Thursday, June 30, 2022

“Noy, help me please these 2 only have me” Kris Aquino Nagsulat ng Open Letter para sakanyang Kuya Noy

Sa isang instagram post, nagsulat ng isang open letter si Kris Aquino para sa kanyang kuya Noy. Huminge ito ng tawad dahil nadelay ang pagbati niya sa dumaang kaarawan ng kanyang kuya.

Nag explain din ito dahil ang dalawang anak niya na si Joshua at bimby ay nagpositibo sa isinagawang swabtest. Sumailalim din umano ang aktres sa corticosteroid na nagdulot sakanya ng hindi maipaliwanag na sakit sa katawan kung saan mas masakit pa umano sakanyang naging bone marrow aspiration.

Isang mahabang video ang ibinahagi ni Kris Aquino sakanyang instagram account, at mapapanood dito ang ilan sa mga naging kaganapan habang siya ay sumasailalim sa ibat-ibang medical test at procedure. Makikita din sa video kung saan kasama ni Kris ang dalawang anak nito na si Joshua at si Bimby.

Photo credits: Kris Aquino | IG

Sa open letter na ito ni Kris, ibinahagi niya na mataas ang kanyang pain tolerance ngunit may mga sandali talaga na parang hindi niya na kaya ang sobrang sakit na nararamdaman.

Sa kanyang pagsusulat na ito para sa kanyang kuya noy, hindi pa din maialis ni Kris ang kanyang pag-aalala sakanyang dalawang anak, kaya humihinge ito ng tulong sakanyang kuya noy na kung maari ay tulongan siya nito na malagpasan ang pagsubok at talunin ang kanyang sakit para sa kanyang dalawang anak na tanging siya nalang ang mayroon ang dalawa niyang anak.

“…Then I said seriously, Noy, help me please – these 2 only have me… please help me survive this, PLEASE?”

Photo credits: Kris Aquino | IG

Sa isang bahagi din ng letter ni kris para sakanyang kuya noy, sinabi nito na gusto din niyang maging pribado katulad ng kanyang kuya noy na hindi aktibo sa social media, ngunit kailangan niyang magbigay ng update at mamaalam sa ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan  na nag reached out sakanya, nagdasal para sakanya na kahit magkaiba ng pananaw sa ibang bagay katulad nalang ng politika ay patuloy parin siyang ipinagdarasal.

“…I want the privacy you had but unlike you who was never active on social media, I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me & my sons and regardless of their political affiliation they have prayed for me to get better…” 

Photo credits: Kris Aquino | IG

Patuloy ang pagpapaabot ng mga malalapit na kaibigan ni Kris, mga fans at kahit hindi fans ng kanilang panalangin para sa mabilis na pagaling ng aktres. Walang tigil naman ang pasasalamat ni Kris sa mga taong anjan padin para sakanya at patuloy siyang isinasama sa kanilang panalangin.

Photo credits: Kris Aquino | IG

Nagpromise din ang aktres na kapag may good news ay agad itong magpopost at ipapaalam sa mga taong walang tigil ang pagsuporta sakanya.

“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…”


Source: Ptama

0 comments:

Wednesday, June 29, 2022

“Grades are not everything”: Dating Miss Universe Third Runner-Up Shamcey Supsup, Mayroong Kakaibang Pananaw Pagdating sa Grado at Edukasyon

Ngayong panahon ng pagtatapos ng mga estudyante, normal nang ibahagi ng mga magtatapos na ito ang kanilang mga awards, grado, at iba pang tagumpay na kanilang nakuha mula sa ilang taong pagsusumikap sa pag-aaral.

Kaugnay nito, kakaiba naman ang pananaw ng 2011 Miss Universe Third Runner-Up na si Shamcey Supsup. Sa isang Instagram post, ipinakita ng dating beauty queen ang kaniyang Transcript of Records o TOR. Makikita rito ang lahat ng gradong kaniyang nakuha noong nag-aaral pa siya ng Architecture sa UP Diliman.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Talaga nga namang nakakabilib si Shamcey dahil bukod sa kaniyang kagandahan, napakatalino rin niya. Ito ay dahil makikita na matataas ang nakuhang grado ng beauty queen. Dahil dito, pinarangalan siya bilang Magna Cum Laude noong nagtapos siya sa kolehiyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shamcey Supsup (@supsupshamcey)

Dagdag pa rito, si Shamcey rin ang nanguna sa ginanap na licensure examination para sa mga nais maging isang ganap na architect noong taong 2010. Matapos nito, nadagdagan pa ang mga tagumpay ni Shamcey nang maging third runner-up siya sa ginanap na 2011 Miss Universe pageant.

Ngayon naman, bukod sa pagiging isang lisensyadong architect, nagsisilbi rin siya bilang national director ng Miss Universe Philippines organization. Ipinagmamalaki rin niyang ibinahagi ang kaniyang pagtuturo sa panganay na anak na sa murang edad pa lamang ay marunong nang magbasa.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Dahil sa dami ng tagumpay na naabot ni Shamcey, maaaring masabi na dahil ito sa kaniyang nakuhang mga grado at awards noon ngunit iba ang pananaw ng dating beauty queen.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Katulad ng ilang estudyante, “grade conscious” raw siya noon pa man kaya naman hindi malaking isyu sa kaniya kung mayroon siyang natututunan. Ang importante raw ay makuha niya ang inaasam na grado ngunit iba na ang paniniwala niya ngayon. Mas importante raw pala kung paano gagamitin ng isang tao ang kaniyang kaalaman at talino.

Ayon sa kaniya,

“Grades are not everything. Grades should be a byproduct of learning. And what you do with that knowledge is MUCH more important than what is on your report card.”

Dahil sa kahanga-hangang pananaw na ito ni Shamcey, umani ng napakaraming likes ang nasabing Instagram post. Syempre, marami ang namangha sa kaniyang mga grado.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Bagamat may iilang nagbiro tungkol sa kani-kanilang mga grado, may iilan din na sumang-ayon sa sinabi ni Shamcey at nagbahagi ng kanilang sariling karanasan at pagsisikap noong kolehiyo upang maabot ang kanilang inaasam na grado.


Source: Ptama

0 comments:

Tuesday, June 28, 2022

Dimples Romana, Ipinasilip ang Ilang Litrato ng Kaniyang Bagong Silang na Anak na si Baby Elio

Noong nakaraang mga buwan lamang ay masayang inanunsyo ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang ikatlong anak. Sa isa namang baby shower na inihanda ng kaniyang mga kaibigan, ibinahagi niya ang napiling pangalan para sa kaniyang anak gayundin ang napakagandang kwento sa likod nito.

At noong nakaraang Hunyo 24 naman ay masayang ibinalita ng aktres ang kaniyang matagumpay at ligtas na panganganak sa kanilang bunsong anak na si Baby Elio. Napuno naman ng napakaraming pagbati ang Instagram post na ito mula sa kaniyang mga taga-suporta at malalapit na kaibigan at katrabaho sa showbiz.

Matapos ang masayang balita na ito, nagbahagi rin ang aktres ng ilan pang litrato ng pag-uwi ni Baby Elio sa kaniyang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Isa nga sa pinakahuling Instagram post ng 37 anyos na aktres ang isang napaka-sweet na bonding moment ng kaniyang dalawang anak na lalaki. Makikita sa larawang ito na yakap-yakap ng pangalawang anak ni Dimples si Baby Elio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Mapapansin na hindi nakasama ni Dimples ang kaniyang panganay na anak dahil kasalukuyan itong nag-aaral sa ibang bansa. Sa kabila nito, makikita pa rin ang suporta at pagmamahal ng ngayo’y “kuya” ni Baby Elio.

Bukod sa larawang ito, nagbahagi rin ng maikling video ang aktres upang ipakita ang ilang sandali bago ang kaniyang panganganak gayundin ang ilang litrato ng kanilang bagong silang na sanggol. Makikita rin sa maikling video na ito ang litrato ni Baby Elio kasama ang kaniyang kuya at tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Ayon pa kay Dimples, totoong marami ang nangyari sa kanilang buhay nitong mga nakaraang araw ngunit dahil sa kaniyang panganganak, nais niyang makapag-isip nang mabuti upang lubos na mapasalamatan ang lahat ng taong tumulong, nagdasal, at umalalay sa kanilang pamilya.

Kaugnay din ng parehong post, may ilan pang karagdagang pagbati mula sa mga kaibigan at kapamilya ni Dimples. Bukod dito, napansin din ng marami ang pagiging cute ng bunsong anak ng aktres. Wala ring duda na talagang nakuha ni Baby Elio ang kaniyang dimple mula sa kaniyang mommy.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Photo credits: Dimples Romana | IG

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sa ngayon, patuloy pa rin ang buhos ng pagbati mula sa mga netizens para kay Dimples at sa kaniyang pamilya para sa panibagong biyaya at kasiyahan ng kanilang buong mag-anak.


Source: Ptama

0 comments:

Silipin ang Bonggang Maternity Shoot ng Aktres at Komedyanteng si Kitkat Favia

Buwan ng Pebrero ng iannounce ng komedyanteng si Kitkat Favia ang kanyang pagbubuntis sakanyang unang anak. Excited na ibinahagi ng aktres na soon tobe mommy na siya.

Ngayong 8 buwan na ang kanyang ipinagbubuntis ay masayang ibinahagi nito sa kanyang social media account ang kanyang dream maternity shoot kung saan nag ala diyosa ang aktres.

Sa ibinahaging mga larawan ni Kitkat ay may kalakip na caption na,

“I am extremely grateful for all of your blessings in my life, Lord.
My baby girl in my tummy reminds me of just how blessed I am and that you never allow me to forget to show my gratitude in prayer and returned acts of kindness. Thank you, Lord.”

Matatandaan ng taong 2014 ng magpakasal si Kitkat sa kanyang non-showbiz husband na si Walby Fabian, ibinahagi din nito sa isang post kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawa, dahil sobrang maalaga ito at mapagmahal.

Sa isang mahabang post ibinahagi ni Kitkat na,

“Appreciation Post to a very responsible, loving, caring, hands on hubby and soon to be daddy to Baby Girl Uno Asher… thank u for always telling me and making me feel that i complete u, and now na parating na si Baby Uno Asher sabi mo kumpletong kumpleto kana… na palagi kang happy at di makapaniwala na preggy wife mo na ako, hehe at naaamaze ka pa din sa mga nakikita mong nangyayari sa isang buntis…. (Well sa mga nakakaalam may isang anak na si sweetie na mag 20 yrs old pero never nyang naranasan na makakita at makasama ang asawang buntis) … thank u asawa ko sa pagdamay sa lahat ng nararamdaman ko, mapasaya, mapa cravings, mapa sungit, mapa tampo, mapa sensitive at lahat lahat pa.. (pero aminin mo napakabait kong buntis, ngayon lang talaga pag may nagtrigger di na mapigilan ang sungit! Haha) … we love you so very much daddy @favwalby mwah!”

 

Samantala papangalanan naman ni Kitkat at ng kanyang asawa ang kanilang parating na anak na babae na si baby Uno Asher, at eneexpect na ang due date ng delivery ni Kitkat sa kanyang unang anak ay ngayong parating na July.

Sa isa pang post na ibinahagi ni kitkat makikita kung gaano ka blooming ang soon tobe mom sa kanyang suot na sinamahan pa ng napakagandang background. Naglagay din siya ng isang caption na nagsasabing,

“Life’s biggest miracle is the gift of having life growing inside of you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana May (@dianamayrq)

Makikita din sa isa pa niyang post ang isang lyrics na kanyang hiniram galing sa isang sikat na baby dedication song,

“For this child I have prayed

And You heard my cry

For this baby I had faith

And You gave new life

In this moment now I pray

And I vow to You this day

I dedicate this baby back to You

I dedicate myself to train and love them like You do

I will do my part

I will put Your Word into their heart

I dedicate this baby back to You.”


Source: Ptama

0 comments:

Monday, June 27, 2022

Celebrity Couple na Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Ipinasilip ang Naging Masayang Bakasyon sa Isang Vineyard sa Batangas

Totoong hindi lamang mga beach resorts ang maaaring puntahan ng mga turista dito sa bansa. Napakarami pang ibang pasyalan ang maaaring bisitahin ng mga pamilya at magkakaibigan. Gaya na lamang ito ng isang vineyard na binisita ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kasama ang kanilang mga kaibigan.

Ayon kay Luis, importante para sa kanilang dalawa ni Jessy ang pagpapahinga matapos ang ilang araw o buwan na pagtatrabaho kaya naman nagdesisyon silang magkaroon ng ganitong klaseng bakasyon kasama ang kanilang malalapit na kaibigan.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

At dahil isa itong espesyal na bakasyon para sa kanilang mag-asawa, hindi lamang isang simpleng vineyard ang kanilang binisita.

Bukod sa exclusive na villa na mayroong pool, makikita din dito ang isang picnic area at restaurant. Hindi rin mawawala ang vineyard kaya naman talagang napakaraming activities ang maaaring gawin dito.

Mula rito ay matatanaw din ang napakagandang view ng dagat kaya naman binabalik-balikan din ito ng mga kilalang personalidad. Ayon nga kay Jessy, bumisita na rito ang sikat na vlogger na si Zeinab gayundin ang aktres na si Ivana Alawi.

Nagkaroon ng maikling tour ang mag-asawa sa napakalawak na vineyard dito kung saan makikita ang ilang tauhan na namimitas ng mga ubas. Ipinasilip din ni Luis ang restaurant kung saan makikita ang napaka-eleganteng disenyo at mga dekorasyon.

Photo credits: Luis Manzano | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Syempre, talagang natuwa rin ang mag-asawa sa pagkaing inihain sa kanila. Dagdag pa sa napakagandang lugar at masasarap na pagkain, mapapansin din ang magandang serbisyo mula sa mga tauhan dito kaya naman masasabi na talagang nakapagrelax at pansamantalang nakapagpahinga ang host.

Dahil dito, hindi nakapagtataka nang sabihin ng host na talagang babalik sila rito. Bukod din sa tour ng vineyard, restaurant, at ng iba pang bahagi ng lugar, hindi rin mawawala ang mga kalokohan at tawanan sa vlog na ito.

Dahil sa nakakatuwang vlog na ito ni Luis, libo-libong fans at subscribers na ang nakapanuod ng vlog na ito. Marami din ang nagpahayag sa kani-kanilang mga komento kung gaano sila napapasaya at napapatawa ng host. Natuwa rin sila sa naipakitang vlog na ito matapos ang mahabang panahon mula noong huling nakapag-vlog ang host. Ayon nga sa isang netizen, nawala rin ang kaniyang stress dahil sa nakakatuwang vlog na ito.


Source: Ptama

0 comments:

Joaquin Domagoso, Isa na Ngayong Ganap na Tatay sa Kanyang 2 Month Old Baby Boy na Anak niya sa Kapatid ni Kapuso Star Claire Castro

Sunod-sunod ang masasayang balita ng mga aktor at aktres na nagsisimula ng pamilya at nagkakaroon ng kanilang sariling anak. Karamihan sa mga ito ay masayang ibinabahagi sa kanilang mga taga-suporta ang bagong yugto ng kanilang buhay. Mapalad din naman ang mga sikat na personalidad na ito sa suportang natatanggap nila mula sa kanilang mga fans.

Kaugnay nito, usap-usapan ngayon ang naging pagbubuntis at panganganak ng nobya ni Joaquin Domagoso. Sa naging pahayag ng kolumnista na si Cristy Fermin ibinahagi niya na confirmed na nga daw at talagang isang ama na si Joaquin.

Matatandaan na si Joaquin ay anak ng dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Gaya ng kaniyang ama, pumasok rin sa industriya ng showbiz si Joaquin bilang isang aktor at modelo.

Noong nakaraang Enero, kasagsagan ng pangangampanya ni Isko para sa pagkapangulo, naging laman ng isang blind item si Joaquin. Ayon sa blind item na ito, isang aktor umano ang nakabuntis sa kaniyang girlfriend na nalamang kapatid ng isang aktres.

Ayon pa rito, Abril ang itinakdang panganganak ng girlfriend ng aktor. Bagamat hindi ito kinumpirma ni Joaquin, hindi rin niya ito itinanggi. Sa kabila nito, ibinigay pa rin ni Joaquin ang kaniyang suporta lalo na sa mga pagkakataong nakikita ng mga tao ang kaniyang pagdalaw sa ospital.

Sa paglipas nga ng ilang buwan mula nang mailabas ang blind item na ito, nakumpirma na si Joaquin nga ang aktor na tinutukoy rito samantalang ang kaniyang nobya ay pinangalanang si Raffa Castro na kapatid ng aktres na si Claire Castro.

Dagdag pa sa report na ito, ipinanganak ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott Angelo Domagoso sa FEU Medical Center noong buwan ng Abril. Makahulugan ang pangalang ibinigay sa panganay na anak ni Joaquin dahil mula ito sa palayaw ni Isko Moreno noong kaniyang kabataan. Dahil dito, siguradong ang batang ito ang pagkukunan ng kaligayahan ng kanilang pamilya.

Mukhang mabuti rin naman ang relasyon ng dalawang pamilya. Kamakailan nga ay ibinahagi ng ama ni Raffa na si Diego Castro ang isang larawan mula sa bakasyon ng kanilang pamilya. Makikita dito na magkasama ang kanilang anak at si Joaquin.

Para naman sa fans ni Joaquin, wala pa ring magbabago sa magandang karera ng kanilang iniidolong aktor at handa silang suportahan ito lalo na sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay bilang isang ama.

 


Source: Ptama

0 comments:

Rumored Celebrity Couple na sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos, Nakitang Sweet na Sweet sa Birthday Celebration ng Aktor

Ilang taon din ang lumipas nang maging mas pribado ang buhay ni John Lloyd Cruz kasama ang kaniyang anak na si Elias at ang kaniyang dating nobya na si Ellen Adarna ngunit sa ngayon ay nagbalik na ang kilalang aktor sa mundo ng showbiz. At dahil isa nga si John Lloyd sa pinakamagagaling na aktor ng kaniyang henerasyon, hindi naging mahirap ang kaniyang pagbabalik.

Sa katunayan, isa siya sa cast ng sitcom na Happy ToGether sa GMA network. Kasabay ng show na ito, pinag-uusapan rin ngayon ang love life ng aktor.

Matatandaan na matapos ang balita ng naging paghihiwalay ni John Lloyd at ng kaniyang dating partner na si Ellen Adarna, sunod na naibalita noong nakaraang taon ang naging kasal nina Ellen at ng aktor na si Derek Ramsay.

Matapos nito, nagkaroon na rin ng usap-usapan tungkol sa kasalukuyang nobya ni John Lloyd na si Isabel Santos. Nagsimula ito nang mapansin ng ilang netizens ang mga litrato ni John Lloyd mula sa Instagram account ni Isabel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Napansin rin ng ilang netizens na magkasama ang dalawa sa isang event, Disyembre noong nakaraang taon. Lalo ring pinaghinalaan ng mga netizens ang relasyon ng dalawa nang minsang ibinahagi ni Isabel ang isang larawan ni John Lloyd at ng anak nito na si Elias. Sa kabila nito, nananatiling tahimik ang dalawa at wala silang inilalabas na kumpirmasyon tungkol dito.

Photo credits: somethingstarwars | IG

Photo credits: somethingstarwars | IG

Ngunit noong nakaraang June 24 ay mayroong mga nailabas na larawan mula sa selebrasyon sa set ng kanilang sitcom. Makikita sa mga larawan na ito ang naging selebrasyon ng ika-39 na kaarawan ni John Lloyd sa set ng kanilang sitcom.

Bukod sa mga aktor at staff ng palabas, makikita rin dito ang anak ni John Lloyd na si Elias. Higit pa sa simpleng selebrasyon na ito, napansin ng netizens na naroon din si Isabel. May dala itong birthday cake na masaya namang tinanggap ni John Lloyd.

Napansin din ng netizens ang kilig at malakas na hiyawan ng mga aktor at staff nang halikan ni John Lloyd sa pisngi ang kaniyang rumored girlfriend.

Photo credits: imjaysongainza | IG

Bukod sa mga taong dumalo sa selebrasyon na ito, napakaraming netizens at fans ng aktor ang bumati sa kaniya sa social media. Maraming ispekulasyon din ang lumabas mula sa mga netizens kaugnay ng sinasabing relasyon ni John Lloyd at Isabel.


Source: Ptama

0 comments:

Sunday, June 26, 2022

“Taho Time” Tili Bolzico Isang Certified Big Taho Lover, Laging Bumibili sakanyang Paboritong Taho Vendor na si Kuya Henry

  • Certified Taho Lover ang anak ni Nico Bolzico at Solenn Heussaf na si Thylane.
  • Sa isang maikling video clip makikitang marunong ng bumili si Thylane ng kanyang paboritong taho.

Isang certified big taho lover ang anak ni Nico at Solenn na si Thylane, sa isang maikling video clip na ibinahagi ni Nico Bolzico sa kanyang instagram account ang nakakatuwang video nilang mag-ama habang sinasamahan nitong ang anak na si Thylane na bumili sa nagngangalang Kuya Henry na isang taho vendor.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Sa isang bahagi ng video makikitang kinakausap ni Kuya Henry si Tili, habang nakatuon naman ang pansin ni Tili sa ginagawa ni Kuya Henry.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Makikita din na hinayaan ni Nico na si Tili ang mag-abot ng bayad kay Kuya Henry sabay fist bump.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Sa huling bahagi naman ng video makikitang enjoy na enjoy si Tili habang kinakain ang kanyang favorite Taho.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Samantala, mapapansin din sa ilan pang mga video post ni Solenn na suki ni Kuya Henry si Tili dahil tuwing dumadaan ito harap ng kanilang bahay ay bumibili sila ng taho ni Kuya Henry.

May isang video pa nga na ibinahagi si Solenn kung saan tinuturuan ni Kuya Henry si Tili ng Filipino Alphabet. Kapansin pansin din na nakayapak lang sa si Tili habang bumibili ng kanyang paboritong taho kay kuya henry.

Photo credits: Solenn | IG

Photo credits: Solenn | IG

Madami naman ang humanga sa mag-asawang bolzico’s dahil bata pa lang ay tinuturuan na nila ang kanilang anak na maging humble sa kapwa. Ipinapakita lang ng mag-asawa sa kanilang anak na si Tili na maging marunong rumespeto at kahit mas mataas ang kanilang antas ng pamumuhay ay maging humble padin sa ibang tao especially sa mga kagaya ni Kuya Henry na street vendor.

Matatandaan na January 1, 2020 noong isilang ng aktres, vj, model, tv host na si Solenn Heusaff ang kanyang anak na si Thylane Katana Bolzico na binigyan nila ng palayaw na “Tili”. Si Solenn ay isang multi talented na tao kung saan magaling din itong kumanta, mag pinta, isang fashion designer at professional make-up artist. Kaya ilang sa mga talento niyang ito ay maaring mamana ng kanyang anak na si Tili.

Samantala si Nico Bolzico naman, asawa ni Solenn ay isang Argentinean Business Executive sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

Ikinasal ang dalawa noong May 21, 2016 sa bansa France, matapos ang halos limang taon nila bilang couple.

Narito at panoorin ang mga video:

 

 

 


Source: Ptama

0 comments:

Heart Evangelista, Nasurpresa at Namangha Matapos Makita ang Finished Product ng kanyang Pina Makeover na 1 Bedroom Condo sa Ortigas

Masayang ibinahagi ng aktres at vlogger na si Love Marie “Heart” Evangelista Escudero ang kanyang bagong investment kung saan super excited siya na ang kanyang mga pinag paguran at kinitang pera ay may napupuntahang maganda.

Sa latest youtube vlog ni Heart, ipinasilip nito ang kanyang bagong biling condo na kanyang pinamake over sa RLC residences.

Sa isang zoom meeting, discuss ni Heart at ng kanyang contractor ang magiging disenyo ng kanyang condo unit kung saan talagang plinano ng husto at hinimay bawat detalye.

Matatagpuan naman ang bagong 1 bed room condo unit ni Heart na ito sa Sapphire Bloc sa Ortigas.

Mapapahanga kana agad sa lobby palang ng building ng kanyang condo unit kung saan parang hotel ang disenyo. Mayroon din sila ditong gym, billiards, kids indoor playroom, outdoor kids playground,  mini home cinema.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Pagbabahagi naman ni heart na kapag naghahanap sya ng mga properties na kanyang iniinvestan ay sinisigurado niya na maganda ang lugar, malapit sa lahat ng malalaking establishment at busy places. Kaya naman super proud sya sa kanyang sarili sa bagong investment niya na ito.

Pagpasok palang sa kanyang condo unit makikita kung paano na maximize ang mga spaces at nasunod ang lahat ng kanyang gusto. Kahit ang na ang dapat ay bedroom, pero mas gusto ni heart na gawing opisina ay talagang nasunod at napakaganda ng pagkakagawa.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Pinalagay naman ni heart ang kanyang kama kung saan dapat nakalagay ang living room at pinalagyan niya ito ng kurtina upang magsilbing privacy sa kwarto.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Ang ganda din ng pagkakagawa ng countertop kung saan may dalawang high chairs na napakaganda ang pagkaka disenyo.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Naging maaliwalas naman ang kanyang condo unit dahil sa all white color ng kanyang wall at ng kanyang ceiling.

Napakaganda din ng kanyang maliit na kitchen dahil napakalinis tignan at lahat ng mga kailangang cabinets ay naprovide ng kanyang contructor.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Mapapansin din sa condo na ito ni heart na hindi mo mafifeel na parang maliit ang spaces at parang kulob dahil sa high ceiling. Sa katunayan pa nga nakapag drop ceiling pa sila sa kwarto ni heart kung saan may napakagandang ambiance at disenyo.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Isa pa sa mas nagbigay ng luxury looks sa condo na ito ni Heart ay ang double-swing doors na ito na nagsisilbing pinto papunta sa kanyang opisina.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Pagpasok naman sa opisina ni heart talagang makikita mo kung paano nila denetalye bawat espasyo, magmula sa gallery wall na pinaglagyan nila ng mga bagay na nakakapag inspire kay heart, sa napakaganda at sosyal na table at upuan ni heart.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Makikita din sa kanyang opisina ang isang open closet kung saan naka display ang kanyang mga nagagandahang damit.

Photo credits: Heart Evangelista | Youtube

Napakaganda din at napakalinis ng kanyang banyo kung saan may napakalawak din na espasyo at napakagandang disenyo.

 

 


Source: Ptama

0 comments: