Yeng Constantino, Ipinasilip Ang Bahay Na Ipinapatayo Nila Ng Kanyang Asawang Si Yan Asuncion Sa Kanilang Farm Sa Quezon
Tila naeenjoy na ngayon ang sikat na singer na si Yeng Constantino ang simpleng buhay sa probinsya. Nitong mga nakaraang buwan lamang ay napapadalas nga ang pagbisita ni Yeng sa kanilang farm sa Quezon kasama ang kanyang asawang si Yan Asuncion. Dahil nga madalas na silang pumunta sa farm kung saan naninirahan ang kanyang ama at kapatid na si Cookie, ay nagpasya ang mag-asawa na magpatayo na lang ng bahay sa farm.
“Palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama at ang kapatid kong si Cookie ay nandito na. Since lagi na kami nandito sa farm ni Yan, nagpapatayo na kami ng bahay dito.”
View this post on Instagram
At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip na ng sikat na singer sa kanyang mga tagahanga ang bahay na kanilang ipinapatayo sa kanilang farm sa Quezon.
Sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang sariling Youtube channel ay ipinakita ni Yeng ang progress ng ipinapatayong bahay.
Photo credits: Yeng Constantino Vlog | Youtube
Sa kanyang vlog ay ipinakilala naman ni Yeng si Mang Fred. Si Mang Fred nga ang mahusay sa paggawa ng bahay na siyang gumawa ng kanilang mga pinapaupahang apartment, bahay ng kanyang ama, pati na ang resort nila sa Zambales.
Photo credits: Yeng Constantino Vlog | Youtube
Inilibot nga ni Yeng ang kanyang mga tagahanga sa ipinapagawang bahay, na may dalawang palapag. Sa kanyang paglilibot ay makikita na ang porma ng bahay. Malungkot namang ibinahagi ng singer na para maipatayo ang kanilang bahay kinailangan nilang putulin ang ilang puno sa lokasyon na pagtatayuan ng bahay. Dahil delikado ang mga puno na malipat sa bahay ay pinutol na lamang nito ito.
“Ang dami naming pinutol na puno dito kasi delikado pala talaga ang buko kapag ika’y nalaglagan. Trivia, mas marami pa daw napapatay ang buko kaysa pating taon-taon. So kapag nalaglagan ka ng buko, biyak talaga ang bungo mo.”
“Anim na puno ang pinutol namin dito. Medyo heartbreaking nga kasi nu’ng nabili namin ito, nandito na sila. Medyo nakiki-emphatize din kami sa mga puno but we had to cut them para sa aming safety,” dagdag pa nito.
Photo credits: Yeng Constantino Vlog | Youtube
Ngunit, ayon naman kay Yeng ang mga pinutol nilang puno ay pinalitan naman nila dahil nagtanim sila ng puno ng niyog at mahogany sa bundok kung saan itinayo ang kanilang bahay.
“Since nagagawi kami dito sa part ng aming farm, nakita namin na kulang nang mga punong kahoy dito. Ang mga nakikita lang namin dito mga coconut trees at mangilan-ngilang punong-kahoy,” saad ni Yeng.
Ibinahagi naman ni Yeng na bagama’t skeleton pa lang ang kanilang ipinapagawang bahay, ay plano nilang matapos ito ngayong Marso.
Photo credits: Yeng Constantino Vlog | Youtube
Naikwento rin ni Yeng ang plano niyang pagtatanim ng cacao at kape sa kanilang malawak na farm. Tila naman masaya na si Yeng sa kanilang buhay sa probinsya, na kung saan nga ay plano ring magpatayo ng pavilion kung saan maglalagay naman sila ng bilyaran.
Marami na ring mga pananim sa farm nina Yeng, at isa nga sa produktong kanilang napapakinabangan na ngayon ay ang saging na ibinibenta ng kanyang ama sa bayan.
Source: Ptama
0 comments: