Monday, March 13, 2023

Lucy Torres Gomez, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Hindi pa nila Sinusundan ng kanyang Asawang si Richard Gomez ang Kanilang Unica Hija na si Juliana

Isa nga sa hinahangaang kwento ng pag-iibigan at masayang pagsasama, ay ang celebrity couple na sina Lucy Torres Gomez at Richard Gomez.

Ang kanilang nakakakilig na love story ay nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-asawa o kaya naman ay mga magkasintahan. Ngayon nga, ay talagang pinagtibay na ang pagsasama nina Lucy at Richard.

Ikinasal sina Lucy at Richard noong April 28, 1998 sa Sts. Peter & Paul Parish Church. At loob ng 23 taong pagsasama bilang mag-asawa, ay hindi nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa na animo’y bagong kasal dahil sa kasweetan sa isa’t isa.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

Ang kanilang punong-puno ng pagmamahal na pagsasama ay kinompleto at pinasaya naman ng kanilang nag-iisang anak na si Juliana. Si Juliana ay isinilang ni Lucy noong September 8, 2000 dalawang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. At ngayon nga ay 20 taong gulang na si Juliana na sadyang napakaganda at dalagang dalaga na.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

Ngunit, bakit kaya sa loob ng 20 taon, ay hindi na nasundan pa at binigyan ng kapatid nina Lucy at Richard ang kanilang unica hija na si Juliana.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

Kung iisipin ay malungkot kapag iisang anak lamang at walang kapatid na makakalaro sa loob ng tahanan. Ngunit, mas pinili ng mag-asawa na hindi bigyan ng kapatid si Juliana.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

At matatandaan nga na noong taong 2018, ay minsan nang ibinahagi ni Lucy ang rason sa likod ng pagiging only child ni Juliana. At tila naman ayaw talaga ni Juliana na may kaagaw siya sa atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Lucy, ay sinabi nito na kinakausap raw niya si Juliana na ipanalangin na biyayaan sila ng magiging kapatid nito, ngunit mas gusto pa raw nitong magkaroon ng alagang aso.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

“When she was little, and we’d say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her. She would listen intently, wide-eyed, nodding as if in agreement, then she would break into smile and say gently but firmly ‘Mama, dog nalang.”

Dahil nga dito, ay pinagbigyan ng mag-asawa na si Juliana lamang ang magbibigay sa kanila ng kaligayahan. Samantala kahit hindi naranasan ni Juliana ang magkaroon ng kapatid, ay hindi naman nagkukulang ang mag-asawang Lucy at Richard na iparamdam ang kanilang pagmamahal sa kanilang unica hija.

Photo credits: Lucy Torres-Gomez | IG

Ibinahagi naman ni Lucy na sumubok naman sila ni Richard ng paraan para makabuo ng magiging kapatid ni Juliana. Sa kabilang banda, ay naniniwala si Lucy na darating rin ang tamang panahon para pagkalooban sila ng isa pang anak.

“”We’re really trying but it hasn’t happened yet. “I’m at that point already when I feel that everything reall yis in God’s direction. Everything will happen in God’s plan and in God’s time.”


Source: Ptama

0 comments: