Tuesday, October 27, 2020

Kuhang Larawan ng Binata sa Kanyang Celphone, Pinamangha ang mga Netizens Dahil Nagawa niya itong Pagandahin na Tulad ng Kuha ng Isang Eksperto sa Photography

Isang binata ngayon mula sa Isabela ang umani ng paghanga mula sa mga netizens, dahil sa kanyang ipinamalas na talento sa pagkuha at pag-edit ng mga larawan, base sa mga larawan na kanyang kinuhaan gamit lamang ang kanyang cellphone at ilang mga gamit sa kanilang tahanan na ginawa nilang mga props sa pag-picture.

Kinilala nga ang binatang ito na si Alfred Acenas, kung saan ay kinuhaan niya ng larawan ang kanyang pinsan, at ang ginamit lamang niya ay ang kanyang cellphone at mga iba’t ibang kagamitan sa kanilang tahanan upang maging props, at ang kahanga-hanga rito ay nagawa lumabas na napakaganda ng kanyang mga kinuhaang larawan, na tila ito’y kinuhaan ng isang eksperto sa photography.




Sa mga larawang ibinahagi ng Rappler, ay makikita ang isang larawan ng binatang si Alfred habang kinukuhaan niya ng larawan ang kanyang pinsan. At dito nga ay makikita na ginamit nilang “props” ang ilang mga Christmas tree branch na ipina-ikot sa mukha nito at sa may bandang likuran ay makikita ang isa pang babae na humahawak nito, upang ito’y hindi mawala sa tamang pagkaka-ayos.

Makikita naman sa pangalawang larawan, ang kinalabasan ng naturang pag-picture ni Alfred sa kanyang pinsan, at talaga namang nakakamangha ito dahil sa napakaganda ng kinalabasan nito, at hindi aakalain ng sinoman na makakakita nito na ang ginamit lamang na pagkuha nito ay cellphone at ang tanging props na ginamit ay Christmas tree branch.

Photo credits: Alfred Acenas | Facebook

Photo credits: Alfred Acenas | Facebook

Ayon nga sa ilang artiikulo, ay madalas na ginagamit ng binatang si Alfred Acenas ang ilang mga bagay sa kanilang tahanan, kapag siya ay kumukuha ng mga larawan.

Ilan pa nga sa mga larawan na kinuhaan ni Alfred na talaga namang lumabas na tila isang “masterpiece” ay ginamit niya lamang ang kanilang blankets, mga pekeng halaman, at maging ang mga damo at bulaklak sa labas ng kanilang bakuran.

Photo credits: Alfred Acenas | Facebook




Photo credits: Alfred Acenas | Facebook

Talaga nga namang nakakamangha ang mga larawan na ito na kinuhaan ng binatang si Alfred Acenas, dahil sa hindi agad mapapansin na ang mga larawang ito ay kinuhaan niya lamang gamit ang kanyang cellphone, kundi aakalain ng sinuman na ito’y kuha at ine-edit ng isang taong eksperto sa photography.

Photo credits: Alfred Acenas | Facebook

Sa kabilang banda naman, pangarap pala talaga ng binatang si Alfred Acenas na maging isang mahusay na photographer, katulad ng kanyang idolong si BJ Pascual, na siya ring inspirasyon niya sa tuwing siyang kumkuha ng mga larawan.

Photo credits: Alfred Acenas | Facebook

Tunay nga namang kahanga-hanga ang ganitong talento, at nawa’y mas lalo pang mahasa ng binatang si Alfred ang kanyang galing sa pagkuha at pag-edit ng mga larawan, upang ang kanyang pangarap na maging isang mahusat na photographer sa hinaharap ay kanyang matupad.


Source: Ptama

0 comments: