Solenn Heusaff, Ibinahagi ang kanyang “Breastfeeding Journey” Bilang Padedemom sa kanyang Anak na si Baby Thylane
“Breastfeeding is the best for babies”, ito nga ang madalas nating marinig sa mga advertisement ng gatas sa telebisyon, at mabasa sa mga karatulang makikita sa mga health center. Tunay nga na malaki ang naitutulong ng pagpapa-breastfeed sa mga sanggol.
Bukod nga sa nakakatipid, ay napakamasustansiya rin nito na kung saan ay nakakatulong sa mabilis na paglaki ng sanggol. Nagiging malusog rin ang isang sanggol at napoproteksyunan sa mga anumang karamdaman.

Photo credits: Solenn Heussaff | Youtube Channel
Ngunit, ang aktres na si Solenn Heussaff bagama’t nais niyang magbigay ng masustansiyang gatas para sa anak sa pamamagitan ng breastfeeding, ay hindi naging madali ang lahat sa aktres. Noong isilang kasi ni Solenn si Baby Thylane ay hindi sapat ang gatas na lumalabas sa kanyang dibdib, kung kaya’t dumating umano ang puntong nanghingi pa siya ng gatas sa ibang nanay.
Sa kanyang vlog, itinampok ni Solenn ang kanyang “breastfeeding journey”. Sa vlog na ito, ibinahagi ng aktres ang hirap at sakripisyo bilang isang padede mom kay Baby Thylane.
Pagsisimula ng Kapuso actress sa kanyang vlog, ay sinabi ng aktres na gustong-gusto niya ang breastfeeding, ngunit, ito na raw ata ang pinakamahirap na mararanasan ng isang babae sa buong buhay niya. Dahil nga bukod sa masakit, ay matrabaho rin umano ito.

Photo credits: Solenn Heussaff | Youtube Channel
Dahil nga sa hirap na naranasan ni Solenn sa pagpapasuso, at kawalan ng sapat na gatas noong una, nalaman niya na may mga padede mom na sadyang biniyayaan na magkaroon ng maraming gatas, samantalang may ilan din namang tulad niya na kahit gustuhing magpasuso ay hindi sapat ang gatas. Hirap na hirap umano siyang mapadede si Baby Thylane, dahil sumasakit na ang kanyang suso sa kakapadede sa anak ngunit gutom parin raw ito. Umabot na umano sa puntong umiiyak si Solenn dahil sa hindi na niya alam ang gagawin.

Photo credits: Solenn Heussaff | Youtube Channel
At matapos ang isang buwang pure breastfeed kay Baby Thylane ay nagpasya si Solenn na mag-mix formula na lang upang kahit papano ay makadagdag sa gatas ng anak.
Dahil nga, malaki ang pagnanais ni Solenn na mabigyan ng masustansiya at sapat na gatas si Baby Thylane ay nakipag-ugnayan siya sa mga lactation experts.
Samantala, ibinahagi naman ni Solenn ang mga bagay na kanyang natutunan sa pagpapasuso. Lalo na ang mga paraan o tips upang magkaroon ng sapat na gatas ang isang padede mom. Kabilang na nga rito ang latching at pumping. Makakatulong rin umano ang pagkain ng sapat at pagkain na may tamang nutrisyon. Idinagdag rin sa tips ni Solenn ang pag-inom ng Malunggay pills at paglagay ng tumeric powder sa kanyang pagkain.

Photo credits: Solenn Heussaff | Youtube Channel
Itinuro rin ni Solenn ang tamang pagmamasahe sa dibdib upang malayang makadaloy ang gatas ng ina, na nakakatulong upang mag-produce ng mas maraming gatas.
Tunay nga na hindi madali ang maging isang ina, ngunit bilang isang ina ay handa nating gawin ang anumang bagay upang maibigay natin ang pangangailangan ng ating mga anak. Tulad ng pagpapasuso na talagang napakahalaga para sa bagong silang na sanggol.
Source: Ptama
0 comments: