• Convallis consequat

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Augue nullam mauris

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Donec conubia volutpat

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

  • Primis volutpat tempor

    Lorem ipsum integer tincidunt quisque tristique sollicitudin eros sapien, ultrices primis volutpat tempor curabitur duis mattis dapibus, felis amet faucibus...

Sunday, May 15, 2022

PBB Host na si Bianca Gonzales, Proud na Ibinahagi ang Naging Pagtatapos ng Kaniyang Anak sa Kindergarten

Totoong kahit sinong magulang ay ipinagmamalaki ang bawat naaabot na tagumpay ng kanilang mga anak. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, napakarami ang nagiging hamon sa mga estudyante. Nariyan ang ilang hamon sa mga online na klase at nariyan din naman ang banta ng COVID-19 tuwing nagkakaroon ng face-to-face na mga klase. Dahil dito, talagang hindi maiwasan ng mga magulang na maging proud sa kanilang mga anak na nagawang makapagtapos at magtagumpay sa kabila ng mga hamon ngayon.

Gaya nga ng mga magulang ngayon, proud din ang mag-asawang sina JC Intal at Bianca Gonzales sa isang tagumpay na naabot ng kanilang anak na si Lucia. Noong nakaraan lamang ay nagtapos nga ito sa kindergarten at sinamantala nila ang pagkakataon upang ibahagi ito sa iba. Sa isang Instagram post ng host, ibinahagi ni Bianca ang isa sa mga pinakamahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Photo credits: iamsuperbianca | IG

Sa litrato, makikita ang naging pagtatapos ng kaniyang panganay na anak na si Lucia sa kindergarten. Makikitang proud na nakangiti ang anim na taong gulang na bata habang ipinapakita ang kaniyang diploma.

Hindi naman maiwasan ni Bianca na maging proud sa kaniyang anak kaya naman excited rin siya sa pagtungtong ni Lucia sa elementarya. Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga naging guro at kaklase ni Lucia. Ayon nga sa naging caption ng kaniyang Instagram post,

“We are so proud of how much you have grown and learned this year, Lucia. Thank you to her amazing teachers and awesome classmates for making back to face-to-face class a joy for her. Next up, Grade 1!!! For now… summer break!”

Ipinagmamalaki ring ibinahagi sa Instagram ng asawa ni Bianca na si JC ang ilan pang kaganapan sa Moving Up Ceremony ng kanilang anak. Sa caption nito, ibinahagi niya na talagang ipinagmamalaki rin niya si Lucia,

“We are so proud of you Ate.”

Photo credits: iamsuperbianca | IG

Kitang-kita rin sa isang litrato ang masayang mag-anak lalo na at nagkaroon sila ng panibagong tagumpay.

Napakaraming fans at followers ng mag-asawa ang nagpahayag ng kanilang pagbati kay Lucia at sa mga magulang nito na sina Bianca at JC. Ang ilang mga kaibigan mula sa kanilang mga trabaho ay nagbigay rin ng pagbati sa kanilang pamilya.


Source: Ptama

Friday, May 13, 2022

‘Nalubog kami nu’n sa Utang’ Aktres na si Francine Diaz, Ikwenento ang Naranasan niyang Hirap at ng kanyang Pamilya Bago siya Pumasok sa Pag-aartista

Isa sa mga pinaka sikat na teen star ngayong henerasyon ay si Francine Diaz, mas minahal sya ng masa simula noong lumabas sya sa telebisyon bilang karakter sa likod ni Cassandra Mondragon o Cassie ng teleserye hit ng Kapamilya Network na Kadenang Ginto. Nakitaan si Francine ng galing sa pag-arte kaya naman napakarami ang humanga at minahal ang karakter niya sa nasabing teleserye.

Photo credits: Francine Diaz | IG

Ngunit bago paman sumikat si Francine at natamasa ang tagumpay ngayon ay sangkatutak naman na hirap at pagsubok ang kanyang pinagdaanan bago maabot ang tagumpay. Bata palang si Francine ay breadwinner na sya ng pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

Kwento ni Francine na, naransan nila ng kanyang pamilya na mapalayas sa inuupang bahay dahil umabot diumano sila sa puntong wala na silang maibayad sa buwanang renta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

Ayon nga kay Francine, sa hirap ng buhay nila noon, ay naranasan nila ng kanyang pamilya ang mapalayas sa inuupahang bahay dahil wala umano silang pambayad sa buwanang renta. Maliban pa dito ay madalas din umano sila makaranas na maputulan ng tubig at kuryente. Baon din sa utang  ang kanyang mga magulang dahil sa patong patong na gastusin at pangangailangan nilang pamilya.

Photo credits: Francine Diaz | IG

“Nalubog kami nu’n sa utang. Palagi kami napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami ng bahay kasi napapalayas kami. Pero hindi naman po ‘yung pinalalayas na pinalalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta”

Kahit ang pag-aaral ng aktres ay naapektohan na kahit ulit mong pambili ng libro ay hindi sya makabili dahil sa kapus ang kanyang mga magulang.

14 taon gulang noon si Francine ng sumubok pasokin ang pag-aartista at umaasang maiahon niya ang kanyang pamilya sa hirap at makabangon sa patong patong na utang. Bata palang si Francine ay pangarap niya na talaga ang maging artista.

“Nu’ng mga time na ‘yun nasa isip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa po talaga gusto mag-artista”

Photo credits: Francine Diaz | IG

At nagsimula nga ang karera ng aktres sa showbiz bilang extra sa isang TV commercial ng AVP para sa isang kompanya ng kotse. Samantala, masayang-masaya naman si Francine dahil sa unang pagkakataon ay nabili niya ang nais para sa sarili mula sa kanyang sahod.

May mensahe naman ang aktres para pitong taong gulang na sarili na ienjoy lamang ang buhay habang bata pa. Ito nga ang pinanghugutan ng aktres sa buhay upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Photo credits: Francine Diaz | IG

“Dear seven-year-old Francine, i-enjoy mo lang ang pagkabata mo. I am very proud of you dahil alam kong ganyan palang ang age mo, alom kong nagta-try ka talaga na maging better sa mga bagay na hindi ka magaling.”


Source: Ptama

Wednesday, May 11, 2022

Yeng Constantino, Proud na Ibinahagi ang Pagpapaganda ng Kaniyang Tiny Farm House

Sa isang YouTube vlog na bahagi ng Tiny House Series ng singer na si Yeng Constantino, ibinahagi niya ang naging proseso sa pagpapaganda ng kaniyang kusina. Matatandaan na ang tiny house na ito ay makikita sa farm ng mag-asawa.

Sa unang parte ng vlog, isinama ni Yeng ang kaniyang mga viewers sa pamimili ng mga wooden furnitures at dekorasyon para sa kusina at iba pang parte ng tiny house. Kapansin-pansin naman na kahit maituturing itong isang tiny house, malawak ang espasyo ng kusina rito.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Talagang komportableng makakapaghanda si Yeng at ang kaniyang asawa. Mayroon din itong malalaking bintana kung saan matatanaw ang ganda ng kanilang farm.

Nagbibigay rin ito ng karagdagang liwanag sa loob ng tiny house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Sapat na sapat rin ang storage space ng kusina. Mayroon itong open shelves kung saan makikita ang mga kubyertos at maging ang mga kaldero ng mag-asawa. Mapapansin din ang pagiging organisado ni Yeng sa kaniyang mga kagamitan kaya naman kinumpleto rin niya ang pagpapaganda sa kusinang ito gamit ang mga storage boxes. Dito makikita ang iba’t ibang mga kagamitan gaya ng spices at iba pang mga supplies.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Nakakabilib din ang paggamit ng espasyo sa ilalim ng counter tops kung saan makikita ang iba’t ibang kitchen equipments. Ipinakita rin ni Yeng ang mga paborito niyang appliances para sa tiny house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Para makumpleto naman ang kusinang ito, naglagay rin siya ng isang refrigerator na sapat na sa kanilang mag-asawa. Sa kabuuan, mapapansin ang balanse ng puting kulay at wood accents sa mga dekorasyon ng kusina. Perpekto naman ang temang ito para sa farm house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Humanga naman ang mga netizens sa proseso ng pagpapaganda nito. Ang ilan ay nakapagbigay din ng mga suhestiyon kay Yeng para sa tuloy-tuloy na pag-aayos nito. Ang iba naman ay ibinahagi ang kanilang paghanga sa munting proyekto ng mag-asawa.

Ayon sa kanila, talagang mukhang organisado ang singer pagdating sa kaniyang mga kagamitan. Mukhang napaka-komportable rin para sa mga netizens ang layout at espasyo ng kusina. Dahil dito, nagkaroon ng inspirasyon ang ilang viewers ng vlog na magtayo rin ng tiny house o kaya naman ay pagandahin rin ang kanilang sariling tahanan.


Source: Ptama

Monday, May 9, 2022

Kilalanin ang Dalawang Napaka-Cute na mga Anak ng Mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo

Tunay nga namang masasabi lamang natin na kumpleto ang isang pamilya kapag ang mag-asawa ay nabiyayaan ng anak, kung saan ang mga ito nga ang mas nagbubuklod pa sa pagsasama ng kanilang mga magulang at siya ngang nagbibigay ng kasiyahan sa buhay at puso ng mga ito.

Ang mag-asawang sina Kaye Abad t Paul Jake Castillo ay isa lamang sa mga pinagpalang mag-asawa na nabiyayaan ng mga dalawang anak, na siya ngang nagpapasaya pa lalo sa kanilang buhay. Ang kaligayahan ngang naibibigay sa kanila ng dalawa nilang anak ay tunay na hindi mapapantayan ng kahit ano man.

Sa isang larawan na ibininahagi ng aktres na si Kaye Abad sa kanyang Instagram account ay makikita nga ang dalawa nilang cute na cute na mga anak ng kanyang asawang si Paul Jake. Makikita ngang parehong lalaki ang dalawang anak na mag-asawa at ang mga ito ay tila nga close na close sa isa’t isa dahil habang magkasama na nakahiga ay magkayakap pa ang dalawang bata at bakas nga sa mga ngiti nila na ine-enjoy nila ang ‘company’ ng isa’t isa.

Photo credits: Jake Castillo | IG

“Priceless”, yan ang maikling caption ni Kaye sa larawan na nagpapahiwatig nga ng kanyang walang katumbas na kasiyahan sa nakikita niyang pagiging malapit ng kanyang dalawang anak.

Photo credits: Jake Castillo | IG

Photo credits: Jake Castillo | IG

Kitang-kita nga sa larawan ng dalawang anak nina Kaye at Paul Jake na hawig na hawig ang mga ito sa isa’t isa, lalo na nga pagdating sa kanilang mga chinitong mata na mas nagpapalabas pa ng kanilang angking kagwapuhan lalo na pag sila ay nakangiti. Hindi naman maitatanggi na ang chinitong mata ng magkapatid ay minana nila sa kanilang ama na si Paul Jake.

Photo credits: Jake Castillo | IG

Photo credits: Jake Castillo | IG

Dahil nga sa god vibes ang naging hatid ng napaka-cute at priceless na larawan ng magkapatid na sina Inigo at Joaquin ay maraming mga netizens nga ang talaga namang natuwa sa larawan nga na ito ng anak nina jake at Kaye.

Photo credits: Jake Castillo | IG

Ang ibang netizens nga ay hindi napigil ang pagbibigay ng mga positibong komento sa naturang larawan, ilan nga ang nagkomento ng salitang, “The Best ❤ ❤ <3”, Ku kyut [red heart emoji]”, “Mga gwapito, intsik boys”, “sibling love”, “adorable kids” at marami pa ngang iba.

Photo credits: Jake Castillo | IG

Si Kaye Abad o sa tunay na buhay ay mas kilala bilang si Katherine Grace Abad-Castillo ay isang Filipo-American actress at miyembro ng ABS-CBN Star Magic na nagsimula ng kanyang showbiz career noong taong 1993, samantala ang mister naman niyang si Paul Jake ay unang nakilala ng publiko bilang runner-up ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Double Up.


Source: Ptama

Sunday, May 8, 2022

Celebrity Couple na Sina Isabel Oli at John Prats Nagbigay Pasilip sa Kanilang Magiging Dream Family Home na Malapit ng Matapos

Tunay namang lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sarili nating tahanan, lalo na marahil ang mga mag-asawa, dahil tanging nais nga nila ay ang mabigyan ang kanilang mga anak ng isang maayos at kumportableng tahanan. Karamihan nga sa mag-asawa ay magkatuwang na kumakayod para matupad ang pangarap nilang tahanan para sa kanilang binuong pamilya, halimbawa na nga lamang nito ay ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats.

Nito nga lamang nakaraan ay masayang ipinasilip ng mag-asawang Isabel at John sa publiko ang kanilang dream family home na halos nasa 7-buwan na rin magmula ng pasimulan nila itong ipagawa.

Makikita sa short video clips na ibinahagi ni Isabel sa knyang Instagram account na ilang buwan na nga lamang ang bibilangin ay talaga namang malapit na ring matapos ang kanilang dream family home. Sa naturang maikling video rin nga na ito na ipinasilip ni Isabel ay masisilayan na sa magiging bagong tahanan na nilang ito ng kanyang pamilya ay mayroon nga swimming pool na halos nasa harapang bahagi lamang.

Kapansin-pansin rin ang kalakihan ng dream family home na ito ng mag-asawa at panigurado na magiging kumportable dito ang kanilang mga anak kapag sila nga ay dito na nanirahan.

“Building new adventures and memories soon!!!”, ani Isabel sa kanyang caption.

Tunay namang bakas ang excitement sa mukha ni Isabel habang ipinapaisilip niya ang kanilang magiging bagong bahay na on-going pa nga ang konstraksyon, dito kasi ay magsisimula muli silang mag-anak na bumuo ng mga bago at masasayang ala-ala.

Matatandaan na taong 2019 ng ibahagi ng mag-asawang Isabel at John sa publiko na sila ay magpapatayo na ng kanilang bagong tahanan para sa lumalaki nilang pamilya. Ipinakita nga ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog kung saan ay nagbigay sulyap sila sa lupang nabili nila na siya ngang pagtatayuan nila ng kanilang dream house.

Ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats ay ikinasal noong taong 2015, sa katunayan ngayong nalalapit na ika-16 ng buwan ng Mayo ay ipagdiriwang na nila ang kanilang ika-7 taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Hindi naman maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa kaya naman talagang ang kanilang pagsasama ay mas lalong tumitibay pa habang tumatagal. Mas naging makulay at masaya rin ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang tatlong mga anak, ito nga ay sina Lily Feather na 6-taong gulang na noong buwan ng Abril, Daniel Freedom na 3-taong gulang at ang bunsong anak nil anna si Lilia Forest na edad isang taong gulang.


Source: Ptama

Tuesday, May 3, 2022

Silipin ang Kaunaunahang Magazine Cover nina Matteo at Sarah Guidicelli Bilang Mag-asawa

Makalipas nga ang dalawang taon mula noong kontrobersyal na kasalan ng singer na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli, ngayon ay naging cover na ang mag-asawa ng isang magazine.

Noong mga nakaraang taon din ay naging tahimik at pribado ang buhay ng dalawa ngunit ngayon ay unti-unti na ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga trabaho. Isa na nga rito ay ang kanilang naging photoshoot para sa cover ng kilalang magazine sa bansa na, Tatler Philippines. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon kung saan magkasamang magiging cover ng magazine ang dalawa.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ng kilalang stylist na si Liz Uy, ipinakita niya ang ilang litrato mula sa photoshoot. Si Liz ang nagsilbing stylist ng mag-asawa para sa photoshoot na ito. Makikita naman sa kaniyang mga litrato ang naging proseso rito.

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Mapapansin ang iba’t ibang naggagandahang outdoor venue para sa nature-themed shoot. Agaw-pansin din ang napakagandang kasuotan ng dalawa. Bagamat ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawa sa isang photoshoot, hindi pa rin maipagkakaila ang kasiyahan, pagiging komportable, at higit sa lahat, ang pagiging propesyonal ng dalawa.

Photo credits: Liz Uy | matteog

Para naman sa resulta ng photoshoot na gagamitin para sa magazine cover, ibinahagi ng photographer na si Mark Nicdao sa Instagram ang ilang litrato. Makikita dito ang kanilang solo pictures gayundin ang mga litrato kung saan magkasama ang dalawa suot-suot ang kanilang eleganteng outfits. Kahanga-hanga rin ang ilang litrato kung saan nakasakay sa kabayo ang dalawa.

Hindi naman nakalimutan ni Matteo na pasalamatan ang mga tao sa likod ng photoshoot na ito. Ayon sa kaniyang Instagram post, “To this team that made the TATLER Cover come to life, thank you. Actually took us 2 years to finally shoot this beautiful cover with TATLER. Let’s keep loving and protecting our beautiful land!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Nicdao (@markednicdao)

 

Hindi naman maiwasan ng mga netizens at fans ng dalawa na humanga sa naging resulta ng kanilang photoshoot. Binati sila ng ilang netizens sa napakagandang cover at iba pang litrato sa magazine na ito. Ayon naman sa isang netizen,

“You and Sarah look super good looking in your photos! Love them so much!”

Sang-ayon din ang ilang sikat na personalidad sa ganda ng naging resulta ng photoshoot.


Source: Ptama

Thursday, April 28, 2022

Camille Prats, Ibinahagi sa Vlog ang Nalalapit na Nilang Paglipat ng Kanyang Pamilya sa Bago Nilang Bahay

Masayang ibinahagi ng Mars Pa More host na si Camille Prats sa kanyang mga tagasubaybay ang isang magandang balita, at ito nga ay nalalapit na nilang paglipat ng kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay.

Photo credits: Camille Prats |YT

Batid natin na ng magkaroon ng pandemya sa ating bansa ay marami nga ang naapektuhan nito, hindi lamang ang trabaho ng ilan nating mga kababayan kundi maging ang mga ginagawang imprastaktura ay natigil din.

Ngunit sa kabila nga nito, ay nagawa pa rin ni Camille at ng kanyang mister na si VJ Yambao na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng kanilang ipinapatayong dream house.

Photo credits: Camille Prats |YT

Dahil nga sa dami ng ipinagbabawal o mga restriction nung unang buwan ng taong 2019 ay hindi nga naging madali para kana Camille ang pagpapatrabaho ng ipinapatayo nilang bahay ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin nila ito na maipagpatuloy kahit nga mabagal ang pag-usad nito.

Photo credits: Camille Prats |YT

Matatandaan na buwan ng Abril noong nakaraang taon ng magbahagi si Camille sa kanyang Instagram account ng progress ng ipinapatayo nilang bahay, kung saan ay kanya ngang ibinahagi na malapit na itong matapos.

Samantala, nito lamang namang nakaraan na buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, ay masaya namang ibinalita ng Mars Pa More host na halos nasa 100% na ngang tapos ang kanilang dream house at soon ay makakalipat na silang magpamilya.

Photo credits: Camille Prats |YT

“It’s already mid-March at kami ay lipat na lipat na. The house is finally almost done after almost 2 years of building it”, ang naging pagbabalita ni Camille.

Sa bagong house update din na ito na ibinahagi ni Camille ay kanyang ipinasilip ang loob ng kanilang bagong lilipatan na bahay. Makikita nga na ang mga ceiling nito ay tapos na at naka-install na rin ang mga ilaw. Ipinakita rin niya na halos ang buong bahay nila na ito ay glass walls, ito ay dahil sa gusto umano nilang mag-asawa na ma-enjoy ang magandang view sa labas mula nga sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Camille Prats |YT

Ipinasilip din ni Camille ang iba pang bahagi ng bagong tahanan nga nila na ito na lilipatan na nila soon, kagaya na lamang ng patio, kitchen, dining area, living area at maging ang kanilang master’s bedroom at masters’ bathroom.

Photo credits: Camille Prats |YT

Bagama’t marami pa ngang kulang na kagamitan, lalo na ang mga furnitures sa tahanan nga nila na ito ay hindi naman maitago ni Camille ang kanyang kasiyahan at excitement na ‘soon’ nga ay makakalipat na sila ng kanyang pamilya sa dream house nila na ito at dito nga ay panibagong mga alaala na naman ang kanilang bubuuin.


Source: Ptama