Friday, February 24, 2023

‘Silent but Super Rich’ Alamin kung Gaano nga ba Kayaman ang Isang Vic Sotto

Ilan sa mga beteranong aktor sa showbiz ay kasalukuyang ipinagpapatuloy pa rin ang kanilang propesyon. Ang ilan sa kanila ay napakarami pa rin ang proyekto hanggang ngayon. Maging ang kanilang mga taga-suporta ay umaapaw pa rin. Dahil dito, masasabing malakas at buhay na buhay pa rin ang kanilang karera sa industriya ng showbiz. Ang ibig sabihin din nito ay patuloy din ang buhos ng kita para sa mga aktor at aktres na ito.

Photo credits: google.com

Isa na rito si Marvic Castelo Sotto o mas kilala bilang Vic Sotto. Ilan din sa malalapit niyang katrabaho ay tinatawag siyang ‘Bossing’. Simula 1979, nagkaroon ng napakaraming pelikula si Vic. Ilan sa mga ito ang Mang Kepweng, Lastikman at ang Enteng Kabisote series. Isa rin siya sa mga host ng variety show na Eat Bulaga kasama sina Joey de Leon, Tito Sotto, at ang kaniyang asawa na si Pauleen Luna.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Naglabas at nagsulat din si Vic ng ilang kanta gaya ng Awitin Mo Isasayaw Ko, Rock Baby Rock, Ipagpatawad Mo, at marami pang iba. Dahil sa napakarami niyang pelikula at proyekto sa loob ng maraming taon, naitayo na niya ngayon ang M-Zet Productions na nasa industriya ng film at television production at nakapaglabas ng ilang pelikula ng komedyante.

Bukod sa tagumpay ng kaniyang mga proyekto, nagkaroon din ng ilang awards si Vic, dahilan upang magkaroon pa siya ng maraming proyekto. Ilan sa mga awards na ito ay ang Favorite Male TV Host of the Year (2013), Comedy Box Office King (2010), All Time Box-Office King Special Award (2008), at iba pa.

Photo credits: google.com

Dahil sa matagumpay na karera ni Vic sa mundo ng showbiz at sa kaniyang malaking business, mayroon siyang net worth na $10 million. Dahil sa laki ng kaniyang yaman, hindi nakakagulat na mayroon siyang iba’t ibang properties sa bansa gaya ng kaniyang two-storey na bahay sa Laguna. Mayroon din siyang mga mamahaling sasakyan. Kabilang sa kaniyang koleksiyon ay ang kaniyang Ferrari. Mayroon din siyang Mustang at Jaguar.

Photo credits: google.com

Sa edad na 67 taong gulang, nakikitang malayo pa bago huminto si Vic sa kaniyang kinagisnang propesyon.

Photo credits: google.com

Sa patuloy niyang pagtatrabaho, hihigit pa sa kasalukuyan niyang net worth ang kaniyang yaman.


Source: Ptama

0 comments: