Tuesday, March 29, 2022

Imbis na Maging Nurse sa Amerika, Pinay na Si Jonalyn Johns Mas Piniling Maging Truck Driver Dahil sa Mas Malaking Sahod

Isang Pinay, hindi inurungan ang pagiging isang driver ng 18-wheeler truck sa ibang bansa. Pinili ang ganitong propesyon imbis na maging isang nurse, dahil mas malaking sahod.

Photo credits: Jonlyn Johns | FB

Ibinahagi ng Pinay na si Jonalyn Johns na tubong Borongan, Eastern Samar sa panayam sa kanya ni Kara David sa programang Brigada nito lamang buwan ng Marso taong 2022 na ang pagiging isang nurse talaga ang plano niyang maging propesyon sa Amerika, ngunit tila nga iba ang itinadhana para sa kanya.

Photo credits: Jonlyn Johns | FB

“Yun po talaga yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna yung nursing before yung truck driving.

Ayon kay Jonalyn, nakita niya na mas malaki ang sahod sa pagiging isang truck driver, kaya naman mas pinili niyang karirin ito. Dagdag pa niya, kasama din niya sa nasabing trabaho ang kanyang mister.

Photo credits: Jonlyn Johns | FB

“Pero nakita ko yung sahod mas malaki pala yung sa akin sabi ko, ‘Okay, trucking.’ Para kaming mag-asawa magkasama din.”

Pag-amin naman niya, na mahirap din talaga ang trabaho ng pagiging isnag truck driver, at noon ngang siya ay nagsisimula pa lamang ay hindi niya naiwasan na mapaiyak din dahil sa hirap. Ngunit saad niya, nang unti-unti na siyang nasanay sa trabaho niya bilang isang truck driver ay nasanay na nga siya at tila madali na lang sa kanya ang trabaho niya sa kabila ng hindi nga ito madali.

Photo credits: Jonlyn Johns | YT

“Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na yung magba-backing.
“Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang.”
Kuwento ni Jonalyn sa trabaho niya bilang truck driver ay inaabot siya ng halos 11-oras sa paghahatid ng mga cargo niya, kung saan ang mga ito nga ay malalaking kahoy, bakal, tubo. Karamihan nga umano sa mga pangarga niya sa truck ay mga ginagamit sa construction.
“kahoy na malalaki, bakal yung malaking tubo, at saka yung mostly pang-construction.”

Photo credits: Jonlyn Johns | YT

Ayon pa sa kanya, kasa-kasama niya ang kanyang mister na isang Amerikano sa pagde-deliver, at maliban nga sa pagda-drive na kanyang ginagawa ay mano-mano rin siya sa pag-i-strap, pagkakadena, at pagkakapit ng double trailer, kung saan patunay nga nito na kahit na isa siyang babae ay kayang-kaya niyang gawin ang isang panlalaking gawain.

Photo credits: Jonlyn Johns |YT

Saad pa niya minsan ay inaabot siya ng dalawang buwan sa kalsada dahil sa pagde-deliver, at ang ginagawa na lamang niya upang ma-enjoy ang ganito, ay ang pag-enjoy sa mga magagandang tanawin na kanyang nadadaanan.

Photo credits: Jonlyn Johns | FB

Masaya naman ibinahagi ni Jonalyn, na dahil sa pagiging truck driver ay nakapagpundar na siya at ang kanyang asawa ng bahay.

May iniwan namang payo si Jonalyn para sa lahat, pagdating sa mga pagsubok sa buhay “’Wag mawalan ng tiwala sa sarili, kasi lahat ng tao, kahit ano pa iyan matututunan natin kung bibigyan natin ng chance.”


Source: Ptama

0 comments: