Friday, February 10, 2023

Kilalanin ang Anak ng Beteranong Aktor na si Wendel Ramos na Ngayon ay Isa ng Ganap na Napakagandang Dalaga

Ang Prima Donnas actor na si Wendell Ramos ay unang nakilala bilang isang modelo bago sumabak sa pag-aartista sa showbiz. Hindi nga naman maipagkakaila ang taglay na kagwapuhan ni Wendell, kaya naman marami ang humanga at umibig sa kanya.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

At ilan nga sa mga babaeng nakarelasyon niya ay nagkaroon siya dalawang anak na lalaki. Ito nga sina Wendell Saviour at Dedell Saviour na talagang namana ang taglay na kagwapuhan ng kanilang ama.

Ngunit, maliban sa dalawa niyang anak na lalaki ay may isa pa siyang anak na babae na talaga namang mala-artista sa ganda. Ito nga si Tanya Nicole na anak naman siya sa kanyang asawang si Kukai Ramos. Si Tanya nga ang pangatlo sa mga anak ni Wendell at nag-iisang babae sa kanyang mga anak.

Si Tanya Nicole ay ipinanganak noong December 2006 at ngayon nga ay 13 taong gulang na ito. Hindi naman maikakaila na malapit si Tanya sa kanyang mga kuya. Sa katunayang nga nito, sa edad ni Tanya na 13 ay baby pa rin ang turing ng kanyang kuya Wendell Saviour sa kanya. At si Tanya lang raw ang natatanging “forever baby” nito.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Madalas namang magbonding ang mag-amang Wendell at Tanya, kadalasan ngang magkasama ang mag-ama sa pagwowork out. Mahal na mahal nga ni Wendell ang kanyang nag-iisang anak na babae at ayon sa aktor ay si Tanya ang kanyang “Love of my life”.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Dahil nga palaging kasama ni Wendell ang anak kahit sa taping ng Prima Donnas, naging malapit na kaibigan na rin ni Tanya ang co-star ng kanyang ama na si Althea Ablan. Samantala, isa rin sa nakahiligan ni Tanya ay pagpabe-beach na talaga namang naeenjoy nito.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Maganda rin ang samahan ng kanilang pamilya na kung saan ay madalas namasyal at magtravel sa ibang bansa. At bago pa man ipatupad ang quarantine ay nakabisita at nakapagbonding pa ang pamilya ni Tanya sa Sydney Opera House. Maging ang iba pang naggagandang lugar sa Australia ay napuntahan rin ng kanyang pamilya.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Talaga namang super close ang kanilang pamilya sa isa’t isa at madalas mag-bonding. Pagbubunyag pa nga ni Wendell ay may pagkakataong nga raw na magkakatabi silang natulog sa isang kama.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Isa rin sa bonding moments ng kanilang pamilya ay ang panonood ng paborito nilang larong basketball. At noong November 24 nga, ay masaya silang nanood ng PBA Games sa Araneta Coliseum kung saan naglaban ang Barangay Ginebra at San Miguel Beermen.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

Samantala, masayang-masaya si Wendell dahil nabiyayaan siya ng mga mapagmahal na anak.

Photo credits: Wendell Ramos/Instagram

At noong Father’s nga ay labis ang kanyang pasasalamat matapos siyang surpresahin ng kanyang mga anak na sina Tanya at Wendell Saviour.

“I am blessed to have my kids who are loving and God fearing. I will protect, love and guide you for the rest of my life.”v


Source: Ptama

0 comments: