Wednesday, September 16, 2020

Kapatid ni Ivana Alawi, Napaiyak sa Labis na Kaligayahan sa Surpresa niyang Regalo na Titulo ng Lupa

Ang napakaseksing aktres na si Ivana Alawi, maliban sa pagiging isang aktres ay kilala rin bilang isang vlogger. Ang kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ay talagang hinahangaan ng mga manonood dahil bukod nakakaaliw ang mga ito, ay kapupulutan rin ito ng aral lalo na pagdating sa usaping pagmamahal sa pamilya.

Maliban nga sa kagandahang taglay ni Ivana at napakaseksing katawan, isa rin sa hinahangaan sa kanya ay ang kanyang napakabuting kalooban. Minsan nang naitampok sa kanyang vlog ang pagtulong niya sa mga nangangailangan, ngunit ang madalas na bigyan niya ng surpresa ay ang kanyang pamilya na kung saan ay talagang makikita ang labis na pagmamahal niya sa mga ito.
At sa latest vlog ni Ivana, ay muli na naman niyang mabibigyan ng kaligayahan ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya, ang kanyang kuya Hashim.



Tampok sa vlog ni Ivana ang pagbisita nila sa lupang kanyang nabili upang pagtayuan ng kanilang bahay. Ngunit, ang mas nakakaexcite rito ay ang lupang magiging surpresa niya sa kanyang Kuya Hashim. Ang lupa para sa kanyang pamilya at lupa para sa kanyang Kuya Hash ay magkakalapit at nasa isang subdivision lamang. Ito nga ay dahil nais ni Ivana na sa kanilang pagtanda, bagama’t may sarili ng mga pamilya ay nasa iisang lugar lamang at magkakasama parin sila.

Isang lupa ang naisipang iregalo ni Ivana sa kanyang Kuya Hash, dahil hindi umano ito mahilig sa mga mamahaling bagay tulad ng Rolex at mga bag. Ang lupa rin ay maaaring pagtayuan nito ng bahay, kung sakaling magkakaroon na ito ng sariling pamilya.

Sa unang bahagi ng vlog ni Ivana, ay una muna nilang binisita ang lupang kanyang nabili kung saan nila ipapatayo ang kanilang bahay. Ipinakita ni Ivana ang lawak ng lupa, maging ang disenyo at magiging hitsura nito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Matapos nga nito, ay nagtungo na sila sa lugar kung saan matatagpuan ang lupang nabili naman niya para sa kanyang Kuya Hash. At nang marating ang lugar ay nag-ala modelo ng “Deal or No Deal” si Ivana habang hawak ang isang brief case.

“It’s too much, Mariam,” ito na lamang ang nasambit ng kanyang Kuya Hash na tinutukoy ang tunay na pangalan ni Ivana, nang buksan ang brief case at malaan na tunay nga, at hindi lang siya prinaprank ng kapatid. Halos hindi nga ito makapaniwala sa supresa ng kanyang kapatid.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel



Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Naging emosyunal na nga ang Kuya Hash ni Ivana, at tuluyan nang napaiyak sa labis na kaligayahan. Maging ang ina ni Ivana, ay hindi na rin napigilan ang pagluha. At nabanggit ng ina ni Ivana, na labis nitong ipinagmamalaki ang kanyang anak na si Ivana sa pagiging mabuti nito sa kanyang mga kapatid, na talagang mapagmahal sa pamilya.

Kahanga-hanga naman talaga si Ivana, hindi lamang ang kanyang panlabas na kaanyuan kundi pati narin ang kanyang kalooban na talagang napakabuti, lalo na sa kanyang pamilya na kung saan ay ipinapakita niya ang labis na pagmamahal sa mga ito.


Source: Ptama

0 comments: