Megastar Sharon Cuneta, Ipinasilip ang Kanyang Koleksyon ng mga Mahahaling Relos
Si Megastar Sharon Cuneta ay apat na dekada nang namamayagpag ang karera sa industriya ng showbiz. Magmula nga toang 1978 hanggang sa kasalukuyan ay kilalang-kilala at tanyag pa rin ang kanyang pangalan na Megastar.
Kilala rin ang Megastar bilang isa sa pinakamayamang artista sa showbiz sa dami ng kanyang mga ari-arian. At isa nga sa pinakaiingatan ng Megastar ay ang kanyang koleksyon ng mga mamahaling relos.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel
Sa vlog ng Megastar, ay masaya niyang ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang koleksyon niya ng mga mamahaling relos na itinuturing niyang mahalaga sa buhay niya.
““It’s no secret that I’ve always been a big watch collector and since many of you have been requesting for this, I wanted to share some sentimental pieces and also the stories behind them.”
Ayon naman kay Sharon, matagal ng hiling ng kanyang mga tagahanga o ng Sharonians ang masilayan ang kanyang koleksyon ng mga mamahaling relos
At ngayon nga, ay hindi lamang tagahanga niya ang makakasaksi sa ganda ng kanyang mga koleksyon kundi maging ang kanyang basher.
Na ayon sa kanya, ay dedicated ang naturang vlog sa kanyang mga basher matapos niyang magpost ng Rolex sa Instagram. Kaya naman, ay ipinasilip na niya ang lahat ng itinuturing “sentimental pieces.”
“Sa bashers, this is dedicated to you because it all started with my famous — I did not include it here, but it’s just there you might be saying I don’t have it — that one Gold Rolex watch that I posted in Instagram. And since that’s where this all started, so we gave it everything now. So this is for you.”
Una ngang ipinakita ng Megastar ang napakagandang relo na regalo ng kanyang ama sa kanyang ina na ibinigay noong 1956, at ngayon nga ay nasa pangangalaga na niya ito.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel
Sumunod naman ay ang relo na bigay sa kanya ng kanyang ama noong nasa grade 4 siya. Ipinakita rin ni Sharon ang relo ng kanyang ina. Ang ilan naman sa relo ng kanyang ina, ay naibigay na umano na sa kanyang anak na si KC.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sharon na ilan sa mga relo, ay binili niya gamit ang sarili niyang pera. At ang mga relos na ito, ay naisuot na niya sa ilan niyang mga proyekto.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel
Ang mga naggagandang relos nga ni Sharon ay may mga kwento na kung saan ay naging bahagi na ng kanyang buhay. Ilan nga sa nga ito ay may sentimental value, at ang ilan naman ay talagang nagustuhan niya kaya nabili niya.
“Well, this is my collection, and part of it, and that not to brag, that’s the truth, and that’s my life, and so I’ve shown you some sentimental pieces and why they’re important and some just because I love them. So I hope you enjoyed that.”

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube Channel
Ilan nga sa kanyang kahanga-hangang koleksyon ay ay 1950s vintage Rolex, a vintage 1970s Corum, vintage 1950s Girard-Perregaux, Ballon Bleu de Cartier, at ilan pang personal Rolex watch collection.
Source: Ptama
0 comments: