuuh, kung saan sinabi niya na hindi niya inaasahan na sa edad na 23 taong gulang ay matutupad na niya ang pangarap niyang magkaroon ng bahay para sa kanyang pamilya.

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family.”


Source: Ptama

0 comments: