Usap-usapan ngayon sa Laguna ang pagpigil ni Santa Rosa Congressman Dan Fernandez sa media na ibalita ang pagkamatay ng isang matandang babae sa vote buying nito sa Brgy. Lumot, Cavinti, Laguna kahapon, February 24.
Ayon sa mga ulat, namatay ang senior citizen dahil sa init at siksikan sa loob ng venue ng vote buying.
Galit naman ngayon ang mga residente at kaanak ng biktima dahil imbis na akuin umano ang pananagutan, ang una pang inatupag ng kongresista ay tiyakin na hindi maibabalita ang insidente dahil makaaapekto umano ito sa kanyang kandidatura.
SPONSORED BY:
Ito na ang pangalawang beses na binatikos si Dan Fernandez dahil sa panggigipit sa media at pagsupil sa malayang pamamahayag. Matatandaang kamakailan ay nagsimula ang imbestigasyon ng Tri Comm ng kongreso na pinamumunuan ni Fernandez, laban sa social media personalities at vloggers na bumabatikos sa kanya.
Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay tikom pa rin ang bibig ng kongresista hinggil sa pangyayari.
Ang pahayag na ito ay Mula sa pahina ni
@LagunaNewsUpdateToday
Source: Banat News
0 comments: