• Convallis consequat

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Augue nullam mauris

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Donec conubia volutpat

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Primis volutpat tempor

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

Monday, April 18, 2022

Bunsong Anak Nina Andi Eigenmann At Philmar Alipayo Na Si Koa, Kinagiliwan Ng Publiko Matapos Ipamalas Ang Galing Mag-surf Kahit Isang Taong Gulang Pa Lamang

Tila nga nasa dugo na ng pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang husay pagdating sa surfing. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na isang champion surfer si Philma, at hindi maikakaila na naipamana niya ito sa kanyang mga anak.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Kung matatandaan, ay si Lilo ang unang tinuruan ni Philmar na matutong mag-surfing. At hindi naman niya papalagpasij ang pagkakataon na maturuan rin ang bunsong anak na si Koa. Ang cute na batang si Koa ay maagap natutong magsurfing sa edad na isang taong gulang, dahilan nga para humanga ang mga netizens.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Nitong Huwebes lamang, sa Instagram post ng kanyang ina na si Andi Eigenmann ay masayang ibinahagi nito na natuto na ring mag-surf si Koa sa kabila ng mura nitong edad.

“If skating was what motivated him to start walking, I guess it’s surfing that’s sure has been motivating him to swim so bravely and well!”

Sa nasabing Instagram post ay ibinahagi nina Andi at Philmar ang mga larawan ni Koa. Makikita na makailang beses na sinubukan ni Koa sa surfing board, ay matagumpay niyang naibalanse ang sarili habang nakatayo siya sa surfing board. At sa edad niyang isang taong gulang ay talagang kahanga-hanga ito.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Hindi ba’t tunay ngang nakakamangha, sinong mag-aakala na magagawa ito ng bata at napakabilis matuto sa pagsurfing. Na dapat sa edad nito ay natututo pa lamang itong maglakad.

Bagama’t nakakakabang panuorin dahil masyado pang bata si Koa para sa ganoong aktibidad ay diyan ang kanyang mga magulang upang umalalay at siguraduhin ang kanyang kaligtasan. Tila pinapabatid ng napakabibo at cute na batang si Koa na gusto nitong sumunod sa yapak na kanyang amang si Philmar bilang champion surfer.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Nakabase ang pamilya ni Andi sa Siargao, malapit sa dagat at sikat na surfing area. Kaya’t sa mga anak ni Andi hindi lang si Koa ang marunong umapak sa surfing board. Sa katunayan may alam din sa pagsusurfing si Lilo na ngayon ay dalawang taong gulang.

Masaya namang ibinahagi ni Andi na para matuto sa mga bagay-bagay ang kanyang mga anak ay hinahayaan niya gawin ang nais ng mga ito. At bilang mga magulang naman, ay hindi sila nawawala sa tabi ng kanilang anak para ipakita ang kanilang pagsuporta.

 

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Saad pa ni Andi “I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simply by letting them have a go at it! “Trust them as they explore their capabilities and support them as they push themselves to try.”

“Lilo has been leveling up on her swimming skills by the day, and I see that it’s having playmates around and being able to do fun activities in the water that motivate her to do so. Like surfing! It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. That’s what makes life more enjoyable after all.”

“But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Source: Ptama

Sunday, April 17, 2022

Silipin ang Naging Masayang Bakasyon ni Scarlet Snow Kasama ang kanyang mga Magulang sa Napakagandang Bansa ng Paris

Ang child sensation na si Scarlet Snow Belo ay ipinagdiwang ang kanyang kaarawan nitong ika-3 ng Marso taong 2022. Si Scarlet ay anak ng mag-asawang Haiden Kho at Vicki Belo, kaya naman hindi na nakapagtataka kung madalas pag-usapan ng publiko ang cute at bibong bata.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Matatandaan nga na kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang larawang iginuhit ni Scarlet at hinangaan ng nakakarami. Taglay ng batang si Scarlet ang mga katangian ng kanyang mga magulang mula sa pisikal na kaanyuan, mabuting kabutihang loob at talento. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Scarlet at taglay na talino nito kaya’t marami na ang kanyang tagahanga sa murang edad.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Kung iisipin, ay napakaswerte magkaroon ng parehas na successful na mga magulang katulad ni Hayden at Vicki. Kaya’t naman nararanasan ni Scarlet ang marangyang buhay subalit ang bata ay nanatiling mapagkumbaba. Hindi naman nawawala ang kanilang family bonding, at isa nga sa madalas nilang gawin ay magtravel abroad.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Nitong ika-8 ng Abril lamang, ay lumipad si Scarlet kasama ang kanyang mga magulang patungo sa Europe. Sa Instagram post ni Scarlet masaya niyang ibihagi ang excitement na nararamadam. At sa nasabing post l naisulat ni Scarlet ang katagang:

“We’re going on a trip and I’m so excited. Daddy and Mommy have been traveling and I often left behind (kasi I have school and I don’t want to be absent). Next week we get a break so …. Paris here I come.”

Sa kanilang paglapag sa napakaganda at historical na bansang Europe, ay agad nilang nilibot ang mga naggagandahang tourist spot ng lugar. Kumain rin sila sa sikat at mamahaling restaurant. Makikita sa mga larawang naka-post sa Instagram ni Scarlet kung gaano naging memorable at kung gaano naging masaya ang cute na bata sa kanilang bakasyon sa Europe.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Ang Museum of Chocolate ang pinuntahan ng mag-inang Scarlet at Vicki kung saan maliban sa pagkain ng mga tsokolate ay may aral pang matutunan tungkol sa kasaysayan ng iba’t ibang uri tsokolate. Ang pagbisita nila sa museum ay isang karanasang hindi malilimutan at may panibagong kaalaman na baon pauwi ang cute na batang si Scarlet maliban sa tsokolate. Ayon pa sa isang Instagram post ni Scarlet na may caption na:

“ We visited the museum of chocolate today. Mommy loved learning about the history of chocolates, while me… well… I love eating the chocolates!”

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Ang pagkakaroon ng marangyang buhay ay pinaghihirapan, at ang maginhawang buhay ay pinagtratrabahoan. At bilang magulang ang nais natin ay maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak o higit pa rito kung maari kagaya nang ipinalamas ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo.

Kasabay nang pagbibigay sa kung ano ang nais at kailangan ng anak ng mag-asawang Kho ay hindi nila malilimutan ang pagpapangaral sa anak na si Scarlet. Nanatiling mapagkumbaba si Scarlet sa kabila ng kasikatan,taglay na kagandahan, talento at talino. Nais rin nitong mas lumawak pa ang kaalaman sa mga bagay-bagay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)


Source: Ptama

Ryza Mae Dizon, Pinasaya Ang Kanyang Pamilya Matapos Bigyan Ng Isang Masayang Bakasyon Sa Beach

Ang child star na si Ryza Mae Dizon ay nakilala ng publiko at sumikat nang manalo ito sa edition ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines. Sa nasabing patimpalak ay ibinuhos ni Ryza ang kanyang talento at kinagiliwan ng mga manunuod ang bibong personalidad niya.

Matapos nga ng kanyang pagkapanalo ay naging parte agad siya ng variety show na Eat Bulaga bilang host simula taong 2012 hanggang sa kasulukuyan at siya ang pangalawang pinakabatang host sa nasabing variety show.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Nalaman natin ang buhay na pinanggalingan ng child star na kanyang ibinahagi sa Eat Bulaga. Nasubaybayan rin natin ang kanyang pagpupursigi upang mabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Bagama’t samu’t saring hindi kaaya-ayang mga salita ang kanyang natatanggap mula sa mga mapangutyang tao na tila hindi niya deserve ang pagkapanalo bilang Little Miss Philippines, marami pa rin ang namangha at naniwala sa kakayahan ng child star at siya nga ay mas lalo pang nakilala.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Makalipas ang ilang taong pagtatrabaho sa industriya ng showbiz ay nakapag-ipon na si Ryza at sinimulang ipatayo ang kanyang dream house para sa kanyang pamilya.

Pinasok na rin ni Ryza ang vlogging at nito lamang ika-19 ng Marso ay ibinihagi ng child star sa kanyang vlog ang summer gateway nila sa Subic kasama ang kanyang pamilya at trabahador ng kanilang ipinapatayong bahay. Sakto ang mainit na panahon para mag-beach, maghanap ng magandang tanawin at lumanghap nang sariwang hangin.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Sinulit ng child star at Eat Bulaga host ang pagkakataong ito upang magbakasyon at makasama ang pamilya at mga nagtratrabaho sa kanilang pinapatayong bahay. Naging double celebration ang outing nila Ryza sapagkat ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang kapatid na si Nathan sa araw na iyon.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Sa simula pa lamang ng vlog ay ipinakilala na ni Ryza ang kanyang mga kasama sa outing. Bagama’t, nahihiya ang ilan maipipinta pa rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahang nadarama.

Ang bawat isa ay kumikilos at pawang abala sa paghahanda ng mga pagkain. Sa mabilisang bakasyon nila Ryza sa makapigil hiningang tanawin ng beach hindi mapapantayan ang tuwa at sayang inialay ni Ryza para sa kanyang pamilya at mga trabahador na mas lalong nagpatibay sa kanilang samahan.

Photo credits: Ryzza Mae Dizon | YT

Ang tagumpay ay nasa ating kamay tayo ang may hawak at may karapatang magdesisyon para sa ating kinabukasan. Maging si Ryza man ay dumanas ng hirap bago nakamit ang ang tagumpay at nagawang tumulong sa kanyang pamilya upang umahon sa kahirapan ng buhay.

Sa kabila ng nakamit na kasikatan at karangyaan, hindi ito nakalimot na tumanaw sa pinanggalingan at patuloy ang pagbibigay kasiyahan sa ibang tao.


Source: Ptama

Monday, April 11, 2022

Tingnan ang Napakagarbo at Bonggang 18th Birthday Celebration ng Anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte

Bonga at talaga namang napaka-engrande ng pagdiriwang ng ika-18 taong gulang na kaarawan ni Kitty Duterte. Si Kitty ay ang nag-iisang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceňa.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Ang ika-18 th taong gulang na kaarawan ni Kitty Duterte ay petsa ika-10 ng Abril, ngunit ang kanya ngang bonggang debut party ay ipinagdiwang noong araw ng Sabaso, ika-9 ng buwan ng Abril taong 2022 sa Dusit Thani Hotel sa Davao City.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Makikita naman sa mga larawan na kuha sa naging engrandeng debut na ito ng bunsong anak ng ating Pangulo, na talaga namang nag-stunning ang ganda ni Kitty, lalo na sa kanyang suot na napkagandang gown na hango sa iconic “Lava Gown” ni Catriona Gray noong siya ay koronahan bilang Miss Universe noong taong 2018 sa bansang Thailand. Ang napakaganda at eleganteng gown nga na ito ni Kitty sa kanyang debut, ay likha ng Filipino designer na si Mak Tumang.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Siyempre sa nasabing selebrasyon nga ay parehong present ang mga magulang ni Kitty, naroon ang kanyang ina at ang ama niyang si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi rin nawala sa nasabing okasyon ang nakatatandang kapatid ni Kitty na si Sebastian “Baste” Duterte, na siya ngang Vice Mayor ngayon ng Davao City.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Para sa kaalaman ng lahat, si Baste ay half-brother ni Kitty, dahil ito ay anak ni Pangulong Duterte sa kanyang former wife na si Elizabeth Zimmerman. Ang iba pa ngang anak ng dating mag-asawa ay sina dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at ang isa sa mga tumatakbo ngayong Vice President sa ating bansa sa ilalim ng UNITY Team na si Sara Duterte.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Samantala, isa nga sa mga pinaka-highlights sa mga ganitong debut ay ang father and daughter dance, at makikita nga sa ilang mga larawan ang naging sweet dance ng mag-amang Pres. Duterte at Kitty, sa layaw nga ng musikang “I’ll Take Care Of You” ni Steven Curtis Chapman.

Matapos nga ang naging sayaw ng mag-ama, ay may naging alay namang awitin si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bunsong anak na si Kitty na siya ngang nagdiriwang ng ika-18 taong gulang na kaarawan. Ang awitin nga na ito ay ang ‘Ikaw’ na musika ng singer na si Regine Velasquez.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Tulad ng inaasahan ng lahat, ay marami rin ngang mga politiko at bigating personalidad ang panauhin sa engrandeng debut party na ito ni Kitty Duterte. Isa nga sa mga namataan na politiko na naroroon ay si senatorial candidate Salvador ‘Sal’ Panelo na umawit pa nga ng “Sana’y Wala ng Wakas” na awitin ni Sharon Cuneta, dahil ito nga umano ang ni-request ng debutant.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Namataan rin sa birthday party na ito ni Kitty sina dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo at dating senator na si Manny Villar, ito nga ay ayon sa ulat na inilabas ng Manila Bulletin. Naroon din nga umano sa nasabing okasyon ang Ninong ni Kitty na si Pastor Apollo Quiboloy.


Source: Ptama

Angking Talento Sa Pagguhit Ni Scarlet Snow Belo Sa Edad Na 7 Taong Gulang, Kinabiliban Ng Mga Netizens

Si Scarlet Snow Bello ay isa sa mga kinagigiliwang celebrity kids sa industriya ng showbiz. Ang napakacute at bibong 7 taong gulang na batang si Scarlet ay anak ng mag-asawang sina Hayden Kho at Dr. Vicki Belo.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At hindi naman nakapagtataka na ang kanilang pamilya, ay talagang hinahangaa ng publiko. Samantala, marami rin ang nagtataka kung bakit Belo ang ginagamit na apelyidi ni Scarlet at hindi sunod sa ama ang apelyido nito.

Sa isang interview sa kanyang ina nilinaw nito kung bakit Belo at Scarlet Snow Kho, ito ay hiniling na sa kanyang asawa na kung pwede ay siyang magkaroon ng Baby Belo at pumayag rin ang asawa nitong si Hyden Kho.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

Marami naman ang humahanga sa taglay na talento ni Scarlet. Sino nga ba ang mag-aakala na sa murang edad ni Scarlet ay makakagawa ito ng isang obra. Kamakailan lamang nga, ay pinakita ni Scarlet ang kanyang iginuhit na pokemon character sa isang Instagram post.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At sa ganda ng likhang sining ng cute na bata ay maraming netizens ang natuwa sa talentong ipinamalas nito. May kanya-kanyang komento rin ang mga netizens sa nasabing post ni Scarlet.

Ito nga ay umani ng positibong komento na puno ng paghanga kay Scarlet at sa obra nito. Ilan lamang sa mga ito ay ang “Talented baby Scarlet”, “Beautiful Art”, “Proud of baby girl” at “You’re very talented andso smart”. Makikita rin sa post ang bawat detalye at proseso ng pagguhit ni Scarlet.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At talagang makikita sa bata na pursigido itong matuto at mas lumawak ang kaalaman sa pagpipinta. Kinahihiligan ni Scarlet ang mga tauhan sa pokemon kung kaya’t ito ang naisipan niyang ipinta. Sa gabay ng tagapagturo ni Scarlet naging maganda ang naging resulta ng kanyang obra at kinagiliwan ito ng mga netizens.

Higit sa lahat natutuwa at ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang sa nagawang achievement sa murang edad. Nagpsalamat rin si Scarlet sa kanyang pagtuturo at nangakong gagawin niyang card ang kanyang mga gawa upang ibigay sa kaibigang mahal ang bawat tauhan sa pokemon.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

Si Scarlet ay isang halimbawa na ang pagtuklas ng talento ay wala sa edad bagkus nasa tao kung paano tuklasin ang mga kakayahang hindi pa naiihahayag. Kaya’t huwag matakot sumubok sa kung ano nais matutunan. Sapagkat maaring ito’y ang daan sa pagtuklas ng iyong talento at pagkakakilanlan mo bilang isang personalidad. Dahil nga, sa kahanga-hangang talento si Scarlet sa murang edad ay mas lalo siyang kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga.


Source: Ptama

Diego Loyzaga, Ipinakita Ang Natamo Niyang Eye Injury Mula Sa Paglalaro Ng Basketball

Ang kilalang aktor na si Diego Loyzaga ay miyembro ng isang male group na Kapamilya Cuties, at isa sa itinuturing ng heartthrob sa industriya ng showbiz. Makailang beses na rin nating napanoud sa iba’t ibang palabas sa ABS-CBN network si Diego gaya ng “Bloody Crayons” at “Mama’s Girl”. Kilala rin siya bilang anak ng mga batikang artista na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Photo credits: Diego Loyzaga| IG

Hindi naman maikakaila na namana ni Diego ang magandang katangian ng kanyang mga magulang. Kaya naman taglay niya ang gwapong mukha. Maliban naman sa pag-aartista ay mahilig rin sa sports si Diego. At sa ngayon ang kinahihiligan ng binatang akto ay ang paglalaro ng basketball.

Photo credits: Diego Loyzaga| IG

Sa makatuwid si Diego ay miyembro ng basketball team sa Cebu. Naging masaya ang paglalaro ng basketball para kay Diego, hindi na rin maiiwasan ang mga pisikalang banggaan sa paglalaro. At kamakailan lamang nga ay ibinahagi ni Diego sa kanyang post sa Instagram account ang kanyang natamong eye injury mula sa paglalaro ng basketball na naganap sa Cebu Coliseum.

Photo credits: Diego Loyzaga| IG

Nabanggit rin ng aktor na makailang beses humingi ng tawad sa kanya ang nakabangga sa kanya. Nabahala naman ang ng ilang fans ng binata sa kanyang Instagram post kaya’t ipinaliwang niya sa kanyang mga fans na ang insedente ay parte ng paglalaro at hindi sinasadya.

Ang mahalaga ay naging masaya ang laro at nagkaroon ng patas na laban. Ang nasabing post ng aktor sa kanyang Instagram account ay nilakipan ng caption na:

Photo credits: Diego Loyzaga| IG

“My souvenir from the other days basketball game” !a tumutukoy sa kanyang eye injury. Dagdag pa nito “My souvenir from the other days basketball game. It’s all good and all part of the game. Props sa kalaban namin ang galing niyo! I had a blast Cebu! ‘Till next time. The guy who hit me said sorry a million times so there’s no drama whatsoever! Nice cross over man!”

Sa kabuting palad hindi naman nagdulot ng malaking pinansala ang ang eye injury at nasa maayos na ang kalagayan ni Diego ngayon. Sportsmanship ika nga nila, katulad na lamang nga ng ipinamalas ni Diego sa nangyaring insedente. Nanatili itong kalmado at mapakumbaba upang hindi pa maantala ang ibang manlalaro.

Photo credits: Diego Loyzaga| IG

Matataandaan na noong nakaraang buwan ay pinag-usapan ng publiko ang paghihiwalay ni Diego at ng kanyang dating nobya na si Barbie Imperial. Sa kabila ng mga sigalot at mga isyung napagdaan ng binata nanatili itong matatag at tahimik sa lahat ng mga binabatong usapin sa kanya kabilang na ang isyung hiwalayan ng dating kasintahan nitong si Barbie Imperial. Bagama’t hindi nagtapos ang kanilamg kwento nang pag-iibigan gaya sa inaasahan ng nakakarami, ay parehas silang masaya at may kapayapaan sa ngayon, bilang respeto sa kanilang pinagsamahan.


Source: Ptama

Vice Ganda, Ipinakita sa Kanyang Latest Vlog ang Naging pag-Unbox Niya ng mga Regalong Natanggap Noong Kanyang Kaarawan

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang kaarawan. At bilang isang sikat at popular na personalidad sa showbiz, na tunay din na maraming nagmamahal ay napakarami nga ang agad na nagpaabot ng pagbati para sa kanya at siyempre marami rin ang nagbigay sa kanya ng mga regalo na mula nga sa mga taong malapit sa kanya, tulad ng kanyang mga tagahanga, kaibigan, katrabaho at kapamilya.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Sa latest vlog na ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube channel, ay ipinakita nga niya sa mga tagasubaybay niya ang naging masayang pag-unbox niya ng mga regalong natanggap niya noong kanyang kaarawan. Bakas sa hitusra ng It’s Showtime host at tinaguriang Unkabogable star ang labis na kasiyahan sa lahat ng mga natanggap niyang regalo, kung saan karamihan nga sa mga ito ay mga mamahaling bags, sapatos at jackets.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Kasama ni Vice sa pagbubukas ng mga regalo niya ang dalawang kaibigan at ang Hashtags member na si Wilbert Rosas.
Samantala, maliban nga sa mga mamahaling bags, sapatos at jackets na natanggap na mga regalo ni Vice, ay mas iknatuwa nga niya ng makita niya ang isang BTS merchs na regalo sa kanya ng kanyang malalapit na kaibigan. Ipinakita rin niya ang regalo sa kanya ng It’s Showtime co-host niyan si Vhong Navarro, at ito nga ay isang speaker.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Dahil sa napakaraming mga regalo na kanyang natanggap, idagdag pa na ang gaganda ng mga ito ay hindi nga napigilan ni Vice ang mapatili sa sobrang saya. Ayon pa sa kanya labis niyang na-appreciate ang lahat ng regalo na ibinigay sa kanya, magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Marami naman sa mga viewers ni Vice ang nagbigay ng komento sa vlog niyang ito, kung saan marami nga sa kanila ang nagsabi na ‘deserve’ ng Unkabogable star ang lahat ng mga biyayang natatanggap nito sa kanyang buhay ito ay dahil nga sa kabutihan niya sa iba at sa ibinibigay niya kasiyahan sa kanyang kapwa.

Photo credits: Vice Ganda| YT

“Keep inspiring and motivating us ,meme vice.. u deserve everything. .stay pretty and fabulous always.. wishing u all the best in life with kuya ion. ❤️ We love you.. from koronadal city south cotabato.. hoping to see you in person meme.”
“Sarap regaluhan ni Vice kung ganyan kasaya yung reaction niya sa bawat regalong natanggap niya. Hahahah Di ka talaga manghihinayang gumastos ng mahal sa kanya kahit na afford naman niya.”
“Deserve na deserve mo yan meme, and tama ka, kung hindi ka naman mabait hindi ka bibigyan nang bonggang gifts, sensya na ah love and support lang ang kaya kong iregalo hehe, ingat ka palagi.”

Kilala ng publiko si Vice Ganda bilang isang mahusay na TV hist, aktor at komedyante na maraming beses na ngang bumida sa mga pelikulang tunay na pumatok sa takilya, kagaya na lamang ng Praybeyt Benjamin, Revenger’s Squad at Sisterakas. Isa rin siya sa mga host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.


Source: Ptama