Silipin ang Cute na Cute na Reaksyon ng mga Celebrity Kids na Ito sa Kanilang Masayang “Encounter With Animals”
Likas na sa mga munting bata ang maglaro at mag-enjoy sa kanilang pagkabata. Nagkakaroon rin sila ng interes sa iba’t ibang bagay na nakakapagbigay sa kanila ng kasiyahan. Maliban nga sa iba’t ibang klaseng laruan, ay nagsisimula na rin silang magkaroon interes sa mga alagang hayop at animals mula sa wildlife.
At hindi maikakaila na sadyang napakacute ng kanilang reaksyon habang nakikipaghalubilo sa mga hayop. Ating silipin ang mga cute na cute na celebrity kids na ito sa kanilang masayang encounter with animals.
Scarlet Snow Belo
Ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay hindi maitago ang napakacute na reaksyon habang nakihalubilo sa mga hayop.
Scarlet with a python
Ilan nga sa mga hayop na kanyang nakasalamuha ay isang white python kung saan pinatunayan niya ang tapang ng isang bata, nang ilagay ito ni Kuya Kim Atienza sa kanyang leeg.
Scarlet with an owl
Lakas-loob ring nagpalagay ng isang owl si Scarlet sa kanyang ulo habang nakangiti. Ang higit namang ikinakatakot ni Scarlet ay baka umano dumumi ito habang nasa ulo niya.
Scarlet with a kangaroo
Ibinahagi rin ni Scarlet sa IG ang isang larawan habang nakikipaglaro siya sa Kangaroo.
Scarlet with a fox, rabbit and ducks
Photo by: iambaebybaste Instagram
Photo by: iambaebybaste Instagram
Photo by: iambaebybaste Instagram
Tuwang-tuwa rin si Scarlet sa isang fox habang hawak niya ito. Masaya ring pinakain ng Scarlet ang mga kuneho. Nagawa ring magpakain at makipaglaro ni Scarlet ng mga bibe.
Scarlet with a guinea pig
Hindi rin natakot si Scarlet sa guinea pig, sa halip ay kinarga pa ito at hinimas nang marahan.
Baste and Samsam with birds
Photo by: iambaebybaste Instagram
Ang napakacute na magkapatid na sina Baste at Samsam ay ipinamalas rin ang tapang ng isang bata sa kanilang masayang encounter sa mga animals. Makikita na masaya silang nagpakuha ng larawan habang kasama ang parrot at cockatoo.
Baste and Samsam with a baby croc
Photo by: iambaebybaste Instagram
Photo by: iambaebybaste Instagram
Hindi naman maipinta ang mukha ni Baste habang hawak ang isang baby crocodile. Kaya naman, ang kapatid niyang si Samsam, ay ipinakita sa kanyang Kuya Baste ang tamang paghawak sa crocodile na talaga namang napakakalmado.
Samsam with a snake
Photo by: iambaebybaste Instagram
Habang hawak naman ni Samsam ang isang ahas ay nakangiti pa ito. Ayon naman kay Baste, ay paboritong hayop ni Samsam ang ahas.
Primo Arellano with parrot
Photo by drewarellano | Instagram
Hindi rin nagpahuli si Baby Primo na maenjoy makasama ang mga hayop tulad na lamang ng parrot na tinatawag na Scarlet Makaw.
Primo with a tortoise
Photo by drewarellano | Instagram
Nakipaglaro rin si Baby Primo sa isang tortoise na tila namangha sa sobrang laki nito.
Primo with a birdling
Photo by drewarellano | Instagram
Cute na cute ring tingnan si Baby Primo habang nakamasid sa isang ibon na nakapatong sa balikat ng kanyang Mommy Iya.
Zia with a pigeon
Photo by Marian Rivera | Instagram
Tuwang-tuwa naman si Zia nang malapitan niyang makita ang mga kalapati nang magbakasyon sa Europe kasama ang kanyang mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Zia with a dog
Photo by Marian Rivera | Instagram
Nakipaglaro rin si Zia sa isang aso, at tila nga napabalik-tanaw si Mommy Marian sa kanyang karakter sa Marimar at asong si Fulgoso matapos makita ang anak.
Source: Ptama
0 comments: