Tuesday, March 8, 2022

Pinoy Olympian Boxer at Silver Medalist na si Carlo Paalam, Hinangaan Matapos I-invest ang Kanyang Perang Napanalunan sa Negosyo

Marami tayong napapanood, naririnig o nababasa sa telebisyon, radyo, newspaper kung saan may ilan sa mga dating sikat na personalidad sa mundo ng entertainment o sports ay bigla nalang naghirap matapos ang kasikatan dahil sa hindi tamang paghawak ng perang kanilang kinita noon mga panahong sila pa ay nasa tugatog ng kasikatan at tagumpay. Ilan nga sa mga ito ay nababaon sa utang, nagkakasakit at walang pambayad sa hospital at may mangilan ngilan pa na sa kalye nalang natatagpuan.

Pero para sa olympian na si Carlo Paalam, sinigurado niya na ang kanyang premyo na nakuha mula sa kanyang napanalunan ay may mapupuntahang tama kung saan ininvest niya sa mapagkakakitaan niya.

Imbis na ibili ng mga bagay na wala siya noon katulad ng mga luxury stuff, ay wais na inilgay ni Carlo ang kanyang pera sa negosyo kung saan nagtayo siya ng 2-storey commercial building na may paupahan at may mini gorcery store sa kanyang hometown sa Cagayan De Oro, maliban dito ay balak din ni Carlo na pasuking ang pagaalaga ng mga hayop katulad ng baboy, manok at kung ano ano pa basta mapagkakakitaan.

Photo credits: Carlo Paalam | Facebook

Photo credits: Carlo Paalam | Facebook

Ang grocery store naman na kanyang pagmamayari ay pinangalanan niyang Paalam Store. Marami ang humanga sa naging diskarte ni Carlo, at dahil dito ay marami ang humanga sakanya sa social media at ginawa siyang inspirasyon sa tamang pag gastos ng pera.

Photo credits: Carlo Paalam | Facebook

Photo credits: Carlo Paalam | Facebook

Si Carlo ay isang boxingero na hindi sigurado kung masusundan niya ba ang yapak ng sikat na boksingerong si Manny Pacquiao, kaya naman sinigurado niya agad ang kanyang future pati na din ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng wais na pag invest ng kanyang pera.

Sino nga ba si Carlo paalam?

Photo credits: Carlo Paalam | Facebook

Siya ay isang amateur boxer na sumabak noon sa Tokyo 2021 Summer Olympics upang erepresenta ang ating bansang Pilipinas kung saan nasungkit niya ang silver medal at may ranko na pang 12 sa men’s flyweight division.


Source: Ptama

0 comments: