Tuesday, March 29, 2022

Andrea Brillantes, Ipinasilip Ang Kanyang Birthday Picnic Celebration

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala ng publiko sa pangalang Andrea Brillantes ay gumanap sa iba’t ibang role, at isa nga sa pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon. Nakamit niya ang katanyagan at tagumpay sa kanyang husay sa pag-arte nang gumanap siya sa Annaliza noong 2013. Mas lalo namang naipamalas ang kanyang husay sa pag-arte sa teleseryeng Kadenang Ginto bilang si Marga Bartolome noong taong 2018.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Sa murang edad ay marami ng proyekto ang kinabibilangan ni Andrea. Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi ganoon kadali mabuhay bilang isang artista. Kaya nga’t sa kabila ng samu’t saring isyung kinaharap ng aktres ay nanatili siyang matatag at patuloy na namamayapag ang kanyang karera.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Noong ika-12 ng Marso taong kasalukuyan masayang ipinagdiriwang ni Andrea o tinatawag ding Blythe ang kanyang ika-19 na kaarawan sa simple ngunit agaw pansin na picnic-themed birthday celebration. Sa isang Instragram post nga ng kanyang event planner na si La Belle Fete ay makikita ang mala paraisong event place na hatid ng liwanag ng mga ilaw at iba pang disenyong nakakaakit.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Kapansin-pansin naman na mas umangat ang kagandan ni Andrea nang suotin nya ang kanyang party dress para sa kanyang espesyal na kaarawan. Ang napakakulay at creative na birthday ay kinagiliwan ng mga netizens at talagang pinag-usapan sa social media.

Ang nasabing selebrasyon ay dinaluhan naman ng malalapit na kaibigan ni Andrea kabilang na rito sina Darren Espanto, Kyle Echarri at AC Bonifacio. Kapansin pansin naman na wala sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa kaarawan ni Andrea at hindi nga ito nakaligtas sa mga netizens.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Naging laman ng vlog ni Ogie Diaz, ang usapin tungkol sa hindi pagkakaunawan ng tatlo. Ito ang isang dahilan at hinuha ng mga tao kung bakit wala ang dalawa sa kaarawan ng actress. Wala mang kasiguraduhan kung ano ang tunay na dahilan sa likod ng nasabing issue. Sinabi ni Andrea na mananatili pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan. Nairaos ang kanyang kaarawan ng walang aberya at panay katuwaan lamang.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Bagama’t bata pa si Andrea ay makikitang isa syang matapang at may paninindigan sa buhay maliban sa pagiging talentado at mahusay na aktres. Isa rin syang patunay na hindi sukatan ang edad upang makamit ang tagumpay at kasikatan.

Photo credits: Andrea Brillantes| IG

Ang pagiging totoo nya ang naging basehan ng mga tao para mas lalo syang hangaan at mahalin. Piliin ang kasiyahan at hayaang lumipas ang mga usaping hindi makakadulot ng mabuti sa pagkatao, ang katangiang ipinamalas ni Andrea Brillantes. Isang tamang desisyon, ang magpatuloy sa karera sa showbiz upang maghatid kasiyahan sa kanyang mga tagahanga.


Source: Ptama

0 comments: