Friday, September 18, 2020

Silipin ang mga Indoor Plants na Nagkakahalaga ng P4,000 hanggang P80,000. Presyo ng mga Halamang ito Naka Depende sa Dahon

Ang pag-aalaga ng mga halaman sa tahanan ang naging libangan ng ilan sa ating mga kababayan sa loob ng halos anim na buwang hindi paglabas ng bahay dahil sa quarantine. At dahil, dito ay dumami na ang mga may hilig mangolekta ng naggagandahang halaman na kung saan ginagawang dekorasyon sa loob ng bahay.

Kaya naman, kung napapaligiran ng mga luntian at makukulay na halaman ang iyong tahanan, ay tiyak na isa ka ngang “certified plantita/plantito”. Para sa mga plant collector ang pangongolekta ng halaman ay nagsisilbing libangan upang maalis ang stress, at makapag-relax.

Ngunit, ang pagiging plantito/plantita ay hindi basta-basta lamang, dahil ang halaga ng bawat halaman ay may nakakabutas sa bulsang halaga. Pero dahil sa ganda ng mga halaman at talagang patok na patok ito, ay balewala sa mga plant collector ang halaga, dahil katumbas naman nito ay kaligayahan para sa kanila.




Katulad na lamang ng plant collector o plantito na si Marvin Braceros, na ibinahagi ang kanyang karanasan noong nagsisimula pa lamang siya sa pangongolekta ng mga halaman.

Ayon nga kay Marvin, nag-umpisa lamang siya sa pagbili ng isa, ngunit hindi na niya napigilang bumili nang bumili hanggang sa di na raw niya namalayang nagmistulang gubat na ang kanyang tahanan sa dami.

“In my experience, once bumili ka ng isa, tuluy-tuloy na yun,” says self-confessed plant addict Marvin Braceros. “Hindi mo mapipigilan ang sarili mong bumili ulit. Before you know it, mukha ng jungle ang bahay mo.”

Si Marvin ay isang “restaurateur-turned-plant seller” na kung saan ay nagmamay-ari ng Respira, isang plant store na may tatlong branches sa Manila. At sa pagbabahagi ni Marvin, ang madalas umano nilang maging kliyente ay mga taong nakatira sa condo na may kakayahang maglabas ng perang pambili ng halaman.

Dahil nga, kabisado na ni Marvin ang kalakaran sa pagbebenta at presyo ng mga halaman, ay kanya na ring isiniwalat ang halaga ng mga patok na halaman ngayon.

Ang caramel marble philodrendron nga ang pinakamahal na halaman na nagkakahalaga lang naman ng P80,000 ang 3 piraso ng dahon nito. Samantalang ang tinatawag namang white congo plant na may tatlong dahon ay maaari namang ibenta sa halagang P30,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by pdxplantmom (@pdxplantmom) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Story Boutique (@story_lexington) on

Ayon nga kay Marvin, habang tumatagal at nauuso ang pag-aalaga ng mga halaman, ay pamahal ng pamahal ang presyo nito. At hindi na halaman ang presyuhan kundi nakabase na sa piraso ng dahon ng naturang halaman.




“Ang labanan ngayon ng value ng plant ay per leaf, hindi per plant. Kaya iniingatan talaga yung dahon. Kasi pag nasira ang dahon, nababawasan ang value.”

Samantala, ibinahagi rin ni Marvin ang ilan pa sa mga in demand na halaman ngayon. Isa na nga rito ang napakagandang anthurium na ang bawat dahon ay may halagang P8,000.

This type of anthurium sells at P8000 per leaf via ANCX

Ang “variegated fiddle” naman ay may halagang P70,000, samantalang ang monstera albo ay nagkakahalaga naman ng P25,000. Ang mga variegated plants nga, kung saan ay nakakabuo ng ibang kulay ng dahon ang pinaka in demand at mahal ang presyo ngayon.

“Nagkaroon na ngayon ng white and green at yellow and green variants, yun ang mga mahal. Meron din na ang left face niya is white, the other is green.”

Ang napakaliit naman na halamang na may five-inch na sukat na philodendron na may apat na dahon ay may halagang P12,500, samantalang ang five-inch variegated fiddle na may tatlong dahon ay naibebenta hanggang P7,000. Ang philodendron pink princess na may 2-3 dahon ay maaari naman ng P3,500.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Twisted Pots (@twistedpots) on

Ayon pa kay Marvin, noong hindi pa raw nag-lalock down ay mura pa ang bentahan ng mga halaman, ngunit, kung kailan nagkapandemya ay naging in demand naman ang mga halaman at sobrang laki pa ng itinaas ng presyo.

“Sobrang laki [ng difference]! The monstera was selling for P800, now it’s selling for P8,000 to P10,000. Yung rubber plant na black prince, dati P500—actually wala pa ngang value yun dati e, hindi pinapansin, tinatabas lang yun dati sa paligid—ngayon ang one foot na black prince sells for P4,000 to P5,000.”

Binigyang diin naman ni Marvin na sa Pilipinas lang umano, tumaas nang ganito ang presyo ng mga halaman. Dahil sa ibang bansa tulad ng US, ay mura lamang ang presyuhan.
Ayon pa kay Marvin, ang pangongolekta ng mga mamahaling halaman ay para na ring katumbas ng pangongolekta ng mga mamahaling bag.

“You’d start buying a Benetton bag, then magiging Zara, magiging MK, then Tory Burch, hanggang sa maging Chanel, Valentino, at Hermes. Nagle-level up. Ang level ng halaman pamahal ng pamahal, at pataas din ng pataas ang demand sa market.”


Source: Ptama

0 comments: