Dating Aktres na si Geneva Cruz, Proud na Ibinahagi na Mas Lalo pa Niyang Minahal ang Sarili Lalo na Ngayong Nasa 40’s na Siya
Sa paglipas nga ng panahon, ay hindi natin maikakaila na nadadagdagan rin ang ating edad. Ngunit, sabi nga nila “age is just a number”, dahil nga, nasa tamang pagdadala at pag-aalaga lang ng sarili ang susi upang magmukha pa ring bata.
Kaya naman, ang aktres na si Geneva Cruz ay proud na proud sa kanyang edad. At talaga namang “40 is the new 30”, ang awra ng aktres. Ngayon nga, na 44 taong gulang na si Geneva ay mas lalo niyang naeenjoy ang pagiging positibo sa kanyang buhay.
Kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ng aktres, kung bakit mas naeenjoy niya ang buhay ngayong nasa 40’s na niya. Ayon nga kay Geneva, ngayong nasa 40’s na siya ay marami na siyang karanasan sa buhay.
“I like being in my 40’s because I have more life experiences, I cope with difficulties better, and know what to do in challenging situations. Mostly.”
Hindi naman ikinaila ni Geneva na sa pagdagdag ng edad, ay siya ring pagkakaroon ng mabagal na metabolismo. Kaya naman, nagbigay siya ng payo na magkaroon ng healthy diet at mag-ehersisyo.
Dagdag pa nga ng aktres, ay wala umanong ibang paraan upang mapanatili ang fit and healthy body kundi ang pagsikapan itong makamit sa pamamagitan ng pagwo-work out.
Samantala, pagbabahagi naman ni Geneva ay mas lalo niyang minahal ang kanyang sarili ngayong nasa 40’s na siya. Ayon nga rito, ay mas lalo pa niyang nakilala ang kanyang sarili. Maging independent rin siya lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

Photo credits: genevacruzofficial | Instagram
Other than that, I love myself better at this age: I’ve learned to reevaluate myself and the others around me, I rarely worry about little things, most especially the things I have no control of, I stay away from toxic people, and get really happy and continue to work on being financially independent with my very first business which I am so nervous and excited about.”
Naniniwala rin ang aktres na hindi pa huli ang lahat upang ayusin at mahalin ang ating sarili.
“I believe It’s never too late to reinvent ourselves.”
Nagbigay naman siya ng payo, kung paano maiwasan ang mabilisang pagtanda. Maliban rito, ay binigyang diin naman ng aktres na palaging mahalin ang sarili.

Photo credits: genevacruzofficial | Instagram
“I hope this will help you get prepared for the future and not worry about these changes. Keep in mind that you can slow down the process of aging with the help of healthy living — proper eating, exercise…But you gotta learn to accept and love yourselves with wrinkles, cellulites, loose-skin and all — self-love, and love for others can make your heart and skin glow.”
Makikita nga sa aktres na kahit 44 taong gulang na ito, ay nananatili parin ang taglay nitong kagandahan at fit na katawan. Masasabi nga na pinangalagaan at minahal ng aktres ang sarili upang huwag magmukhang matanda sa kabila ng kanyang edad.
Source: Ptama
0 comments: