Monday, May 8, 2023

Bella Padilla, Nakatangap ng Hindi niya Makakalimutan na Birthday Surprise Mula sa kanyang Nobyo na si Norman Ben Bay

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika 32 kaarawan si Bela Padilla kung saan, sa isang video na kanyang ibinahagi ay makikitang sinurpresa siya ng kanyang boyfriend na si Norman Ben Bay.

Sa Instagram post ni Bela ay makikita na tuwang tuwa siya sa surpresang epic scavenger hunt na nagtapos sa isang lugar kung saan nag-aantay na ang kanyang pamilya.

Nagulat si Bela na pagpasok niya sa isang room ay andoon ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan at kapamilya.

Ani Bela, “This guy surprised me with the best day ever!”

Sa ibinahaging video ni bela, mapapanood na nagsimula ito ng sunduin niya ang kanyang mga kaibigan sa hearthrow, at nasundan na nga ng mga jigsaw puzzle, isang sulat galing kay norman na naglalaman ng mga clues.

Talagang naging exciting ang naging scavenger hunt ni bela na hindi niya aakalain na magtatapos sa isang hindi makakalimutan na supresa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Kwento ni bela na,

“We randomly saw my neighbor Anthony who helped us find the sphere (he was in on it!). [After that], we all decided to take a coffee break in my favourite Italian deli: Rosso!”

“And then we finally went to the last stop where I was surprised by my family and friends in London. We had the best Filipino dinner at Romulo’s on High St. Ken!”

Para kay Bela isang kakaibang experience ang ibinigay sakanyang ito ng kanyang boyfriend.

“Thank you @nocir for bringing my family and friends all together in my favourite restaurant here in London: @romulocafelondon. I can’t believe everyone was in on it and the scavenger hunt was just brilliant! Thank you guys!” – ani bela.

Matatandaan na February 2020 ng magsimulang mag date si Bela at ang kanyang nobyo at nakilala niya ito noon sa Switzerland kung saan ongoing noon ang kanyang shooting sa pelikula niyang Meet Me In St. Gallen noong 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Kwento ni bela na,

“He was studying at the University in St. Gallen. The University in St. Gallen focuses mostly on business-related courses. He was doing a course there,” Bela said. “I met him on the last day of my filming. Super sakto kasi I was leaving for Zurich the next day. I was leaving town the next day, I wanted to do a road trip by myself, soul searching kasi nga I was going through something. Tapos we met on the last day,”

Matapos na officialy tumira si Bela sa London noong 2021, mas maraming ibinigay na oras si Bela sa kanyang boyfriend at ibinahagi din ng aktres na isa sa mga rason kung bakit lumipat siya sa london ay ang mas makasama pa ng madalas ang kanyang nobyo.

 


Source: Ptama

0 comments: