Wednesday, November 11, 2020

Simpleng Pamumuhay Ngayon ng Batikang Aktor na si John Lloyd Cruz, Pinahanga ang mga Netizens

Ang simpleng pamumuhay ay talaga namang isa sa mga ninanais ng ilan sa atin. Ito ay dahil sa mas nakikita nila ang pagiging katahimikan at kasiyahan ng kanilang buhay kung ito ay magiging simple at pribado.
May ilan, sa mga kilala nating artista, ang pinili na nga ang mamuhay ng simple, at iwan ang kanilang showbiz career, upang mas gawing pribado at tahimik ang kanilang mga buhay.

Isa na nga sa mga artista na pinili na ang simpleng pamumuhay ay dating sikat na sikat na aktor na si John Lloyd Cruz.




Nito nga lamang nakaraan ay naging agaw-pansin sa mga online users nating mga netizens, ang kumakalat na larawan ni John Lloyd sa social media. Ito ay dahil sa makikita sa larawang ito ng aktor, na tila napaka-pangkaraniwang tao lamang nito, habang nakasuot ng kanyang pambahay na damit, at bumibili ng fish ball sa isang street food vendor.

Si John Lloyd Cruz, kung ating alalahanin ay isa sa mga de kalibreng aktor sa industriya ng showbiz. Marami sa kanyang pelikula, ang talaga namang naging blockbuster hit.

Samantala, kalakip naman ng larawan na ito ni John Lloyd na naging gawa-pansin online, ay ang kanyang naging caption na

“Living the simple life,.”

Sa kabila nga ng pagiging simple ng buhay ngayon ni John Lloyd, ay makikita naman sa mukha ng aktor, na masaya ito.

Kahit naman marami sa kanyang mga tagahanga, ang talagang miss na miss na siyang mapanood muli sa telebisyon at malalaking ga pelikula, ay ikinatuwa naman ng mga ito ang nakikita nilang saya sa kanilang idolo, sa simpeng pamumuhay na ginagawa nito ngayon.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga tagahanga ni John Lloyd, na nagpapahatid ng pa rin ng suporta, at pagmamahal nila sa aktor.




“Iba ka talaga idol, sana matuloy na yung come back movie nyo ni Bea. Ingat idol, yous are so blessed, and keep us blessing as to your love ones and fans.”

“I really love and like people who knows there’s no bounderies either being rich or poor, but what matter is being real to themselves…Miss ko na kumain ng quik at pisbol.”

“Imagine pa-ganyan ganyan lang si John Lloyd pero isang movie come back lang milyon milyon agad sa kanya,. Amazing di ba. He doesn’t flaunt kung anong meron siya. Iba sa mga influencers na naglipana jan.”

Maliban nga kay John Lloyd, ay isa rin sa mga artista sa showbiz na namumuhay ng simple at payapa ngayon, matapos iwang ang buhay at kasikatan sa showbiz, ay ang dating aktres na siAndi Eigenman, na ngayon ay masayang namumuhay sa Isla ng Siargao, kasama ang karelasyon nitong si Philmar at kanilang anak.

Tunay nga na sa mundong ating ginagalawan, ang kapayapaan at tunay na kasiyahan sa buhay, ay hindi nakikita sa karangyaan at kasikatan.


Source: Ptama

0 comments: